Friday, March 23, 2012

Wag mo sanayin ang sarili mo sa mga bagay na pwede naman wala sa buhay mo.

 — PLEASE.

Wala naman na.


Wala ka naman talaga magagawa pag ayaw na niya.

Pag pinilit mo pa kasi baka lalo lang lumala. Pag pinilit mo pa kasi lalo lang gumulo. Mapapayag mo man siya, wala din naman mangyayari. Ikaw lang ang mageffort. Di naman kayo uusad. Niloloko mo lang sarili mo. Mahirap nga siguro magmove on. Pero mas mahirap naman siguro kapag hinahayaan mo na yung sarili mong mawalan ng kabuluhan sa isang taong di ka naman kayang pahalagahan. Maghanap ka na lang ng ibang ikakasaya mo. Maniwala ka. Meron pa dyan.

Huwag ka kasing matakot. Nabuhay ka ng ilang taon na wala siya. Kaya mo din mabuhay ng ilang libong taon na hindi siya kasama. Ayusin mo kung pupwede pa. Pero wag naman laging magpakatanga.


Kasi pag pinilit mo pa, sa huli ikaw din naman ang masasaktan.

Wednesday, March 21, 2012

PROCASTINAAAAAAAAAAATION.

Wala na talaga akong nareview.

Ang hirap pala pag kaharap mo ang computer o kadikit na ng buhay mo ang Tumblr. Yung mga oras na imbis na nakakapag-aral ka, yung mga oras na imbis na nakakapagmemorize ka, yung mga oras na imbis may dapat na tinatandaan ka at yung mga oras na imbis na may natutuntunan ka na ay napupunta lang sa kakainternet mo.

Ewan. Bakit nga ba mas nakakaenganyo magcomputer kapag Exam Week no ? Siguro naghahanap ang utak ng isang paraan para mawala yung stress na nararamdaman mo. Pero gayunpaman, hindi pa rin maganda yung result. Nasasanay ka kasi sa PROCASTINATION.

Imbis na nagiging productive ka sa ilang bagay ay naaksaya mo yung oras mo. Wala   kang time management. Yung mga bagay na dapat nagawa mo na ngayon ay ipagpapabukas mo na lang kaya yung gawain mo kahapon, ngayon at bukas ay magtatambak ng magtatambak.

Sa dulo, ikaw din ang lugi. Ikaw din ang mahihirapan.

BOTTOMLINE. WALA NA TALAGA AKONG NAREVIEW

PROCASTINATION 101: Magrereview na talaga ako.

MAMAYA.

Gusto ko ng Magnum.

 MAGNUMber 1 sa PUSO mo.

Tinatamad kang magreview no.


Yung tipong dapat nag-aaral ka pero wala kang ginagawa.
Di ko din alam kung bakit. Alam naman nating lahat na ang hirap sa loob magreview. HAHAHA. Sobrang nakakatamad kapag kailangan mo nang balikan lahat ng pinag-aralan mo. Sobrang nakakatamad kapag kailangan mo nang magmemorize ng mga terminology na nagbubuhol-buhol sa utak mo. Samahan mo pa ng ibang subjects, edi hindi na alam ng utak mo kung anong huhugutin.
Face it. Isa lang naman sa mga ito ang nangyayari kapag nagrereview ka:
  1. Bigla kang nagugutom. Nakadalawang page ka pa lang, feeling mo kailangan mo ng kumain. Parang nagstarvation lang.
  2. Napapagod ka na. Yung tipong akala mo exercise ang ginagawa mo. Nagbabasa ka lang te, hindi nagwowork-out.
  3. Biglang ang daming nagtetext sa iyo. Kailangan mo magload. Magloload ka at magtetext. Wala ka nang nabasa. Nagtext ka na lang.
  4. Biglang ang daming online sa chatbox mo. Worse, online si crush. Kailangan mo magstay online. Umaasang makakausap mo siya. Hindi ka na nag-aral.
  5. Biglang dumami ang bisita niyo. Bigla kang nagkaroon ng lakad. Mas gusto mo magsaya kaysa danasin ang paghihirap ng review.
  6. Naboring ka bigla. Maghahanap ka ng ibang topic na babasahin. O kaya naman pipili ka ng ibang subject na mas madaling intindihin. Repeat cycle. Wala ka nang natapos basahin.
  7. Naboring ka uli. Maghahanap ka ng ibang bagay na gagawin. Biglang maganda ang palabas o ang soundtrip sa radyo. O games sa internet. Doon ka na lang nagfocus. Wala ka na naman napala.
  8. At higit sa lahat, bigla kang aantukin. Biglang ang sarap matulog. At magigising ka na lang 5 hours after mong mabasa ang first page ng notes mo.  Ipagpapabukas mo't matutulog ka na lang. Ganon din naman bukas ang mangyayari.
Kaya kayanin mo. Magtiis ka na lang. Mag-aral ka na lang ng mabuti, Maging determinado ka na magfocus sa review mo. At the end, pag mataas ang grades mo, ikaw din naman ang sobrang saya. Kasi may naging magandang bunga ang pagtitiyaga mo. Kaysa naman habang nageexam ka, pinagsisihan mo yung ginawa mo the night before your exam.

Tuesday, March 13, 2012

Kailangan ng inspirasyon.


Wala pa rin akong mablog for about two months. Ang hectic lang ng buhay ko. After this semester, magpapakasaya ako ng bonggang-bongga. For now, magtitiis ako sa likes at reblogs.

My works will never be in vain. Sabi nga nila,


PAGKATAPOS NG HAPDI, meron ding NGITI. :)))))