Sunday, February 10, 2013

Scumbag Brain.

Di ka makatulog.

Sa mga oras na kasi na ito, imbis na inaantok ka, imbis na mapayapa kang pipikit at matutulog, bigla na lang ang daming papasok sa isip mo. Bigla ka na lang bubulabugin ng isip mo at ang daming ipapaalala sa iyo. Bigla ka na lang matutula o mapapamuni-muni nang hindi mo nalalaman. 

Mapapareminisce ka sa mga bagay na nangyari na. Sa mga bagay na naging dahilan kung bakit ang saya mo ngayong araw at iniisip kung mauulit pa yun. Yung mga bagay na kinakatuwa mo at mga bagay na naging dahilan kung bakit ka may ngiti sa labi mo at sa mga bagay na patuloy na nagpapasaya sa iyo. Magiging ganoon ka pa uli kasaya? Na ikaw lang mag-isa? O nang kasama sila?

Mga ala-alang sanhi kung bakit ka malungkot. Kung bakit ka umiyak at patuloy na umiiyak. Mga bagay na dahilan kung bakit ka broken hearted at emo. Hayaan mo na, eto naman yung dahilan kung bakit ka lumalakas. Kung bakit ka tumitigas at bumabangon na mas maangas. Iiyak din kaya sila katulad mo? Makakamove on ka pa kaya? Bakit ba kasi nila ginawa yun?

Mga bagay na nagiging kahiya-hiya at kagalit-galit. Mga bagay na sumira nang araw mo. Na imbis na matulog ka na ay lalo ka pang napapahiya kahit nasa sariling kwarto ka na. Yung pakiramdam na asar na asar ka, iritang-irita ka na pero naaalala mo pa. Imbis na natutulog ka na, navi-visualize mo pa.

At yung mga memorya mong dahilan kung bakit ka kinikilig o naiinlove/ O yung mga bagay na pinanghihinayangan mo at hindi mo nasabi. Sayang ba? Saya ba? Gusto mo maulit? O gusto mo ng 2nd chance? May bukas pa naman eh. Habang ginigising ka ng diwa mo, pagplanuhin mo na. At matulog ka nang hindi mo makalimutan. HAHAHA.

Utak nga naman oh, kung kailan ka patulog, doon ka gagambalain. Di ka makatulog at nagmumuni-muni ka. Sinubukan mong pumikit at mag-isip at pagdilat mo, 3am na.

CONGRATS, PUYAT KA NA NAMAN.



Scumbag Brain, Y U NO LET ME SLEEP?!

No comments:

Post a Comment