Ang hirap ng binabantay ka na ng parents mo sa lahat ng ginagawa mo.
Simula kasi nun umuwi si Papa. Nabawasan na yung pagcocomputer ko. Hindi na din ako masyadong nakakapagTumblr kasi hanggang 10 lang daw ito pwedeng bukas. Kahit sa TV. Napakastrict. Ang hirap magpalaki ng magulang. HAHAHA.
Naninibago na tuloy ang katawan ko at maaga na natutulog. Minsan nga pakiramdam ko gising pa din yung diwa ko kahit na tulog ako. Ganon ako kaadik magpuyat. Inaabot ako dati ng 3am. E ngayon ? HAHAHA.
Bakasyon lang naman dito si Papa from abroad. Di naman sa masaya ako kung aalis na siya, pero sasaya ako kung magiging maluwag lang naman siya sa rules niya.
KARAPATAN NA KAYA ANG PAGGAMIT NG INTERNET.
At nalalabag na ang karapatan ko. At mag-iisang linggo na. Hayaan mo na, magbabakasyon silang lahat sa probinsya at maiiwan na naman ako sa bahay mag-isa. And it’s time to party party ! HAHAHAH.
Namimiss lang kita Tumblr. Namimiss ko na din kayo. ;)
No comments:
Post a Comment