Tinatanong ako nga Nanay ko.
Bakit daw ako ganito.
Anong isasagot ko ?
Try niyang tanungin yung sarili niya.
At hindi ko daw siya namimiss.
Bakit daw hindi na ako naeexcite pag tumatawag siya.
Bakit daw parang hindi ako natutuwa kpag nagchachat kami.
Bakit daw parang wala lang sa akin.
Alam mo yung SANAY.
Kasi mula 3yrs. old wala na siya sa tabi ko.
Kasi nasanay na ako na taun-taon wala na siya.
Kasi ndi ko naman talaga nararamdaman na MAHAL niya ako.
Namiss ko din naman siya
noong una siyang umalis.
Naexcite din naman ako
noong una siyang tumawag.
Natuwa din naman ako
noong una siyang bumalik.
NASANAY lang TALAGA.
Eh yun kinukompara sa iba ?
Naexperience niyo na ? LAHAT naman siguro.
Ang gagaling daw ng mga alaga niya pag nagreport.
Sa school.
Sana nandito siya
nun ako lagi yung tinatawag pag reporting.
Ako yung pinipili pag kailangan sa play.
O kaya nun nanalo ako sa mga paligsahan sa school.
At SIYA yung gusto kong magsabit ng MEDALS sa akin nun.
At SIYA lang naman yung lagi kong inaasahan na audience ko.
Kasi gusto ko din naman, kahit minsan, maging PROUD siya sa akin.
Para ako naman yung matalino.
Para ako naman yung mabait.
Para ako naman yung magaling.
Kaso, EWAN. Ganon ata talaga.
Oo, naiyak lang kasi ako.
LAGI na lang.
Osige, EMO na.
Inexpress ko lang.
Secret lang natin ito aa.
Nashare ko lang.
Hahaha.
I STILL LOVE MY MOM, THOUGH. :)
Good Afternoon.
No comments:
Post a Comment