Thursday, April 26, 2012

Yung sa simleng ngiti mo lang, nawawala na yung pagod ko.

Tampuhan.

Para sa akin, hindi kumpleto ang isang relasyon kapag walang tampuhan.

Yung tipong di kayo magpapansinan for days. Kapag may lakad ang barkada, kayo akng dalawa ang di nag-uusap. Hindi mo alam kung kanino ka sasama kapag kausap niya ang halos lahat ng tao sa grupo. Hindi mo alam kung paano dadaan nang hindi mo siya nakikita. Hindi mo siya itetext. Walang kibuan. At tatawirin mo ang mga kabundukan at karagatan maiwasan lang siya. Lahat ng paraan ay gagawin maparamdam mo lang na galit ka.

Pero alam mo yun, at the end of the day, mamimiss mo rin siya. Mamimiss mo kung paano kayo tumawa ng malakas. Mamimiss mo yung mga bagay na ginagawa niyo ng sabay. Mamimiss mo yung mga bagay na nagpapasaya sa iyo. Yung mga bagay na madalas niyo dating ginagawa.

Siguro minsan, mahirap magpatawad. Pero pag mahal mo talaga yung isang tao, nawawala lahat yun pag nagkaayos na kayo e. Mas masarap ang feeling ng walang dinadalang mabigat. May choice naman lahat e. Kung gusto natin ng mas magaan at masayang pakiramdam, forgive.

Di nga kumpleto yung isang relasyon, pagkakaibigan man o couple, pag walang tampuhan. Dito nasusubukan ang tatag ng pundasyon ng isang samahan. Paglipas ng araw at nagkaayos kayo, parang wala lang uli nangyari. Magsweet-sweetan kayo kung couple o balik sa asaran na wala ng pikunan kapag pagkakaibigan.

Kasi sa tampuhan na ito, we learn so many lessons. At sabi nila, ang tampuhan daw ay para sa mga espesyal na tao lang. :)

Monday, April 23, 2012

Lagi na lang sa sarap ng tulog mo.


Bukas na ako magpopost. Kailangan ko pang magising ng maaga. Bakit ba kasi ang sumasarap ang tulog mo kung kailangan mo ng gumising?

Bukas na ako magpopopst. Maaga pa kasi ako bukas. Bakit kasi mas lalong humihirap gumising pag naririning mo na ang alarm mo? O kaya naman bakit lumalambot lalo ang kama at unan mo? Bakit biglang kumportable ka na?

Maaga pa ako bukas. Bakit kasi kung kailangan magandang maganda na ang panaginip mo at mangyayari na ang pinakagusto mong part ay saka mo na kailangan gumising?

Bakit kasi mahirap gumising pag kailangan mo? At maaga naman pag wala kang kailangan gawin? Ang gulo lang.

SMP.



"Friends are the ones who love you when you forget to love yourself."

-- Sila yun. SMP. Namiss ko na sila. K.

Magkatampuhan lang.



Nagkaayos nadin kami ng kaibigan ko.

Bestfriend actually. Medyo mapride din kasi kami. HAHAHA. Nung mga nakaraan araw kasi ay lagi siyang tamang hinala sa akin. Nung una, okay okay pa eh. Pero dumating sa point na yung mga sinasabi niya sa akin, di na totoo. At di niya man lang ako pinakinggan or hinayaan magexplain man lang. Pero umalis ako nang parang wala lang kahit hindi na ako nagpaalam sa kanila bago ako umalis.

Tinext ko siya kasama pa ng isa naming kaibigan about that. Na hindi na ako natutuwa sa mga nangyari. Sabi niya, there’s nothing to explain and I need to rest. Sagot ko, wala naman ako balak magexplain. From then, di ko na siya pinapansin. Cold nadin ako sa isa.

Nagpalipas lang ako ng galit for a week. And kanina lang, okay na kami. Siguro, di man totally kasi mas ginusto ko ang umuwi agad na kadalasa’y bonding muna dapat pero babalik din yun kalaunan. The point is okay na kami. And I believe, we both learned our lesson din.

Sunday, April 15, 2012

Pansinin mo naman ako.


Yung mga taong hindi ka mapansin-pansin.


  • Kasi busy sila sa pag-aaral
  • Kasi priority nila ang pamilya
  • Kasi friends lang nila enough na
  • Kasi bulag naman pala siya
  • Kasi manhid siya
  • Kasi busy siyang nagpapansin sa iba.
  • Kasi hindi ka naman pala kapansin-pansin
  • Kasi hindi ka naman nagpapapansin
  • Kasi meron nang kumukuha ng atensyon niya


Yun lang. Yung tipong hanggang close friends na lang kayo. O kaya naman in a relationship na siya. Yung lahat na ng motibo ginawa mo na pero mabait ka lang talaga sa paningin niya.

Ang kulang na lang talaga ay sabihin mo. Kaso hindi pwede. O kaso hindi mo kaya.


image

Ang pagmamahal ko sa iyo ay parang SAMPAGUITA.

PILIT NA NGANG INAALOK, TINATANGGIHAN PA DIN.

Friday, April 13, 2012

Friday the 13th daw.

Ano naman kung Friday the 13th?

Hindi naman yung araw ang magdidikta kung anong mangyayari sa akin. Hindi naman yung araw na ito ang magtuturo kung anong gagawin ko. At hindi din naman itong araw na ito ang cocontrol sa lahat ng nasa paligid ko. Wala naman araw na malas para sa akin eh. Kung mangyayari ito sa iyo ngayong araw, eh mangyayari talaga sa iyo yan ngayong araw. At hindi lang yan basta nangyari, may dahilan din yan.

Ikaw naman ang gagawa ng araw mo eh. Kaya think before you click. Or iisipin mo muna yung mga consequences ng mga gagawin mo. Para walang bad side effects dba? For me, it is all in the mind. Kung iisipin mong malas ka talaga ngayong araw, eh malas ka talaga. Malakas ang kapangyarihan ng brain. May psychological effects yan. Katulad ng pag-isip mo na masakit ang ulo mo ay sasakit talaga yan.

Kaya think positive. Wala yan sa araw. Isa pa, I never use the world “lucky”. Kasi pwede maging unlucky. I use term “blessed”. Para goodvibes all the way.

Just sayin’. :)

Thursday, April 12, 2012

Masaya na.

May mga oras na kahit kasama mo lang yung tao na yun masaya ka na.

Yung tipong masaya ka na sa tawa niya. Masaya ka na pag nasa tabi niya. Masaya ka na sa ginagawa niyong dalawa. Sapat na yun sa iyo. Kahit hindi mo na sabihin yung tunay na nararamdaman mo.

Minsan kasi alam mo na kapag sinabi mo pa, wala din naman patutunguhan at mag-iiba lang ang lahat. Kaya ayun, masaya ka na maging kaibigan niya. Kahit na minsan nasasaktan ka kapag may nilalambing siyang iba. May kausap siyang iba o kaya may time siya sa iba.


Kasi masaya ka naman kapag nasa piling niya at wala ka nang hahanapin pang iba.

Tuesday, April 3, 2012

Pag nagsummer classes, may bagsak ? Pwede bang masipag mag-aral ?

Summer Classes Kasi.


Yung imbis na nakakapagpuyat ka ng matiwasay. At nakakapagpuyat ka ng hindi ka napapagod.

Ganon talaga pag summer class. Actually, make-up duty lang ako pero parang ganon na din kasi yun. Kailangan ko i-fill yung mga days na absent ako sa duty ng dahil sa dengue. Pero from 6days naging 2 days na lang. Swerte ko lang. Kahit na minsan parang lugi ako sa binayad ko dahil hindi dapat yun yung exposure ko.

Pero, wala e. Ang hirap lang pag nasummer classes. Imbis na may lakad kayo ng barkada mo, iintindihin mo pa yung shedule na available ka. Imbis na makakasama ka sa swimming ng pamilya mo, di ka na makakapunta kasi may exams ka bukas. Imbis na pwede ka sa mga gathering, hindi ka na makakasama kasi hindi ka pa tapos sa project mo. Imbis na makakasama sa ibag activity at gathering, hindi na pwede kasi tambak ka ng gagawin. Imbis na pwede ka sa mga gig, bawal ka umagahin dahil maaga ka bukas. At imbis na games, Tumblr, Facebook at Twitter ang pupuyat sa iyo, napupuyat ka kakareview sa irereport mo bukas. Parang ang daming nasayang no. Minsan lang nga naman ang summer sa isang taon.

Pero, ganon talaga. Kailangan mo tiisin yung pag-aaral na yan. Pag nabuno mo na lahat ng summer na kailangan mong bunuin at nakatapos ka with flying colors, simula non, lahat na ng summer ng buhay mo ay maeenjoy muna.

Sa una talaga, mahirap, nakakabadtrip pero sa huli, andun pa rin ang tunay na joy.