Friday, March 29, 2013

Procastinaaaaaaaation.

Things-to-do for today:

- wake up
- review
- clean my room
- review again
- take a bath
- lunch
- sleep
- wake up
- review
- dinner
- review
- arrange clothes
- review
- sleep

Things I did:

- wake up
- lunch
- sleep
- wake up
- dinner

Eventually, going to sleep. Ang dami kong naaccomplish. Such a procastinator this week. Ugh. Babawi na lang. ULI.

Thursday, March 28, 2013

Birthday nito kanina. Di man lang nangimbita. Nakakaasar! LOLJK,

Siya yung tawa lang ng tawa. Masiyahin, maalalahanin at marunong makisakay. Yung tipo ng kaibigan na marunong dumamay. Naalala ko pa tuloy yung emo-emohan naming doodles nun. Naaalala ko kung paano kami nagkakasundo sa hilig ng kanta kahit pilit lang kami sa pagkantano gitara. Naalala ko kung paano kami mag-asaran sa lovelife ng bawat isa. Maumay sa ginusto naming size ng DQ at magwalkathon sa palibot ng school nila.

Nawala ko man yung frixion na binigay mo, hindi ka mawawala sa puso ko. LOL. Masyadong cheesy, pwe. Hahaha. Masaya ako't nanjan ka naman palagibfpr late night conversations. Wag kang magbabago. Keep up the faith.

Happy Birthday Pot. Makita lang kita masaganang kumakain at nagdiriwang ng iyong kaarawan. Kudos at graduate ka na. 600 more birthdays to come (tingnan natin kung maenjoy mo pa) and God bless you more!

Kudos Pot!

PS: di din kita iimbatahin next time. Dejoke. Namiss lang kita. See you soon! :3

Ice cream friends.

Mas masarap nga naman idaan ang problema sa pagkain ng ice cream. Lalo na pag kasama mo ang barkada.

Kulang man, sisiguraduhin ko na babawi yung 2 lang. No suicidal tendencies at all! Yeheyyy!

Monday, March 25, 2013

Tabing ilog memories.

Naalala ko lang yung mga panahon na parang dati wala kayong kamuwang-muwang. Yung mga panahon na kung makapagtampisaw kayo sa ilog ganon ganon na lang. Yung mas masaya pa kayo sa mga ibong humuhuni. Mga panahon na kumain at maglaro lang ang iyong inaatupag. Yung wala kayong iisipin, aalalahanin at poproblemahin kasi mga bata pa kayo. At tanawin lang ng ilog, tumatalon na ang puso mo.

Ngayon, nagkakailangan pa. Iba't ibang hilig, iba't ibang dahilan kung bakit masaya. Ang daming iniisip, baka ganiito baka ganyan. Tahimik, nahihiya. Tumatawa pero hindi na ganon kalakas. Hindi na ganon kasaya. Kanya-kanyang laro na.


May pagkakaiba man ay sa isang bagay lang kami nagkaisa: ang ilog pa rin ang sa amin ay nagpapaligaya. Tumatalon pa din ang puso namin dahil sa kanya.



Graduation goosebumps

Malapit na pala ang graduation. Kinda excited pero sangayon, hindi ko pa kasi siguro ganon karamdam. Ang dami pa kasing pagdadaanan.

Napasa ko naman yung Comprehensive exam (Thank God, really) at certified na gagraduate na ako. But before that, hahasain ko muna ang sarili ko sa pagrereview. May ipapasa pa kasi akong Qualifying exam parang preboard na namin.

Oh Gosh. Akala mo pag natapos at napasa mo na lahat ng requirements, diretsong martsa ka na, hindi pa pala.

Ganon siguro talaga. Bago ka umalis sa iyong kolehiyong nakasanayan at sumalang sa realidad ng buhay ay sasanayin ka muna. Hahasain. Hindi man maging perpekto pero atleast, may alam. May ibubuga. May laban.

Kasi pagkatapos nito hindi na biro ang buhay. Kailangan sa bawat suliraning kakaharapin may tapang ka naman para. resolbahin. Hindi ka na magiging lampa sa tunay na laban ng buhay.

Thursday, March 21, 2013

Here we go again.

May mga bagay na sobrang paulit-ulit nakakasawa na lang. Na kapag nangyayari yun uli, parang wala na lang. Heto na naman tayo. Palagi na lang. Paulit-ulit na lang.

Pabalik balik na lang. Eto na nga yung pinagusapan kahapon hanggang sa susunod na linggo, ganito pa rin. Eh wala eh, ganon talaga eh. Imbis na abangan natin ang kinabukasan, ayaw natin kalimutan ang nakaraan. Mistulan tayong may mga stiff necks na lingon pa rin nang lingon. Sa bagay, minsan mahirap nga maman. Mahirap magpatawad na lang.

Pag lagi na lang ganito, nawawalan na nang epekto. Wala nang saysay. Wala nang impact.

Minsan nakakaumay na. Na gusto mk nang tumakbo. Gusto mo nang lumayo at mapagisa. Kahit na minsan gusto mo nang kasama perpo ganon talaga.


Ayoko na. Paikot ikot na lang. Pwede bang kahit minsan, huminto tayo at maging masaya naman? :(