Wala akong magawa. Kaya hanggang ngayon gising pa ako.
Nahuli na nga ako ni Mama naonline pero ayos lang. Hahaha. Nakahiram kasi ako ng laptop sa kapitbahay para makaalpas naman sa boring na buhay. Sira ang PC eh. Ayos naman pala ang pakiramdam naman ng may laptop. Feeling ko akin e. Hahaha. Nagaadjust pa nga ako sa keyboard.
Anyway, ang sarap talagang magsenti pag madaling araw no ? Tahimik. Walang sagabal. Kaya nga siguro madami pa din gising ng madaling araw. Ang daming naalala, ang daming sumasagi sa isip, ang daming pinoproblema, ang daming namimiss. Parang yung nararamdaman mo lang ngayon. Sarap kasi ng buong araw ka lang tulog at gabi ka gising. Ramdam mo na ikaw lang talaga mag-isa. Ikaw lang at wala ng iba.
Dami mong tanong sa sarili mo pag ganitong oras. Dami mong pagsisisi ganitong oras. Dami mong gustong gawin ng ganitong oras. Pero bukas, bagong umaga na naman. Parehas na senario. Parehas na buhay. Parang wala naman nagbabago.
Kaya mas masarap na gising ka lang ng gabi. Tila wala kasi wala ka ng pake. Sa mundo. Sa mga taong nasa paligid mo. Pero di kaya ikaw mismo ang naglalayo sa sarili mo ? Minsan kasi ganito ako.
IKAW BAKIT KA PA GISING NG GANITONG ORAS?
No comments:
Post a Comment