Showing posts with label walang pasok.. Show all posts
Showing posts with label walang pasok.. Show all posts

Wednesday, January 25, 2012

Sa bahay.


Ayoko lang nagiistay sa bahay. Wala din naman ginagawa kundi magcomputer. O kaya kumain. O kaya matulog. Minsan mas gusto ko pa pumasok. Minsan gusto ko din magdorm sa malayong lugar. Gusto ko din itry maging independent. Gusto ko lang umuwi kapag matutulog na ako o kaya tulog na lahat ng tao tapos alis na naman kinabukasan. Hindi naman ako rebelde, siguro isa lang ito sa feeling ng pagiging teenager.
Yung mangangarap ka din mabuhay mag-isa. Problema, nag-aaral ka pa at wala ka pang sariling kita. Umaasa ka pa rin sa mga magulang mo. Masarap daw kasi maging independent. Lahat nagagawa mo. Walang sumisita sa iyo. Hindi masyadong maingay. Tahimik ang buhay kasi nga walang bawal bawal.
Pero nakakamiss din ang pamilya pag nabuhay ka mag-isa. May isang punto sa buhay mo na gugustuhin mo maging independent pero marerealize mo pa rin na mas masaya ang buhay pag kasama mo ang pamilya kahit ang ingay ingay nila.

Thursday, July 28, 2011

3 araw na walang pasok.

 AY. Grabe. Minsan ang gulo nga naman ng buhay. Parang yung akin lang ngayon. Ayaw ko talagang pumapasok. LOL. PEro ngayong, 3 araw na walang pasok. Ang dami kong narealize.
  • Pag walang pasok, boring. Nakakayamot.
  • Pag walang pasok, walang baon. Mahirap.
  • Pag walang pasok, walang bonding. Nakakamiss.
  • Pag walang pasok, walang gala. Nakakamiss.
  • Pag walang pasok, boring. Nakakayamot.
  • Pag walang pasok, walang baon. Mahirap.
  • Pag walang pasok, walang bonding. Nakakamiss.
  • Pag walang pasok, walang gala. Nakakamiss.
 HAHAHA. Masarap din naman. Kasi:
  • Puro kain.
  • Puro tulog.
  • Puro computer.
  • Puro nuod ng tv.
  • Puro soundtrip.
  • Puro kain.
  • Puro tulog.
  • Puro computer.
  • Puro soundtrip.
 Sabi ko nga kay Lola, gusto ko ng pumasok bukas. Dahil ang hirap ng buhay sa bahay. Ang hirap ng buhay na wala kang ginagawa. HAHAH. UTANG NA LOOB. Papasukin niyo na ako. HAHAHA.