Tuesday, October 30, 2012

Hindi pa din ako makatulog at heto ako nag-aayos ng blog ko. Mas gusto ko dito kaysa sa ibang sites. Mukha na kasing diary eto eh. HAHAHAHA. Nasanay na kasi ako ng 6am ang tuloh ever since nun nag-Graveyard Shift ako. Maaga na ako nakakatulog nun eh. Ngayon, nganga ako pag maaga akong nagbabalak matulog.

Mukha na akong bampira. At pinagaglitan na ako ni Lola na ilang beses na nagising. Guess, i-aadfjust ko na naman ang sarili ko na matulog nang maaga. Pfft.

4th YEAR.



Naenkoy ko itong grupo na ito. Kahit may tampuhan at basagan, at di masyadong solid. MASAYA naman. Mamiss ko ito, kahit papaano. Sige na nga, mamimiss ko na talaga. See you soon, future colleagues.


At sa dalawang ito na lagi ko nang nakasama dahil pinagbuklod kami nang tadhana. HAHAHA. Yung totoo, sinectioning kasi kami. Epal tong OLFU. Eh kami lang ang classmates last semester, o edi eto na. :)))

WALA. na naman.


Yung feeling na lagi ka na lang umaasa sa WALA.

Ang sakit lang maramdaman nang ganon. Yung kahit papaano, nageffort kang maghintay yun pala maghihintay ka lang sa WALA. Yung ikaw, nag-aaksaya ng oras sa mga bagay na sinabi niya pero siya balewala lang na tumanga ka. Yung tipong ang tibay lang ng tiwala at pananampalataya mo.

Ikaw naman kasi umasa ka. Naniwala ka naman agad.  Di mo din naman kasi maiiwasan. Ganon talaga. Mahal mo eh. Concern ka e. Meron kang pakialam eh. Siya lang naman itong wala.

Ayos lang umasa. Oo. Kahit masakit. Atleast, hindi ikaw yung nakakasakit. Hanggang sa masanay ka na lang at wala ka nang maramdaman. Maghintay ka man o hindi, may dumating man o wala, parang wala na lang. Nakakamanhid din pala.   Pero minsan, bawas-bawasan naman para hindi ka laging naghihinakit.

Kung marunong ka nga naman magexpect, matuto kang madisappoint.
Ikaw lang naman ang dahilan kung bakit gising pa ako.

Day 11.



Day 11- A picture of something you hate.

Eto talaga yung unang pumasok sa utak ko. Ayokong nakikita, naririnig ito. Lalo na sa hapag kainan. Even the thought of it kills me. Sorry. Oo, pagkain yan pero may kanya-kanya naman tayong taste dba ? Hahaha. Di din naman ako maselan. Naiisip ko kasi na yung paa ng manok ay gingamit niyam pangkahig at panghukay at pantapak. Minsan natatapakan niya yung tae niya. Plus, ang exotic ng itsura. Paang paa talaga e no. Siguro, nagsimula ito nun katayin yung alaga kong manok dati na si Klok-klok para gawing arroz caldo at ang una kong nakitang parte niya na ginawang sahog ay paa, Nun sinandok na kasi sa akin yun ay pakpak na yung binigay. Well, BASTA AYAW KO NIYAN. Srsly, di ko masikmura. :\

Pero kumakain ako ng isaw. Weird dba.

Wednesday, October 24, 2012

Tuesday, October 23, 2012

Graveyard Shift.

"Ang gabi ay nilalang upang mangarap at magsaya sa mga ala-alang pumupukaw ng damdamin." ~ J. Rizal, El Filibusterismo


- Eh paano yung naka-GRAVEYARD SHIFT ? :|

Sunday, October 21, 2012

Psalms 73:26

"My flesh and my heart may fail, but God is the strength of my heart and my portion forever."

Sunday, October 14, 2012

NCM 107


Dahil last year ko na ito at gusto ko ng exposure (slight), sumali ako sa Docology sa seminar namin. Totoy Bibo talaga. LOL

Tuesday, October 9, 2012

Happy Birthday Dad.


Para sa tatay kong si Rodolfo Gacho na pinagmanahan ko ng KAGWAPUHAN, KAKISIGAN AT KASIPAGAN sa lahat ng bagay, HAPPY BIRTHDAY! Wag ka mag-aalala, nag-aaral kami nang mabuti. Lalo na AKO. Ingat ka jan palagi. Mahal at miss ka namin. God bless sa iyo Pa. :D

Saturday, October 6, 2012

Si Mariz.



Sorry nalate ako sa pagsundo sa iyo, galing pa kasi akong duty. Agahan ko na next time, Mariz. I miss you. ♥

Wednesday, October 3, 2012

This is a free country, I can do what I want!

-- Ngayong pinauso ni Tito Sotto yang Cybercrime Law na yan, ipapaalala ko lang sa kanya ang sinasabi palagi ni Vic Sotto. Sana nga, mabusog kaming mahihirap sa batas na yan.

Thursday, September 13, 2012

Midterms.



Yung feeling kapag nagrereview ka ng Major subjects mo. Highlight lang ng highlight kasi feeeling mo importante lahat. Kasi feeling mo lalabas lahat sa exam.


Saklap, dre.

Friday, August 17, 2012

Matutulog ako nang maaga.

Matutulog na ako nang maaga.

Gusto ko na magbago. HAHAHA. Ayoko na ng napupuyat. Masama daw sa brain cells. MASAMA NAMAN TALAGA. Gusto ko na mag-aral nang mabuti. At pumasok kinabukasan sa school na hindi haggard tingnan kasi hindi ako nagmamadali. Gusto ko na rin na hindi ako nahihirapan magising at makailang balik-bangon sa kama.

Pero tinatamad ako. Next time na lang. Ngayon, simpleng matutulog muna ako.

Day 10.





Day 10 - A picture of someone whom you do craziest things with.

1st picture - those were my highschool friends. Meet Jesa and Raymond. We just did the craziest (not really the craziest but sort of) before we graduated. Highschool is the drinking session before college. When the fun usually begins. We did pranks from teachers to students. Just kept the fun in our classroom. Hindi ko nga malimutan ang highschool ko dahil sa kanila. Yung papagalitan ka at mapagsasabihan ka. Tipong mapapansin ka talaga ng iba. That feeling of nervousness and suspense and happiness and sadness together in one emotion. I just can't. Well, the craziest trio ever.

2nd picture - College is the hangover before the adult life. And here I am with Hazel, laughing so hard whenever we feel like we're lonely. We wave at escalators like VIP artists, speak to somebody in an unknown language, laugh till we both roll on the floor dying.


Sorry kung dalawa ang litrato. Sobrang magkaiba lang ng past and present. Time may lessen or stop our bonding times but our fun will never die in our hearts. 



Yung feeling na mas mahaba pa ang middle initial mo kaysa sa tulog mo.

GV people.

Yung mga taong minsan mo lang makausap pero ang gaan-gaan na ng pakiramdam mo. Kahit na akala mo walang sense yung pinag-uuspan niyo, o kaya naman wala ng patutunguhan o kaya naman yung natural na kamustahan lang. Kahit na anong klaseng usapan pa yan.

Sila yung mga taong, di man kumukumpleto ng araw mo, pero pag nakausap mo sila, instant balik good vibes na uli yung araw mo. Sila yung mga taong pag kinausap mo bago ka matulog, mapapa-goodnight ka talaga.

Sarap lang sa pakiramdam. Sana dumami pa sila.

Thursday, August 16, 2012

Day 9.




Day 9 - A picture of someone who has gotten you through the most.

What does this even mean ? If this means someone who knows me well ever since, until now, this would be so hard. I always feel nobody ever understands me. My mother would be one. My bestfriend during my elementary days would be one since they're all I've got. My bestfriends when I was in highschool would also be a choice since they've known me for almost 4years. 

Pero sige eto na. Dalawa na muna ngayon PLEASE.

1st picture - My HS friends. Roscelle and Brylle. We're totally laughing out loud when we're together. We have so much stories to tell meaning we really haven't seen each other for a long time. I love how they know what I'm feeling on some days when we're in high school. They know how will I react, respond, do, act, feel or whatever on someone or something or somewhere. We always have this connection, gestures and eye-to-eye-contacts  that we understand quickly. Like we have this empathy link or something. 

2nd picture - Well, Her. She's the 1st one who popped into my mind. She just knows me too well. Familiarized ourselves each other at some point. But that doesn't mean everything will work out just fine. Over familiarity. Thus, too much isn't really good. Yeah, it did hurt, ONCE.


Sana hanggang ngayon, nagkakaintindihan parin TAYONG LAHAT.


Oh. Books.




Guess what I bought today.

The Heroes of Olympus Book #1: The Lost Hero.

Ang yabang ko lang. Eh bakit ? Kinokolekta ko kasi itong series na ito. Well, nasimulan ko na naman yung book. So far, so good. Talagang when you start reading, its really hard to stop yourself. Adventure, romance (na hindi mala-PBB Teens) with Greek mythology. Maaliw ka na sa story, maaliw ka pa sa mga natutunan mo. Talagang aabangan mo ang bawat chapter. Well, hindi na nga ako nakapagreview dahil dito. :))

A must-read book.

This book is available in all leading bookstores nationwide.

Tuesday, August 14, 2012

“Books are for people who wish they were somewhere else.”

Mark Twain

Day 8.


Day 8 - A picture that makes you laugh.

Eto na talaga yun. Say hi to my college friends. Ang cute ko lang sa picture. Sorry naman, kung eto talaga. Ang cute lang kasi nila pag zinoom na. Ang mean ko. HAHAHA. Sorry na talaga. Enough said. Sabi naman nila, minsan mas okay ang WACKY kasi dun mo makikita ang saya ng barkada.


Anyway, miss ko na kayo. :(

Understanding a Shame-Based Personality


From: http://onlinecounsellingcollege.tumblr.com/

There is a difference between blaming and shaming a person. Blaming is being told you did something wrong. Shaming is being told that there’s something wrong with you, and you’re worthless, bad, inferior or inadequate. Examples of shaming statements include:


  • “You were a mistake; I wish I’d never had you”
  • “You’re useless; you’ll never amount to anything.”
  • “You could never do what he/she does”
  • “You’ve ruined my life; you ruin everything for everyone”


Adults shamed in childhood have the following 12 traits:

  1. They are afraid to share their true thoughts and feelings with others.
  2. They are terrified of intimacy and put up walls in relationships. They also fear commitment as they expect to be rejected.
  3. They are often extremely shy, easily embarrassed, and are terrified of being shamed or humiliated. They tend to suffer from debilitating false guilt.
  4. They struggle with feelings of worthlessness and believe they are inferior to others. They believe that is something they can never change as worthlessness is at the core of who they are.
  5. They often feel ugly and flawed, even when they’re beautiful – and everyone tells them that.
  6. They may be narcissistic and act as if they have it all together; alternatively, they may be completely selfless, almost to the point of being a doormat.
  7. They are often very defensive and find it hard to bear the slightest criticism. They feel as if they are being constantly watched and judged.
  8. They have a pervasive sense of loneliness and always feel like outsiders (even when others genuinely like and love them).
  9. They feel controlled – as if they always have to do want others want and say – and this blocks spontaneity.
  10. They are perfectionists and usually suffer from performance anxiety. This may also cause them to be procrastinators.
  11. They tend to block their feelings through compulsive behaviors like eating disorders, retail therapy or substance-abuse.
  12. They find it hard to establish and enforce healthy boundaries with others.

Monday, August 13, 2012

Date Who?


Date a guy who reads. Ever seen a guy spend thousands of bucks at a bookstore. Bookmark him. He is probably the kind of guy you’d like to marry.

Find a guy who loves to read, and I can show you a philosopher, a romantic and a brave-heart. You’ll know him the moment you see him, by the detached look on his face, as if he does not connect with the world except the one that exists in his books. If his eyes light up on seeing a Orhan Pamuk or a Ernest Hemingway, He is the guy.

Ssshhhh !! Just heard a wolf whistle? That’s probably when the guy has found a rare book that he has been searching for days together. Can’t you see that the pages of the book that he carries around are still looking crisp and fresh? He can’t bear to see them soiled. He handles them so carefully, lest they get hurt. It hurts him to see a book without its cover or dog-eared pages and quickly sets about repairing them.

He’s the guy who is having the silently funny conversation with the librarian in the archives. And for a change the librarian is actually talking to him and she is even smiling at him now. Makes you wonder what sort of a charm does he cast. Ask him if he is interested in visiting a used-books stall after the library and he will be taken in.

He is the guy who when sitting in a bus, does not mind the jittery ride and continues to read the book, oblivious to all those beautiful girls around him. He does mind you stepping on his toes as long as you don’t let him take his eyes off his book. No !!! Don’t disturb him now. You are most likely to get an angry glare. Perhaps you might even be ignored.

Don’t pretend in front of him. He can see through you if you are saying things just to sound intelligent. Buy him a cup of coffee and make him talk on the books he loves. You can listen to his eloquent words for hours together. Don’t be scared if you get lost in Middle Earth. He will guide you through. Faust confuses you? He will explain the metaphor to you. He is the guy who does not realize that his tea has become cold and formed layers once he gets his hand on a book. Offer to buy him a book and he will follow you to the end of the world.

Get him books for his birthday, for New Year and Valentine’s Day as well. He is not going to complain. And of course, don’t forget to get the books listed on his wish list for Christmas. The man lives in his own world. No fault of his if he wants his life to resemble his favorite book. It’s probably the only thing he understands.

Disappoint him. Because a man who reads knows that the ointment for disappointment is books. You need not always be there for him. Gift him a book and he will feel your presence. Don’t be something that you are not, to him. He knows that people are like characters. It takes them time to grow. If you find a man who reads, keep him away from society. He is a prized catch.

If you find him depressed for days together, ask him the title of the book that he read. Understand what the story meant to him and hold him. Yes!! Hold him. He needs it very badly. He may not cry, but his hug will speak a thousand words, and his smile will make your day. Prod him and he will talk. He will speak on how he felt as if he was inside the book, and how the decision of the protagonists changed his view on things.

Propose to him – with a bookmark. He will understand. In case he doesn’t, send him a couple of books with a telegram. And when even that doesn’t give him the clue, Write a book and ask him to proofread.

Don’t be surprised if he names your kids with strange names. That was bound to happen. He will show your children the philosophy of being altruistic. He will show the kids how it feels to stop by woods on a snowy evening. And perhaps someday he will show his kids that there is a greater heaven. Who knows, someday you might just be reciting “Lochinvar” under your breath as you walk with him to the supermarket.

Date a guy who reads because you deserve it. He can make your life colorful and yet make you feel grounded. Don’t tempt him with vices of the material world, they mean nothing to him. Show him the way to the world of books and he will show you the way to his heart.

Or better yet, date a guy who writes.

Dear Future Girlfriend, don't worry. AKO ang magiging PRIVATE NURSE mo.

TAMA NA YAN.

INUMAN NA.

May nag-iinuman na naman sa harap ng bahay namin. Natitigang na naman ako sa alak. Hindi nila ako inaalok. Alam naman kasi nila na hindi ako umiinom. Kaya nanahimik na lang ako sa bahay. Hahaha. 
  • Pampalipas oras
  • Bonding time ng barkada
  • Pampaalis stress
  • Pampalimot ng problema
  • Pampalabas ng hinanakit at sama ng loob
  • Pampalakas ng loob
  • Pampa-ALAM NA.

Hindi naman ako tomadero. Pero, ano itong nararamdaman ko? HAHAHA. Samahan niyo ako, please? :))

30 Day Challenge.


Will be doing these for the next 30 Days. We'll see.

I don't feel like doing anything.

Friday, July 6, 2012

Busy.

Darating talaga sa point na wala ka nang gagawin kundi maging busy. Namamalayan mo man o hindi pero nagiging hardworking ka na pala. Pwedeng dahil sa pressure, kailangan lang sa ngayon o sadyang inborn ka na. Ang problema lang kapag ikaw yung tipong once in a blue moon lang sipagin.

Kaya pag bigla mong narealize na nagiging busy ka na, ituloy-tuloy mo lang. Aasenso ka niyan. Basta positive yang pinagkakabusyhan mo ah

Wednesday, July 4, 2012

Move-on ka na dapat.



EX-GIRLFRIEND: Pinilit kong kalimutan ka. Maghanap ng katulad mo. Pero wala. Wala talaga akong nahanap. Ikaw pa rin talaga.
BOY: (speechless)

Kasi naman dapat matagal mo nang kinalimutan. Dapat hindi mo na iniisip. Dapat matagal mo nang baon sa limot ang lahat ng iyon.

Pero ito ka, mukhang tanga. Kaunting text lang niya, nagrereply ka. Kaunting tawag lang, sinasagot mo na. Kaunting request lang, okay lang sa iyo. O kaya naman akala mo ayaw mo na, pero pag namimiss mo din naman pala. Yung feeling na galit ka sa ginawa niya pero hindi mo alam kung masaya ka kapag nandyan siya. Alam mo matagal nang tapos ang lahat. Pero onting ngiti niya lang, kinikilig ka na uli. Kaunting gestures mo lang, hindi mo na alam ang gagawin. “HINDI. HINDI. WAG. WAG.”, yun na lang ang pinapasok mo sa isip mo.

Hindi mo alam kung ayaw mo na sa kanya o gustong-gusto mo na siyang bumalik sa buhay mo

Wednesday, June 20, 2012

Tatay ko yan.



Ang sweet lang ng Tatay ko. Alam ko na kung kanino ako nagmana. Nyahaha.

Balik Balik din.


May mga bagay talaga na bumabalik kahit akala mo ang tagal nang nawala. Eto yung mga bagay na kahit akala mo nakalimutan mo na at kahit ilang taon na ang nakalipas, ramdam na ramdam mo pa rin.



Yung mga bagay na matagal mo nang sinuko. Matagal mo nang binaon pero noong andyan na uli, hindi mo alam yung gagawin. Naiiyak ka pa rin. O kaya naman natatawa. Yung mga bagay na akala mo nakamove-on ka na don pero hindi pa pala.



Sabi nila, things have their own way of getting back to our lives. Learn to let go, if it is meant to be, it will happen. If it is not, you're not holding on to it. At least, not anymore.

Saturday, June 16, 2012

UMAASA = AKO.


Hanggang asa na lang.

Hanggang ngayon umaasa ka pa rin. Iniisip mo may magbabago. Iniisip mo may babalik sa dati. Hanggang ngayoon ngayon, umaasa ka pa rin na magiging ganoon pa rin ang lahat. Ineexpect mo pagkatapos nito, maggigng okay na. Umaasa ka pa rin na babalik siya.

Naghihintay ka pa rin. Kasi naglaan ka ng effort eh. Nagbuhos ka ng time. Siguro kasi may promise na naiwan. At naniniwala ka pa rin sa buong puso’t isipan mo na tutuparin niya yun. At ayaw mo tanggapin yung katotohanan na baka nga wala na yun. O kaya naman ikaw ang nagkamali. Inaantay mo pa rin. Ayaw mo lang talaga masayang. Yung second chance na yun. Yung opportunity na yun. Kahit na alam mo sa sarili mo na maaraing hindi na yun maulit. Baka last na yun.

But you still wait. Benefit of the doubt lang. At malay mo may bumalik nga. Pero lagi kang may tanong eh. Yung mala-Adele na kanta, “Should I give up or should I keep on chasing pavements?”. So next time, think twice and grab oppurtunities.

Pero baka nga kasi wala na.

Lubos na umaasa, AKO.

Wednesday, May 9, 2012

KUYA.


Ang hirap maging Kuya.

  • Kailangan magparaya
  • Kailangan umintindi
  • Kailangan magpatawad
  • Kailangan magbigay
  • Kailangan tumulong
  • Kailangan magpagal
  • Kailangan magtiyaga
  • Kailangan matapang
  • Kailangan matalino
  • Kailangan magpakabait
  • Kailangan mapagmahal

Well, Ang dami lang standards. Ang hirap nga naman makasundo yung kapatid. Siguro, kasi bunso siya kaya siya yung mas iniintindi. Naiinggit lang siguro ako kasi meron siyang bago this pasukan. Minsan nga yung mga pinsan ko pa yung iniintindi ko dahil sa kaunting inggitan. Which is mali. 

So, dapat maging KUYA. Though may ups and downs kaming magkapatid, at the end of the day nawawala naman yun. At yung pagtitiis bilang kuya ko, it will pay off naman kapag lumaki siya nang maayos.

A brother will always be a brother. Kahit gaano mo man yan kinaiinisan, darating pa rin ang time na kayo lang talaga ang magkakaintindihan. Still, blood is thicker than water. :)

Di pa din makatulog.

Wala akong magawa. Kaya hanggang ngayon gising pa ako.

Nahuli na nga ako ni Mama naonline pero ayos lang. Hahaha. Nakahiram kasi ako ng laptop sa kapitbahay para makaalpas naman sa boring na buhay. Sira ang PC eh.  Ayos naman pala ang pakiramdam naman ng may laptop. Feeling ko akin e. Hahaha. Nagaadjust pa nga ako sa keyboard.

Anyway, ang sarap talagang magsenti pag madaling araw no ? Tahimik. Walang sagabal. Kaya nga siguro madami pa din gising ng madaling araw. Ang daming naalala, ang daming sumasagi sa isip, ang daming pinoproblema, ang daming namimiss. Parang yung nararamdaman mo lang ngayon. Sarap kasi ng buong araw ka lang tulog at gabi ka gising. Ramdam mo na ikaw lang talaga mag-isa. Ikaw lang at wala ng iba. 

Dami mong tanong sa sarili mo pag ganitong oras. Dami mong pagsisisi ganitong oras. Dami mong gustong gawin ng ganitong oras. Pero bukas, bagong umaga na naman. Parehas na senario. Parehas na buhay. Parang wala naman nagbabago.

Kaya mas masarap na gising ka lang ng gabi. Tila wala kasi wala ka ng pake. Sa mundo. Sa mga taong nasa paligid mo. Pero di kaya ikaw mismo ang naglalayo sa sarili mo ? Minsan kasi ganito ako.

IKAW BAKIT KA PA GISING NG GANITONG ORAS?

Thursday, April 26, 2012

Yung sa simleng ngiti mo lang, nawawala na yung pagod ko.

Tampuhan.

Para sa akin, hindi kumpleto ang isang relasyon kapag walang tampuhan.

Yung tipong di kayo magpapansinan for days. Kapag may lakad ang barkada, kayo akng dalawa ang di nag-uusap. Hindi mo alam kung kanino ka sasama kapag kausap niya ang halos lahat ng tao sa grupo. Hindi mo alam kung paano dadaan nang hindi mo siya nakikita. Hindi mo siya itetext. Walang kibuan. At tatawirin mo ang mga kabundukan at karagatan maiwasan lang siya. Lahat ng paraan ay gagawin maparamdam mo lang na galit ka.

Pero alam mo yun, at the end of the day, mamimiss mo rin siya. Mamimiss mo kung paano kayo tumawa ng malakas. Mamimiss mo yung mga bagay na ginagawa niyo ng sabay. Mamimiss mo yung mga bagay na nagpapasaya sa iyo. Yung mga bagay na madalas niyo dating ginagawa.

Siguro minsan, mahirap magpatawad. Pero pag mahal mo talaga yung isang tao, nawawala lahat yun pag nagkaayos na kayo e. Mas masarap ang feeling ng walang dinadalang mabigat. May choice naman lahat e. Kung gusto natin ng mas magaan at masayang pakiramdam, forgive.

Di nga kumpleto yung isang relasyon, pagkakaibigan man o couple, pag walang tampuhan. Dito nasusubukan ang tatag ng pundasyon ng isang samahan. Paglipas ng araw at nagkaayos kayo, parang wala lang uli nangyari. Magsweet-sweetan kayo kung couple o balik sa asaran na wala ng pikunan kapag pagkakaibigan.

Kasi sa tampuhan na ito, we learn so many lessons. At sabi nila, ang tampuhan daw ay para sa mga espesyal na tao lang. :)

Monday, April 23, 2012

Lagi na lang sa sarap ng tulog mo.


Bukas na ako magpopost. Kailangan ko pang magising ng maaga. Bakit ba kasi ang sumasarap ang tulog mo kung kailangan mo ng gumising?

Bukas na ako magpopopst. Maaga pa kasi ako bukas. Bakit kasi mas lalong humihirap gumising pag naririning mo na ang alarm mo? O kaya naman bakit lumalambot lalo ang kama at unan mo? Bakit biglang kumportable ka na?

Maaga pa ako bukas. Bakit kasi kung kailangan magandang maganda na ang panaginip mo at mangyayari na ang pinakagusto mong part ay saka mo na kailangan gumising?

Bakit kasi mahirap gumising pag kailangan mo? At maaga naman pag wala kang kailangan gawin? Ang gulo lang.

SMP.



"Friends are the ones who love you when you forget to love yourself."

-- Sila yun. SMP. Namiss ko na sila. K.

Magkatampuhan lang.



Nagkaayos nadin kami ng kaibigan ko.

Bestfriend actually. Medyo mapride din kasi kami. HAHAHA. Nung mga nakaraan araw kasi ay lagi siyang tamang hinala sa akin. Nung una, okay okay pa eh. Pero dumating sa point na yung mga sinasabi niya sa akin, di na totoo. At di niya man lang ako pinakinggan or hinayaan magexplain man lang. Pero umalis ako nang parang wala lang kahit hindi na ako nagpaalam sa kanila bago ako umalis.

Tinext ko siya kasama pa ng isa naming kaibigan about that. Na hindi na ako natutuwa sa mga nangyari. Sabi niya, there’s nothing to explain and I need to rest. Sagot ko, wala naman ako balak magexplain. From then, di ko na siya pinapansin. Cold nadin ako sa isa.

Nagpalipas lang ako ng galit for a week. And kanina lang, okay na kami. Siguro, di man totally kasi mas ginusto ko ang umuwi agad na kadalasa’y bonding muna dapat pero babalik din yun kalaunan. The point is okay na kami. And I believe, we both learned our lesson din.

Sunday, April 15, 2012

Pansinin mo naman ako.


Yung mga taong hindi ka mapansin-pansin.


  • Kasi busy sila sa pag-aaral
  • Kasi priority nila ang pamilya
  • Kasi friends lang nila enough na
  • Kasi bulag naman pala siya
  • Kasi manhid siya
  • Kasi busy siyang nagpapansin sa iba.
  • Kasi hindi ka naman pala kapansin-pansin
  • Kasi hindi ka naman nagpapapansin
  • Kasi meron nang kumukuha ng atensyon niya


Yun lang. Yung tipong hanggang close friends na lang kayo. O kaya naman in a relationship na siya. Yung lahat na ng motibo ginawa mo na pero mabait ka lang talaga sa paningin niya.

Ang kulang na lang talaga ay sabihin mo. Kaso hindi pwede. O kaso hindi mo kaya.


image

Ang pagmamahal ko sa iyo ay parang SAMPAGUITA.

PILIT NA NGANG INAALOK, TINATANGGIHAN PA DIN.

Friday, April 13, 2012

Friday the 13th daw.

Ano naman kung Friday the 13th?

Hindi naman yung araw ang magdidikta kung anong mangyayari sa akin. Hindi naman yung araw na ito ang magtuturo kung anong gagawin ko. At hindi din naman itong araw na ito ang cocontrol sa lahat ng nasa paligid ko. Wala naman araw na malas para sa akin eh. Kung mangyayari ito sa iyo ngayong araw, eh mangyayari talaga sa iyo yan ngayong araw. At hindi lang yan basta nangyari, may dahilan din yan.

Ikaw naman ang gagawa ng araw mo eh. Kaya think before you click. Or iisipin mo muna yung mga consequences ng mga gagawin mo. Para walang bad side effects dba? For me, it is all in the mind. Kung iisipin mong malas ka talaga ngayong araw, eh malas ka talaga. Malakas ang kapangyarihan ng brain. May psychological effects yan. Katulad ng pag-isip mo na masakit ang ulo mo ay sasakit talaga yan.

Kaya think positive. Wala yan sa araw. Isa pa, I never use the world “lucky”. Kasi pwede maging unlucky. I use term “blessed”. Para goodvibes all the way.

Just sayin’. :)

Thursday, April 12, 2012

Masaya na.

May mga oras na kahit kasama mo lang yung tao na yun masaya ka na.

Yung tipong masaya ka na sa tawa niya. Masaya ka na pag nasa tabi niya. Masaya ka na sa ginagawa niyong dalawa. Sapat na yun sa iyo. Kahit hindi mo na sabihin yung tunay na nararamdaman mo.

Minsan kasi alam mo na kapag sinabi mo pa, wala din naman patutunguhan at mag-iiba lang ang lahat. Kaya ayun, masaya ka na maging kaibigan niya. Kahit na minsan nasasaktan ka kapag may nilalambing siyang iba. May kausap siyang iba o kaya may time siya sa iba.


Kasi masaya ka naman kapag nasa piling niya at wala ka nang hahanapin pang iba.

Tuesday, April 3, 2012

Pag nagsummer classes, may bagsak ? Pwede bang masipag mag-aral ?

Summer Classes Kasi.


Yung imbis na nakakapagpuyat ka ng matiwasay. At nakakapagpuyat ka ng hindi ka napapagod.

Ganon talaga pag summer class. Actually, make-up duty lang ako pero parang ganon na din kasi yun. Kailangan ko i-fill yung mga days na absent ako sa duty ng dahil sa dengue. Pero from 6days naging 2 days na lang. Swerte ko lang. Kahit na minsan parang lugi ako sa binayad ko dahil hindi dapat yun yung exposure ko.

Pero, wala e. Ang hirap lang pag nasummer classes. Imbis na may lakad kayo ng barkada mo, iintindihin mo pa yung shedule na available ka. Imbis na makakasama ka sa swimming ng pamilya mo, di ka na makakapunta kasi may exams ka bukas. Imbis na pwede ka sa mga gathering, hindi ka na makakasama kasi hindi ka pa tapos sa project mo. Imbis na makakasama sa ibag activity at gathering, hindi na pwede kasi tambak ka ng gagawin. Imbis na pwede ka sa mga gig, bawal ka umagahin dahil maaga ka bukas. At imbis na games, Tumblr, Facebook at Twitter ang pupuyat sa iyo, napupuyat ka kakareview sa irereport mo bukas. Parang ang daming nasayang no. Minsan lang nga naman ang summer sa isang taon.

Pero, ganon talaga. Kailangan mo tiisin yung pag-aaral na yan. Pag nabuno mo na lahat ng summer na kailangan mong bunuin at nakatapos ka with flying colors, simula non, lahat na ng summer ng buhay mo ay maeenjoy muna.

Sa una talaga, mahirap, nakakabadtrip pero sa huli, andun pa rin ang tunay na joy. 

Friday, March 23, 2012

Wag mo sanayin ang sarili mo sa mga bagay na pwede naman wala sa buhay mo.

 — PLEASE.

Wala naman na.


Wala ka naman talaga magagawa pag ayaw na niya.

Pag pinilit mo pa kasi baka lalo lang lumala. Pag pinilit mo pa kasi lalo lang gumulo. Mapapayag mo man siya, wala din naman mangyayari. Ikaw lang ang mageffort. Di naman kayo uusad. Niloloko mo lang sarili mo. Mahirap nga siguro magmove on. Pero mas mahirap naman siguro kapag hinahayaan mo na yung sarili mong mawalan ng kabuluhan sa isang taong di ka naman kayang pahalagahan. Maghanap ka na lang ng ibang ikakasaya mo. Maniwala ka. Meron pa dyan.

Huwag ka kasing matakot. Nabuhay ka ng ilang taon na wala siya. Kaya mo din mabuhay ng ilang libong taon na hindi siya kasama. Ayusin mo kung pupwede pa. Pero wag naman laging magpakatanga.


Kasi pag pinilit mo pa, sa huli ikaw din naman ang masasaktan.

Wednesday, March 21, 2012

PROCASTINAAAAAAAAAAATION.

Wala na talaga akong nareview.

Ang hirap pala pag kaharap mo ang computer o kadikit na ng buhay mo ang Tumblr. Yung mga oras na imbis na nakakapag-aral ka, yung mga oras na imbis na nakakapagmemorize ka, yung mga oras na imbis may dapat na tinatandaan ka at yung mga oras na imbis na may natutuntunan ka na ay napupunta lang sa kakainternet mo.

Ewan. Bakit nga ba mas nakakaenganyo magcomputer kapag Exam Week no ? Siguro naghahanap ang utak ng isang paraan para mawala yung stress na nararamdaman mo. Pero gayunpaman, hindi pa rin maganda yung result. Nasasanay ka kasi sa PROCASTINATION.

Imbis na nagiging productive ka sa ilang bagay ay naaksaya mo yung oras mo. Wala   kang time management. Yung mga bagay na dapat nagawa mo na ngayon ay ipagpapabukas mo na lang kaya yung gawain mo kahapon, ngayon at bukas ay magtatambak ng magtatambak.

Sa dulo, ikaw din ang lugi. Ikaw din ang mahihirapan.

BOTTOMLINE. WALA NA TALAGA AKONG NAREVIEW

PROCASTINATION 101: Magrereview na talaga ako.

MAMAYA.

Gusto ko ng Magnum.

 MAGNUMber 1 sa PUSO mo.

Tinatamad kang magreview no.


Yung tipong dapat nag-aaral ka pero wala kang ginagawa.
Di ko din alam kung bakit. Alam naman nating lahat na ang hirap sa loob magreview. HAHAHA. Sobrang nakakatamad kapag kailangan mo nang balikan lahat ng pinag-aralan mo. Sobrang nakakatamad kapag kailangan mo nang magmemorize ng mga terminology na nagbubuhol-buhol sa utak mo. Samahan mo pa ng ibang subjects, edi hindi na alam ng utak mo kung anong huhugutin.
Face it. Isa lang naman sa mga ito ang nangyayari kapag nagrereview ka:
  1. Bigla kang nagugutom. Nakadalawang page ka pa lang, feeling mo kailangan mo ng kumain. Parang nagstarvation lang.
  2. Napapagod ka na. Yung tipong akala mo exercise ang ginagawa mo. Nagbabasa ka lang te, hindi nagwowork-out.
  3. Biglang ang daming nagtetext sa iyo. Kailangan mo magload. Magloload ka at magtetext. Wala ka nang nabasa. Nagtext ka na lang.
  4. Biglang ang daming online sa chatbox mo. Worse, online si crush. Kailangan mo magstay online. Umaasang makakausap mo siya. Hindi ka na nag-aral.
  5. Biglang dumami ang bisita niyo. Bigla kang nagkaroon ng lakad. Mas gusto mo magsaya kaysa danasin ang paghihirap ng review.
  6. Naboring ka bigla. Maghahanap ka ng ibang topic na babasahin. O kaya naman pipili ka ng ibang subject na mas madaling intindihin. Repeat cycle. Wala ka nang natapos basahin.
  7. Naboring ka uli. Maghahanap ka ng ibang bagay na gagawin. Biglang maganda ang palabas o ang soundtrip sa radyo. O games sa internet. Doon ka na lang nagfocus. Wala ka na naman napala.
  8. At higit sa lahat, bigla kang aantukin. Biglang ang sarap matulog. At magigising ka na lang 5 hours after mong mabasa ang first page ng notes mo.  Ipagpapabukas mo't matutulog ka na lang. Ganon din naman bukas ang mangyayari.
Kaya kayanin mo. Magtiis ka na lang. Mag-aral ka na lang ng mabuti, Maging determinado ka na magfocus sa review mo. At the end, pag mataas ang grades mo, ikaw din naman ang sobrang saya. Kasi may naging magandang bunga ang pagtitiyaga mo. Kaysa naman habang nageexam ka, pinagsisihan mo yung ginawa mo the night before your exam.

Tuesday, March 13, 2012

Kailangan ng inspirasyon.


Wala pa rin akong mablog for about two months. Ang hectic lang ng buhay ko. After this semester, magpapakasaya ako ng bonggang-bongga. For now, magtitiis ako sa likes at reblogs.

My works will never be in vain. Sabi nga nila,


PAGKATAPOS NG HAPDI, meron ding NGITI. :)))))

Friday, January 27, 2012

Sleeping time.

Matutulog na ako. Excited man ako ngayon o gutom lang itong nararamdaman ko, matutulog na ako. Nagbagaong buhay na ako eh. LOL. Basta matutulog ako ng maaga para bukas hindi ako bangag kausap.
Isa pa, comeback ko bukas. Dapat looking wow, feeling wow. Kailangan maramdaman nila ang kagalakan at ka-amazingan ng aking pagbabalik ! :DD

Papasok ka na naman.

Gustuhin man natin na bakasyon araw-araw, kailangan pa rin natin pumasok. Kailangan pa rin natin matututo ng mga bagay at kailangan pa rin natin makapagtapos. Kailangan pa rin na meron tayong naging achievement sa buhay natin.
At gustuhin man natin na araw-araw bakasyon, aminin mo na sa sarili mo na nakakamiss din pumasok. Nakakamiss yung mga kaklase mong kung tumawa ay walang bukas, nakakamiss ang magbitbit ng bag na kunwari’y may laman, nakakamiss ang bumiyahe kahit trapik ka na at late at higit sa lahat, nakakamiss ang humawak ng allowance. Most awaited yan kapag papasok na,makalimutan mo na ang assignment mo, wag lang ang baon mo.
Kaya papasok na ako bukas pagkatapos ng 1 buwan na walang pasok. Nakakamiss din naman ang kalog mong professor at ang boring mong klasroom. Kailangan ko na mag-cope up ng mabilis sa mga namiss kong lessons. Nakakamiss pumasok pero ibang usapan na kapag may assignments, research, projects at quizzes ng kasama.

Thursday, January 26, 2012

Day 7.

image
Day 7 - A picture of your most treasured items.
Yan na lang, Complete set pa. Taken months ago. Pero bakit yang mga yan ? 
  1. My glasses - I can live it with it pero correction glasses kasi yan. A remedy for a headache kung sakaling di na kaya ng normal kung mata ang tumingin sa paligid. Kailangan na mag-HD ! LOL Isa pa, my glasses is one heck of a disguise. Madalang lang akong makilala pag may glasses. Plus, I look like a genius ! HAHAHA.
  2. My ballpen - favorite ko yan. Di ako dapat nawawalan ng ballpen. Pag nawawalan ako ng ballpen, di ko alam kung paano ako makakasurvive sa isang araw. I grew up doodling and writing. So bukod sa books and notebooks, isang handy bestfriend ko ang ballpen.
  3. My planner - dahil hindi ako organized. Jan ko nadin iniipit ang papers, exams, quizzes, doodles, scrap notes, registration card at kung anu-ano pang uri ng papel na pwede iipit. Jan din ako tumitingin ng sched since absent-minded akong tao. Notepad ko na din yan. Lahat na, parang notebook na din at filecase. :))
Kahit yan laman ng bag ko, solve na ako. Bihira lang ako umalis ng walang bag. At yang mga yan bukod sa phone, wallet, relo at panyo ang mga bagay na hindi ko pwede makalimutan.

Eksena sa ospital:



  • AKO: Lola, ayoko na dito. Wala naman akong ginagawa.
  • LOLA: Bakit sa bahay may ginagawa ka ?
  • AKO: Oo.
  • LOLA & AKO: NAGCOCOMPUTER. :)))

Wednesday, January 25, 2012

Sa bahay.


Ayoko lang nagiistay sa bahay. Wala din naman ginagawa kundi magcomputer. O kaya kumain. O kaya matulog. Minsan mas gusto ko pa pumasok. Minsan gusto ko din magdorm sa malayong lugar. Gusto ko din itry maging independent. Gusto ko lang umuwi kapag matutulog na ako o kaya tulog na lahat ng tao tapos alis na naman kinabukasan. Hindi naman ako rebelde, siguro isa lang ito sa feeling ng pagiging teenager.
Yung mangangarap ka din mabuhay mag-isa. Problema, nag-aaral ka pa at wala ka pang sariling kita. Umaasa ka pa rin sa mga magulang mo. Masarap daw kasi maging independent. Lahat nagagawa mo. Walang sumisita sa iyo. Hindi masyadong maingay. Tahimik ang buhay kasi nga walang bawal bawal.
Pero nakakamiss din ang pamilya pag nabuhay ka mag-isa. May isang punto sa buhay mo na gugustuhin mo maging independent pero marerealize mo pa rin na mas masaya ang buhay pag kasama mo ang pamilya kahit ang ingay ingay nila.

Ikanta mo na lang yan.

May mga ganong pagkakataon talaga. Yung mga kantang kapag narinig mo, maalala mo yung ex mong niloko ka o kaya naman yung mga araw na kung kailan ang sweet sweet niyong dalawa. Mga kantang pag pinakinggan mo bigla ka na lang magiging emo. Or sasabayan mo kasi tilla sinasabi na ng kanta kung anong nararamdaman mo. Mga kantang binabalik yung mga masasakit na alaala.

May kanta din naman na napapaindak ka sa saya, mga kantang tipong nakakawala ng stress. Mga kantang good memories lang yung binabalik sa iyo kapag naririnig mo. Kung gaano kayo kasaya ng barkada mo, kung gaano mo kagusto mo magparty o kung paano mo gusto mo pasayahin ang sarili mo. Mga kantang mapapangiti ka mag-isa.
Pilipino nga naman, mahilig sa musika. Kasi siguro, MUSIC SPEAKS FOR WHAT WE CANNOT SAY. Kaya nga naimbento ang harana eh. At ito din ang dahilan kung bakit ang facebook status mo ay lyrics ng isang kanta.

Tuesday, January 24, 2012

Malayo talaga.

Minsan sapat na yung makita mo siya. Kahit malayuan man o malapitan, okay na yung nakikita mo siyang masaya. Okay na yung nakikita mo siyang tumatawa. Tumatalon na rin yung puso mo kapag nakikita mo siyang nakangiti. Natutuwa ka na kapag nakikita mo na masaya siya sa mga nasa paligid. Hindi ka nababahala na baka masaktan siya o may magpaiyak sa kanya. Panatag ka.

Okay na yung nakikita mo siyang masaya kahit malayo ka. Kahit na alam mo mas nakakakilig kapag malapit ka sa kanya. Baka lang himatayin ka kapag tumabi pa siya sa iyo eh. Okay na yung nasusulyapan mo siya.
Kesa naman, sobrang lapit mo nga sa kanya, hindi naman siya masaya. 

Monday, January 23, 2012

Those days na hindi mo alam ang gagawin mo sa buhay mo.

I always try to be productive kahit nasa bahay lang. Ayoko ng nabuburo. Pero I always end up being at my computer all day. Well, at least I'm doing something.

Sunday, January 22, 2012

RF: When I grow up, I want to be a SPY.

Eh ang cool ng job nila. Iba't ibang modus. Iba't ibang way para makuha nila nag suspect ng isang krimen. Kailangang matibay at matapang ang loob mo. Dapat well-built ka din physically at sa lahat ng asp[eto ng pagkatao mo. ASTIG lang. Isa pa, dami mo ng alam na self-defense at fighting methods. HIYAAAAAAAAA !


At yung pinakagusto kong part ? Yung DISGUISE. Magdidisguise kang ganito, kunwari ikaw si ganyan. Least lang yung astig nilang gadgets at ang pagpunta sa iba’t ibang bansa. Gusto ko yung magkukunwari kang CEO ng isang kumpanya saka ka makikipaglban kapag it’s time na for bakbakan ! HAHAHAHA.

At sa real life, akala nila nurse ako. LOL Or isang call center agent o isang tambay sa kanto. Yun pala, isa akong dakilang SPY ! Saving the world during my free time. :))) Patagong hero ba. Yung may secret identity.


May bad effects man na siguro katulad ng pagpatay at pagsisinungaling, pero siguro kasama na yun sa job. Sasabihin ko din naman yun sa kanila in the right time. Pero hindi naman yung time na tipomng in captivity kami or in danger. So, siguro, mahirap nga maging SPY. Hindi siguro, pero OO. Daming sacrifices eh.

Siguro hindi kasing dali o exciting o thrilling katulad ng sa James Bond movies, Mission Impossible, Charlie’s Angels o Salt pa man yan. Ang gusto ko lang isang maging professional spy ! Hahahaha.
Kaya ikaw na nakakabasa nito para sa isang recruitment agency for espionage, HIRE MO NA AKO ! :DD

Araw Complete.


Ganon talaga. Bago matapos ang araw, may mga bagay na bigla na lang susulpot, mga taong bogla ka na lang kakausapin, may mga pagkain sa iyo’y ipapasalubong, lugar na mapupuntahan at mga something o someone special na bigla mong makikita.
At bago matapos ang araw mo, kahit na naging gaano kapangit yun, magiging masaya ka bigla. Mga simpleng na bagay na makakapagpangiti sa iyo. Mga bagay na hindi mo inaasahan na kukumpleto ng araw mo. 

My Dengue Story.


Bago ako madengue..
image
Okay pa talaga ako. Wala naman akong nararamdaman na kahit ano. Medyo masigla pa ako, Nakakapag-facebook, nakakapagtwitter pa. Nakakapagtumblr pa. In short, okay pa ako. This was the night before.
Hanggang sa ..
image
kinabukasan, as I was preparing for school, sumakit na yung ulo ko na halos hindi ako makabangon. High-grade fever na rin at walang gana kumain. Nagtagal pa ng 2 days na ganon yung pakiramdam ko. Umookey, humihindi. Hanggang sa napilit lang ako magpacheck-up. Yun pala mababa na ang platelet ko. So I was confined for 5 days.
At eto na ako ngayon recovering. 
image
Kuha ko yan nun last day. At feeling ko pumayat ako. Babawiin ko lahat ng binawing taba sa akin ! Hahahahaha. Kaya ngayon, good boy muna, Tulog ng maaga, kain sa tamang oras, bawal ang bawal, etc.
Hayy. Hirap ng buhay. Kaya PREVENTION IS BETTER THAN CURE na talaga.

Saturday, January 21, 2012

Pag may sakit ka.


  • nakahiga buong araw
  • tulog buong araw
  • kain buong araw
  • tulog uli
  • text
  • uminom ng gamot
  • uminom ng halamang gamot
  • text
  • pilitin ang sarili mag pc
  • uminom ng gamot
  • tulog
Ayoko talaga umiinom ng halamang gamot. Okay lang yung Oregano pero yung kung anuman talbos yan, *barf*. AYOKO NA TALAGA.

Page 21 of 366: First day of recovery.

Di ko nga alam kung paano magrerecover.

Paano ka nga ba magpapagaling ? Sabi nila wag daw maiistress at wag daw magpapagod. So bawal magcomputer. Bawal magbabad sa tv. Bawal text ng text. Bawal ang kung anumang pagkain na hindi makakatulong. So, nastress lang ako lalo. Ipagbawal ba naman lahat eh. Ano na lang gagawin ko kapag gnon ?
Pero heto ako ngayon, nagtutumblr. 2 oras na. MASARAP NGA NAMAN ANG BAWAL.

Friday, January 20, 2012

Kakauwi lang.

I had dengue.

At kakauwi ko lang. Dapat nga daw nagpapahinga ako pero eto ako ngayon, nagtutumblr. Namiss ko eh. Mas masarao magtumblr kesa magpahinga. LOL. Magpapahinga na naman ako mamaya. Ayoko na naman mabinat at bumalik sa ospital noh.
Mas masarap sa bahay kesa sa ospital. So hinay-hinay muna. Hanggang marevive ko uli yung lakas ko, reblog reblog muna. Dami ko din namiss sa outside world. BABAWIIN KO LAHAT NG NINAKAW NA ORAS SA AKIN. LOL
Slowly recovering na.

Friday, January 13, 2012

Good Morning na lang.


Pero, anong good sa morning.
Gumising ako ng may lagnat at hindi na ako papasok buong araw. So glad, wala naman quizzes ngayon pero di ko na napasa yung sa NRES namin at English 8. Ipapasa ko na lang. Sayang din yung attendance at plus sa Prelims ko kanina. So far, wala pa naman ganon kadaming malas ngayong araw. Di naman ako nageexpect pero gaano kaya katotoo na puro malas ang araw na ito ?
Hahaha. Okay okay naako. Hyperthermia kanina eh, pero ngayon stable na ang kondisyon. CBR na lang ang gagawin ko and increase fluid intake.Self-medication pa din kasi ang dami kong role ngayong araw. May generalized body malaise na din kasi ako and altered level of consciousness kaya kung ano ano na lang nattype ko ngayon. LOL
BTW, Hello, Friday the 13th.

How To Guard Your Heart This Year.

Prov 4:23 Guard your heart above all else, for it determines the course of your life”. (NIV)
To guard your heart is to keep Christ’s righteousness, mercy and love inside. It means not to allow evil to seep in. How do we keep evil from seeping in? We must guard our thoughts and make sure they are pleasing to God — not condemnatory or judgmental (Philippians 4:8). When a seed of judgment becomes planted in our heart due to unforgiveness if it is not corrected with meditation on grace and God it will become a root of bitterness. Sin starts as thoughts. When we think sinful thoughts we open our hearts to evil behaviors. If you want to start walking with Christ in terms of mimicking His forgiveness and mercy you must keep His word in your heart and keep the thoughts of the Holy Spirit in your mind. The bible tells us that we have the mind of Christ (1 Corinthians 2:16). Since we have the mind of Christ we must put out all thoughts that are negative or detrimental to us or others. Christ’s benign nature will only show in us when we choose to listen to and obey Him.
When we read and meditate on scripture and the works of God we open ourselves to the leading of the Holy Spirit. You can’t keep God’s word in your heart and entertain bitterness at the same time. When we think about God’s works, His miracles, and His nature we condition our minds to think positively. When we think positively we will be compelled to obey Christ in action and in thought.
- Ayo Sage

SAVE & SHUTDOWN.


Well ako na lang lahat.
Ako daw kasi ang may internet. Eh ano naman silbi ng rental shop ? Pati grammar and editing ako na lahat. Pati ba naman magttype ako pa din ? Edi sana ako na lang gumawa, sagot ka pa. NAGSASAWA DIN AKO.
Next time, di na ako magaayos. Minsan kasi ikaw pa namromroblema sa deadline. Malapit na, wala pa din nagpapasa. May nagpasa nga, last 5 minutes. Susko, MALI PA ! Tapos ipapaulit mo, ikaw pa ang sasabihan ng tamad, madamot. madaya, unfair. ah ewan ! Bahala na. There is no I in TEAM nga eh. Pero bakit kailangan lahat sa akin ? Ang masama pa hindi naman ikaw ang leader.
Oo, natutuwa naman ako sa bilib nila sa akin. Pero iba pa rin ang inaabuso na. Bukas na pasahan. Ngayon ko pa lang inaayos. Tutulugan ko na nga lang. KAPAGOD lang talaga. Maawa ka na lang minsan kasi wala talagang nangyayari sa group eh. Magkukusang loob ka na lang.
SAVE NA SA USB. SHUTDOWN