Showing posts with label missing you.. Show all posts
Showing posts with label missing you.. Show all posts

Monday, April 23, 2012

SMP.



"Friends are the ones who love you when you forget to love yourself."

-- Sila yun. SMP. Namiss ko na sila. K.

Tuesday, January 24, 2012

Malayo talaga.

Minsan sapat na yung makita mo siya. Kahit malayuan man o malapitan, okay na yung nakikita mo siyang masaya. Okay na yung nakikita mo siyang tumatawa. Tumatalon na rin yung puso mo kapag nakikita mo siyang nakangiti. Natutuwa ka na kapag nakikita mo na masaya siya sa mga nasa paligid. Hindi ka nababahala na baka masaktan siya o may magpaiyak sa kanya. Panatag ka.

Okay na yung nakikita mo siyang masaya kahit malayo ka. Kahit na alam mo mas nakakakilig kapag malapit ka sa kanya. Baka lang himatayin ka kapag tumabi pa siya sa iyo eh. Okay na yung nasusulyapan mo siya.
Kesa naman, sobrang lapit mo nga sa kanya, hindi naman siya masaya. 

Saturday, July 30, 2011

Bakit may mga gabi na sobrang tahimik ?

 O kaya naman may namimiss ka lang.
 Or ang layo mo sa sibilisasyon. Nasa bundok kasi ikaw ngayon. Eh, wlaang signal dun. O kaya naman sakto, naubos yung load mo e, wala naman mapaloadan dun. BUNDOK nga e. Tuloy, wala kang makontak, wala kang makausap. Ang boring ng buhay mo.
 O sadyang tahimik kasi wala kang kakulitan. Kasi wala kang kasama. Kasi wala yung nagpapaenergize ng mundo mo. Kasi wala yung tao na kapag nandyan siya ay ang saya-saya mo. Na wala kang ginawa kundi ngumiti at tumawa. Kasi nga walang nagpapasaya sa iyo.
 O sadyang malungkot ka lang. Kasi may naalala ka na ayaw mong maalala. O may nakita ka na hindi mo dapat nakita. Kasi may narinig ka hindi mo dapat nalaman. O may naramdaman ka na ang sakit sakit sa pakiramdam. Kasi may tinatago ka na hindi mo na talaga kaya. Kasi ngayong gabi, ikaw na lang mag-isa.
 O may nag-iba. May bagong dumating, naiilang ka. O may nawala, naninibago ka. Kaya tahimik ka. Siguro nag-aadjust ka pa lang. Siguro di ka pa marecover. Sa una lang yan. After niyan, masasanay ka din. Ang dati mong tahimik na buhay, maingay na naman.
 Or ang dami mong iniisip. Naiistress ka lang. Ang dami mong pinoproblema. Feeling mo hindi mo na talaga kaya. Nanahimik ka na kasi malapit ka ng sumuko. Pero, hindi. Kaya mo yan. Isip lang. Pero pag di mo na kaya, pahinga.Wag kang hihinto. Magpahinga ka lang. 
 Or may gusto kang makita. Or may boses kang gusto mong marinig. Or may katawan kang gusto mo ng yakapin. O may labi na gusto mo ng halikan. O kamay ka ng gusto mong makaholding hands. Kaso, wala kang magawa. Kaya tahimik ka nalang.
 O sadya talagang may namimiss ka lang.

Friday, June 24, 2011

Namimiss mo ?


 Edi effort.
 Barakada ko kasi, reklamo ng reklamo na namimiss niya na. Nakaupo lang naman siya sa isang tabi. Minsan kasi, hanggang salita lang tayo. Namimiss natin kaso puro reklamo lang tayo. Kumbaga, hanggang salita lang. At wag kang maghihintay kung ikaw pa ang gagawa ng effort o siya. You just make the most of your time. Magkano lang naman ang text e. Kung mayaman ka, tawagan mo. Kapag OL ka, i-message mo. Or kung ma-effort kang talaga, puntahan mo. Malapit man o malayo.
 Lalaki din ako. Ang problema kasi minsan pride o katamaran. It is always the effort that counts. Ang mahalaga you grab every opportunity to tell her you love her. Na masabi mo na namimiss mo. Every way to make her smile. Para at least, di na siya magahahanap ng iba. Ikaw lang, SAPAT na at HIGIT pa.
Kapag namimiss mo, make every effort na malaman niya. Never take things for granted. Kasi nga naman, dumadating talaga sa time na huli na ang lahat.

Saturday, June 18, 2011

HAPPY BIRTHDAY MEH.


I just can’t resist.
 HAPPY BIRTHDAY MEH. Wala na naman akong masabi eh. Wish ko for you, is AKO. HAHAHA. Pero seryoso, sana AKO. Pero kung hindi man, better sa akin. I wouldn’t want something na hindi mo ikaliligaya. Lahat ng BEST sa iyo. May God bless you & your family more. May God grant the desires of your heart. May you serve God more. May alitan man tayo ngayon, may we find better ways to solve it. Ayoko ng ganito tayo. I just can’t. So ayun. ayoko maging masyadong melodramatic itong post na ito. And madelay man ang gift ko .. Sorry na. sorry nadin sa lahat. May you endure everything. Continue to be a blessing as you are to others. Wala na akong masabi eh. Best wishes. Nandito lang ako. ALWAYS & FOREVER. Namiss lang kita kasi umuulan na naman. Yun yung lagi mong tatandaan. So, Happy Birthday uli. 18 ka na. Dapat Eigtheendihin mo na lahat ng bagay na dapat mong iprioritize a. I’m always here. Oo, paulit-ulit na ako. Kasi WORDS can’t express & explain how much you mean to me. Seriously. I’m more than blessed to have you. :’)
Bottom line: I LOVE YOU SO MUCH. Yun lang. I LOVE YOU. <3