Wednesday, June 20, 2012

Tatay ko yan.



Ang sweet lang ng Tatay ko. Alam ko na kung kanino ako nagmana. Nyahaha.

Balik Balik din.


May mga bagay talaga na bumabalik kahit akala mo ang tagal nang nawala. Eto yung mga bagay na kahit akala mo nakalimutan mo na at kahit ilang taon na ang nakalipas, ramdam na ramdam mo pa rin.



Yung mga bagay na matagal mo nang sinuko. Matagal mo nang binaon pero noong andyan na uli, hindi mo alam yung gagawin. Naiiyak ka pa rin. O kaya naman natatawa. Yung mga bagay na akala mo nakamove-on ka na don pero hindi pa pala.



Sabi nila, things have their own way of getting back to our lives. Learn to let go, if it is meant to be, it will happen. If it is not, you're not holding on to it. At least, not anymore.

Saturday, June 16, 2012

UMAASA = AKO.


Hanggang asa na lang.

Hanggang ngayon umaasa ka pa rin. Iniisip mo may magbabago. Iniisip mo may babalik sa dati. Hanggang ngayoon ngayon, umaasa ka pa rin na magiging ganoon pa rin ang lahat. Ineexpect mo pagkatapos nito, maggigng okay na. Umaasa ka pa rin na babalik siya.

Naghihintay ka pa rin. Kasi naglaan ka ng effort eh. Nagbuhos ka ng time. Siguro kasi may promise na naiwan. At naniniwala ka pa rin sa buong puso’t isipan mo na tutuparin niya yun. At ayaw mo tanggapin yung katotohanan na baka nga wala na yun. O kaya naman ikaw ang nagkamali. Inaantay mo pa rin. Ayaw mo lang talaga masayang. Yung second chance na yun. Yung opportunity na yun. Kahit na alam mo sa sarili mo na maaraing hindi na yun maulit. Baka last na yun.

But you still wait. Benefit of the doubt lang. At malay mo may bumalik nga. Pero lagi kang may tanong eh. Yung mala-Adele na kanta, “Should I give up or should I keep on chasing pavements?”. So next time, think twice and grab oppurtunities.

Pero baka nga kasi wala na.

Lubos na umaasa, AKO.