Showing posts with label SMP.. Show all posts
Showing posts with label SMP.. Show all posts

Monday, April 23, 2012

SMP.



"Friends are the ones who love you when you forget to love yourself."

-- Sila yun. SMP. Namiss ko na sila. K.

Magkatampuhan lang.



Nagkaayos nadin kami ng kaibigan ko.

Bestfriend actually. Medyo mapride din kasi kami. HAHAHA. Nung mga nakaraan araw kasi ay lagi siyang tamang hinala sa akin. Nung una, okay okay pa eh. Pero dumating sa point na yung mga sinasabi niya sa akin, di na totoo. At di niya man lang ako pinakinggan or hinayaan magexplain man lang. Pero umalis ako nang parang wala lang kahit hindi na ako nagpaalam sa kanila bago ako umalis.

Tinext ko siya kasama pa ng isa naming kaibigan about that. Na hindi na ako natutuwa sa mga nangyari. Sabi niya, there’s nothing to explain and I need to rest. Sagot ko, wala naman ako balak magexplain. From then, di ko na siya pinapansin. Cold nadin ako sa isa.

Nagpalipas lang ako ng galit for a week. And kanina lang, okay na kami. Siguro, di man totally kasi mas ginusto ko ang umuwi agad na kadalasa’y bonding muna dapat pero babalik din yun kalaunan. The point is okay na kami. And I believe, we both learned our lesson din.

Thursday, December 8, 2011

Yung walang kasaing sarap na feeling na natapos mo ang case study mo.


Natapos ko dn itype ang aking case study and process recording.

Yung akala mo hindi na matatapos. Natapos din. Sabi na eh. Onting tiyaga lang yan. Wala na akong ittype. Bukas, iprprint ko na lang lahat at ipaparing-bind ko ng Pink (eeew, pink) na cover. Pink kasi ang napagpanalunan sa JakEnPoy. Sayang hindi blue. Para narin akong nagtratrabaho sa oras na gising ako. Taas nadin ng kuryenta, malamang.

Pero ang bottomline is. NATAPOS KO DIN. Thank you Lord.

5am na. Kailangan ko na matulog. May sasamahan pa ako sana magpuyat pero mukhang di ko na kakayanin. Manunuod pa sana ako ng glee pero hindi ko na yun maiinitidihan. Babawiin ko na lahat ng lakas ko no ! WOOOO. Mahaba-habnag pahinga. HAHAHHA.

Nag-aalarm na ang cellphone ko. Supposedly, I should be asleep. Pero matutulog pa lang ako. Kaya, Goodnight na. Wew. Sarap lang talaga ng feeling. Kahit na gutom. KAYA YAN.

Sabi na eh, tiis-tiis lang. Kaya, bring it on.

Sunday, July 24, 2011

LAMON kung LAMON.

 Buong araw lang ako kumakain.
 HAHAH. Isipin niyo yun. Paggising ko, hindi ako nag-almusal. Medyo pahinga lang tapos naligo na at nagbihis. Tapos diretso na sa Shangri-La. Dedication kasi at invited ako. Dun ako nagpakasawang kumain. Siguro from 11-2pm nandun ako. Kumakain. HAHAH. Para akong ginutom ng kalahating taon. Halos nga lahat ng putahe natikman ko eh. Pero half day pa lang yan ah. Masaya naman ang celebration. Kumpleto ang SMP, andun si Micah kaso di pa rin kami nagpapansinan ni Ate Clariz. Hayaan mo na. Next time nalang yun. Change topic. Nabusog ako. GRABE.
 Pagkauwi, may pupuntahan pa pala akong celebration naman ng pinsan ko. Birthday niya kasi. At ayun, binusog ko ang sarili ko. Mejo parang nakaubos ko ang ng gabundok na spaghetti at galitrong iced tea. HAHAHA.
 At ngayon, kakauwi ko lang. Di ako makatulog. Baka kasi bangungutin ako eh. LOL. Sumasakit pa ang tiyan ko. Yung pakiramdam ng naIMPACHO. HAHAHAH.
 Gluttony nga naman. Minsan lang naman kumain at mabusog e. Pero lahat parin ng sobra ay masama. 
 Goodnight na. :)