Monday, December 26, 2011

PASKO NA NAMAN.

Masaya naman ang Pasko ko.

Oo naman. Wala man engrandeng handaan, di man kumpleto ang pamilya, wala man Christmas tree at hindi man ako nageexpect ng regalo kinabukasan, masaya ang naging Pasko ko.

Bakit ?

  • Kasi atleast may handa kami. Hindi man carbonara, wala man palitaw, fried chicken at hindi man naluto ang hamon, ang mahalaga may pinagsaluhan kami. Ang mahalaga nabusog kami. I feel sad for those na walang handa ngayong Pasko especially nyung mga tinamaan ng bagyo. I uttered a prayer for them We uttered a prayer for them. It's one of the best things we can do. Talagang sila ang nagturo sa akin MAGING KUNTENTO. 
  • Kasi tumawag si Mama at si Papa. Dito rin nagpasko ang pinsan ko from Bacolod. Wala man sila dito, nararamdaman naman namin ang presensya nila. Na kahit malayo sila, nagawa pa rin naman maparamdaman ang Pasko sa kanila. Simpleng bati nga lang daw okay na. Nahohome sick din. At isa yung halimbawa na ipakita mo yun love sa kanila. Family will be always family. MAHALIN MO SILA HANGGA'T MAY CHANCE KA PA. 
  • Kasi atleast may bahay kami. Ilang beses na din muntik masunugan itong barangay namin. And Thank You Lord talaga. Di kami napaano and everything. Pinanghawakan ko yung verse na sabi ni Lord, "Your tent will not be in harm". And hindi nga. THE LORD REALLY PROTECTS AND WATCHES OVER HIS CHILDREN.
  • Kasi atleast ako may mabibigay. Nasanay kasi ako ng ako lagi ang binibigyan. Nasanay ako na ako lagi ang meron. Hindi nga naman masama ang maghangad para sa sarili. Pero lahat ng sobra masama. Kadamutan na iyon. So I learn to save and give to others. Kahit na maliit lang ang budget, sinisgurado ko na galing yun sa puso no ! And a prayer, minsan yun lang kasi ang kaya kong ibigay. :))) Silver and gold I have none sabi sa bible pero ang tanging mabibigay niya any prayers. And that means a lot. Natuto ako magbigay hindi lang sa ibang tao but more especially sa pamilya ko. Ika nga, IT IS BETTER TO GIVE THAN TO RECEIVE.
This month is the Season of LOVE AND GIVING. Sama mo na din ang FORGIVING, PEACE, UNDERSTANDING, UNITY etc. Eto lang yung ilan sa mga lessons na natutunan ko today. And to us, nawa hindi lang ito December. Sabi nga, Let everyday be Christmas day. HIndi sa handaan or dekorasyon nasusukat yun, masyadong literal eh. But it is within the spirit and within the heart.


Ang haba na. HAHAHA.
Merry Christmas & Godbless. ;)

"Grace and peace to you from God our Father and the Lord Jesus Christ." ~ 1 Corinthians 1:3

No comments:

Post a Comment