Naisip ko lang. Sinusubukan ko kasi gumawa ng facts about me pero hirap na hirap ako. Kahit naman sa About Me ng isang site, ang tagal natin pag-isipan. Minsan, quote na lang o kaya lyrics ng isang kanta. O kaya naman pag pipirma ng isang autograph. Kailangan pa bang tingnan mo ang Describe Yourself ng iba bago ka makaisip kung ano ilalagay mo. Kahit naman sa school, pag kailangan magdrawing ng isang bagay para i-symbolize ang sarili, nagkokopyahan pa. Then you end up choosing a tree. Kasi matatag. Yun lang. Bakit ba nahihirapan tayong ielaborate ang sarili natin ?
Pero pag sa ibang tao, mabilis lang. Mabilis makapuna. Mabilis makapintas. Mabilis makakita. Minsan ang reason, “Eh keen observer ako eh.”, “Nagsasabi lang naman ako ng totoo”. Siguro nga. Pero hindi ba dapat mas madalas natin tintingnan muna yung sarili natin bago yung iba ?
Lesson learned lang. We don’t always lean the lessons in hard ways. Minsan kahit simpleng ganito lang.
Pero ang problema ko, di ko pa din nasisimulan yung 15 Fact About Me. :))))
No comments:
Post a Comment