Yung feeling ng nakumpleto kami uli.
Siempre, sobrang sarap. Kahit na mejo bitin ang pagkain, sapat na yan. Kahit na mejo walang budget, pagkasyahin na yan. Kahit na ubos na ang inorder na pagkain, sige kwentuhan lang. Kahit na ginagabi na, sige tuloy lang. At kahit na lahat kami naiistress, sige tawanan lang.
Walang kasing saya yung araw. Yung feeling na finally, nagkaroon din ng oras ang bawat isa para sa bawat isa. Walang busy, walang late ang uwi. Walang homework na kailangan gawin. Walang kulang yung pera. Walang hindi pinayagan ng magulang. Lahat pwede. Okay lang yan. Basta nagkasama-sama.
Mejo mababaw ako pag nagkukumpleto kami eh. Sobrang saya langs. Tiyaga-tiyaga lang sa ganito. Tiis-tiis lang sa ganyan. Atleast buo kami. Oo, nakakabobo nga naman pag kanya-kanyang course ang pinag-uusapan. Mapapa-ano daw ? Mapapa-teka lang ah ! Kasi hindi naman nagkakaintindihan. Kahit na minsan manghang-manhga o nandidiri sa mga kwento, tuloy lang. Tapos pag nagkwento na ng kanya-kanyang buhay, pwedeng magtawanan. O kaya pag problemang pag-ibig, pamilya o iba pa, may iyakan pero magpapalakasan na lang, tapos idadaan sa tawanan uli. May tampuhan man nagaganap pero at the end, pang-unawa na lang.
Tapos saka aalalahanin ang High school days. Pagtatawanan na lang namin ang lahat. Yeah, magkakaklase kasi kami nun Hayskul. Oo, nagkikita parin kami. Oo, close na close na close na close parin kami. Sabi nga, your college friends may know your attitude but your high school friends know the reason beyond it. Wala pa rin tatalo sa kanila. Sabi nga ng isang Chinese proverb, "Old clothes are the best.Just like friends." HAHAHA.
Talagang lahat ginawan ng paraan. At umaasa naman ako na mauulit yun. Alam ko naman na mageffort ang lahat. Kasi ganyan talaga pag magkakaibigan, walang iwanan. Awww.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment