Isang Death Note and yung isa Detective Conan. Ito ang bunga dahil hindi ko na nabili ang pinakamamahal kong ballpen. Maglibot ka ba naman sa buong 3 mall sa lahat ng bookstore dun, tapos wala ?! Nakakatanga lang.
Back to the topic, yun nga bumili ako pero mas pinili kong magbabad pa rin sa PC kaysa panuorin yung mga DVD na yun. Interesado naman ako dahil puros magaganda ang plot na yun, isa pa, idolo ko si Detective Conan at ang detective skills niya. Kaso nga lang, nakakatamad panuorin.
BAKIT ? Kasi amboring manuod mag-isa. Mas masarap pa din kapag may ka-share ka sa isang bagay.
Hindi kasi dito natulog ang pinsan ko dahil maaga pa ang pasok niya bukas. Bawal din ang kapatid ko dahil ganun din. Kahit yung isa kong pinsan. Eh bwisit ! Lahat may pasok eh. Kung simulan ko man ngayon, tatamarin pa rin ako. Sa friday na nga lang. :(
No comments:
Post a Comment