Para sa akin, hindi kumpleto ang isang relasyon kapag walang tampuhan.
Yung tipong di kayo magpapansinan for days. Kapag may lakad ang barkada, kayo akng dalawa ang di nag-uusap. Hindi mo alam kung kanino ka sasama kapag kausap niya ang halos lahat ng tao sa grupo. Hindi mo alam kung paano dadaan nang hindi mo siya nakikita. Hindi mo siya itetext. Walang kibuan. At tatawirin mo ang mga kabundukan at karagatan maiwasan lang siya. Lahat ng paraan ay gagawin maparamdam mo lang na galit ka.
Pero alam mo yun, at the end of the day, mamimiss mo rin siya. Mamimiss mo kung paano kayo tumawa ng malakas. Mamimiss mo yung mga bagay na ginagawa niyo ng sabay. Mamimiss mo yung mga bagay na nagpapasaya sa iyo. Yung mga bagay na madalas niyo dating ginagawa.
Siguro minsan, mahirap magpatawad. Pero pag mahal mo talaga yung isang tao, nawawala lahat yun pag nagkaayos na kayo e. Mas masarap ang feeling ng walang dinadalang mabigat. May choice naman lahat e. Kung gusto natin ng mas magaan at masayang pakiramdam, forgive.
Di nga kumpleto yung isang relasyon, pagkakaibigan man o couple, pag walang tampuhan. Dito nasusubukan ang tatag ng pundasyon ng isang samahan. Paglipas ng araw at nagkaayos kayo, parang wala lang uli nangyari. Magsweet-sweetan kayo kung couple o balik sa asaran na wala ng pikunan kapag pagkakaibigan.
Kasi sa tampuhan na ito, we learn so many lessons. At sabi nila, ang tampuhan daw ay para sa mga espesyal na tao lang. :)
No comments:
Post a Comment