Monday, November 28, 2011
Makikinig ka lang naman.
Masaya naman pala.
Alam mo yung pakiramdam na kahit gaano kahirap yung ginagawa mo, masaya pa rin bandang huli ? AKO YUN.
I am currently having my duty at NCMH. Oo, yun yung Mental Hospital sa Mandaluyong. Yes, hindi normal yung pasyente ko. Yes, hindi sila ganon kaayos kausap. Yes, maguguluhan ka sa kanila. Pero, they still deserve to be treated well.
Masarap sila kausap. You will still learn from them. And kahit na mahirap, minsan toxic pa dahil kasabay ng duty ang sandamakmak na case study at kung anu-ano pang paperworks, masarap yung nakakatulong ka. Ang ginhawa ng pakiramdam na nakakaalis ka ng problema.
My patient told me, who is a strict suicidal patient, na ang tanging bagay lang na nagpapasaya sa kanya ay kapag nakakapagusap kami. Sobrang nakakaburyo nga naman sa loob. Tapos minsan hindi ka pa nadadalaw dba ?
BOTTOMLINE ? Hindi lang naman sila ang nalulungkot at nangangailangan ng kausap. Malay mo, yung kaibigan mo pala, kaklase, kapitbahay o kamag-anak mo ay kailangan ng kausap. Just be there. Minsan, hindi na natin kailangan magbigay ng advice, LISTENING is the BEST THERAPY you could ever give.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment