Wala ka naman talaga magagawa pag ayaw na niya.
Pag pinilit mo pa kasi baka lalo lang lumala. Pag pinilit mo pa kasi lalo lang gumulo. Mapapayag mo man siya, wala din naman mangyayari. Ikaw lang ang mageffort. Di naman kayo uusad. Niloloko mo lang sarili mo. Mahirap nga siguro magmove on. Pero mas mahirap naman siguro kapag hinahayaan mo na yung sarili mong mawalan ng kabuluhan sa isang taong di ka naman kayang pahalagahan. Maghanap ka na lang ng ibang ikakasaya mo. Maniwala ka. Meron pa dyan.
Huwag ka kasing matakot. Nabuhay ka ng ilang taon na wala siya. Kaya mo din mabuhay ng ilang libong taon na hindi siya kasama. Ayusin mo kung pupwede pa. Pero wag naman laging magpakatanga.
Kasi pag pinilit mo pa, sa huli ikaw din naman ang masasaktan.
No comments:
Post a Comment