Showing posts with label inaantok na.. Show all posts
Showing posts with label inaantok na.. Show all posts

Tuesday, April 3, 2012

Summer Classes Kasi.


Yung imbis na nakakapagpuyat ka ng matiwasay. At nakakapagpuyat ka ng hindi ka napapagod.

Ganon talaga pag summer class. Actually, make-up duty lang ako pero parang ganon na din kasi yun. Kailangan ko i-fill yung mga days na absent ako sa duty ng dahil sa dengue. Pero from 6days naging 2 days na lang. Swerte ko lang. Kahit na minsan parang lugi ako sa binayad ko dahil hindi dapat yun yung exposure ko.

Pero, wala e. Ang hirap lang pag nasummer classes. Imbis na may lakad kayo ng barkada mo, iintindihin mo pa yung shedule na available ka. Imbis na makakasama ka sa swimming ng pamilya mo, di ka na makakapunta kasi may exams ka bukas. Imbis na pwede ka sa mga gathering, hindi ka na makakasama kasi hindi ka pa tapos sa project mo. Imbis na makakasama sa ibag activity at gathering, hindi na pwede kasi tambak ka ng gagawin. Imbis na pwede ka sa mga gig, bawal ka umagahin dahil maaga ka bukas. At imbis na games, Tumblr, Facebook at Twitter ang pupuyat sa iyo, napupuyat ka kakareview sa irereport mo bukas. Parang ang daming nasayang no. Minsan lang nga naman ang summer sa isang taon.

Pero, ganon talaga. Kailangan mo tiisin yung pag-aaral na yan. Pag nabuno mo na lahat ng summer na kailangan mong bunuin at nakatapos ka with flying colors, simula non, lahat na ng summer ng buhay mo ay maeenjoy muna.

Sa una talaga, mahirap, nakakabadtrip pero sa huli, andun pa rin ang tunay na joy. 

Wednesday, July 13, 2011

Nais kong matulog.

— Nakakatangkad daw ang pagtulog.
 Isa pa, naniniwala ako na ang pag-asa ko ay hanggang 21 years old pa. Kaya kom ito. Mahahabol ko din ang mga 6-footer kong mga kaklase. HAHAHA.
 Inggit langs. Pero talaga naman. Lamang ang matatangkad. Kahit na may advantage ang pagiging maliit kasi di kami madalas nauutusan, mas mainam yun tumangkad kahit ilang inches lang. Para naman may maipagmalaki ako sa sarili ko. HAHAHA. At hahabol talaga ako.
 Kaya natin ito. Samahan ng mahaba-habang tulog at dose-dosenang Cherifer. Maabot ko din ang mga tala. HAHAH. Isa pa ..
 Nais kong tumangkad. Para maabot ko ang puso mo. LOL

Wednesday, June 22, 2011

Inaantok na.

 Ako ay matutulog na.
 Wala na akong gustong intindihin pa. Kanina pa lang sa 1st class ay sobrang bagsak na ang mata. Nagigising nalang ako pag next slide na. HAHAHA. O kaya nagjojoke yung professor ko. Kahit nga habang nagrereview e. Blangko ang utak ko.
 Pero, naggala naman after uwian. Sumaya lang. Pero tutulog na ako seryoso. Kitakits mamaya. Babawi lang ng lakas. Mahina ang kalaban. :D