Showing posts with label Tiis-tiis lang.. Show all posts
Showing posts with label Tiis-tiis lang.. Show all posts

Wednesday, May 9, 2012

KUYA.


Ang hirap maging Kuya.

  • Kailangan magparaya
  • Kailangan umintindi
  • Kailangan magpatawad
  • Kailangan magbigay
  • Kailangan tumulong
  • Kailangan magpagal
  • Kailangan magtiyaga
  • Kailangan matapang
  • Kailangan matalino
  • Kailangan magpakabait
  • Kailangan mapagmahal

Well, Ang dami lang standards. Ang hirap nga naman makasundo yung kapatid. Siguro, kasi bunso siya kaya siya yung mas iniintindi. Naiinggit lang siguro ako kasi meron siyang bago this pasukan. Minsan nga yung mga pinsan ko pa yung iniintindi ko dahil sa kaunting inggitan. Which is mali. 

So, dapat maging KUYA. Though may ups and downs kaming magkapatid, at the end of the day nawawala naman yun. At yung pagtitiis bilang kuya ko, it will pay off naman kapag lumaki siya nang maayos.

A brother will always be a brother. Kahit gaano mo man yan kinaiinisan, darating pa rin ang time na kayo lang talaga ang magkakaintindihan. Still, blood is thicker than water. :)

Wednesday, March 21, 2012

Tinatamad kang magreview no.


Yung tipong dapat nag-aaral ka pero wala kang ginagawa.
Di ko din alam kung bakit. Alam naman nating lahat na ang hirap sa loob magreview. HAHAHA. Sobrang nakakatamad kapag kailangan mo nang balikan lahat ng pinag-aralan mo. Sobrang nakakatamad kapag kailangan mo nang magmemorize ng mga terminology na nagbubuhol-buhol sa utak mo. Samahan mo pa ng ibang subjects, edi hindi na alam ng utak mo kung anong huhugutin.
Face it. Isa lang naman sa mga ito ang nangyayari kapag nagrereview ka:
  1. Bigla kang nagugutom. Nakadalawang page ka pa lang, feeling mo kailangan mo ng kumain. Parang nagstarvation lang.
  2. Napapagod ka na. Yung tipong akala mo exercise ang ginagawa mo. Nagbabasa ka lang te, hindi nagwowork-out.
  3. Biglang ang daming nagtetext sa iyo. Kailangan mo magload. Magloload ka at magtetext. Wala ka nang nabasa. Nagtext ka na lang.
  4. Biglang ang daming online sa chatbox mo. Worse, online si crush. Kailangan mo magstay online. Umaasang makakausap mo siya. Hindi ka na nag-aral.
  5. Biglang dumami ang bisita niyo. Bigla kang nagkaroon ng lakad. Mas gusto mo magsaya kaysa danasin ang paghihirap ng review.
  6. Naboring ka bigla. Maghahanap ka ng ibang topic na babasahin. O kaya naman pipili ka ng ibang subject na mas madaling intindihin. Repeat cycle. Wala ka nang natapos basahin.
  7. Naboring ka uli. Maghahanap ka ng ibang bagay na gagawin. Biglang maganda ang palabas o ang soundtrip sa radyo. O games sa internet. Doon ka na lang nagfocus. Wala ka na naman napala.
  8. At higit sa lahat, bigla kang aantukin. Biglang ang sarap matulog. At magigising ka na lang 5 hours after mong mabasa ang first page ng notes mo.  Ipagpapabukas mo't matutulog ka na lang. Ganon din naman bukas ang mangyayari.
Kaya kayanin mo. Magtiis ka na lang. Mag-aral ka na lang ng mabuti, Maging determinado ka na magfocus sa review mo. At the end, pag mataas ang grades mo, ikaw din naman ang sobrang saya. Kasi may naging magandang bunga ang pagtitiyaga mo. Kaysa naman habang nageexam ka, pinagsisihan mo yung ginawa mo the night before your exam.

Friday, January 27, 2012

Papasok ka na naman.

Gustuhin man natin na bakasyon araw-araw, kailangan pa rin natin pumasok. Kailangan pa rin natin matututo ng mga bagay at kailangan pa rin natin makapagtapos. Kailangan pa rin na meron tayong naging achievement sa buhay natin.
At gustuhin man natin na araw-araw bakasyon, aminin mo na sa sarili mo na nakakamiss din pumasok. Nakakamiss yung mga kaklase mong kung tumawa ay walang bukas, nakakamiss ang magbitbit ng bag na kunwari’y may laman, nakakamiss ang bumiyahe kahit trapik ka na at late at higit sa lahat, nakakamiss ang humawak ng allowance. Most awaited yan kapag papasok na,makalimutan mo na ang assignment mo, wag lang ang baon mo.
Kaya papasok na ako bukas pagkatapos ng 1 buwan na walang pasok. Nakakamiss din naman ang kalog mong professor at ang boring mong klasroom. Kailangan ko na mag-cope up ng mabilis sa mga namiss kong lessons. Nakakamiss pumasok pero ibang usapan na kapag may assignments, research, projects at quizzes ng kasama.

Sunday, January 22, 2012

My Dengue Story.


Bago ako madengue..
image
Okay pa talaga ako. Wala naman akong nararamdaman na kahit ano. Medyo masigla pa ako, Nakakapag-facebook, nakakapagtwitter pa. Nakakapagtumblr pa. In short, okay pa ako. This was the night before.
Hanggang sa ..
image
kinabukasan, as I was preparing for school, sumakit na yung ulo ko na halos hindi ako makabangon. High-grade fever na rin at walang gana kumain. Nagtagal pa ng 2 days na ganon yung pakiramdam ko. Umookey, humihindi. Hanggang sa napilit lang ako magpacheck-up. Yun pala mababa na ang platelet ko. So I was confined for 5 days.
At eto na ako ngayon recovering. 
image
Kuha ko yan nun last day. At feeling ko pumayat ako. Babawiin ko lahat ng binawing taba sa akin ! Hahahahaha. Kaya ngayon, good boy muna, Tulog ng maaga, kain sa tamang oras, bawal ang bawal, etc.
Hayy. Hirap ng buhay. Kaya PREVENTION IS BETTER THAN CURE na talaga.

Friday, January 13, 2012

SAVE & SHUTDOWN.


Well ako na lang lahat.
Ako daw kasi ang may internet. Eh ano naman silbi ng rental shop ? Pati grammar and editing ako na lahat. Pati ba naman magttype ako pa din ? Edi sana ako na lang gumawa, sagot ka pa. NAGSASAWA DIN AKO.
Next time, di na ako magaayos. Minsan kasi ikaw pa namromroblema sa deadline. Malapit na, wala pa din nagpapasa. May nagpasa nga, last 5 minutes. Susko, MALI PA ! Tapos ipapaulit mo, ikaw pa ang sasabihan ng tamad, madamot. madaya, unfair. ah ewan ! Bahala na. There is no I in TEAM nga eh. Pero bakit kailangan lahat sa akin ? Ang masama pa hindi naman ikaw ang leader.
Oo, natutuwa naman ako sa bilib nila sa akin. Pero iba pa rin ang inaabuso na. Bukas na pasahan. Ngayon ko pa lang inaayos. Tutulugan ko na nga lang. KAPAGOD lang talaga. Maawa ka na lang minsan kasi wala talagang nangyayari sa group eh. Magkukusang loob ka na lang.
SAVE NA SA USB. SHUTDOWN

Thursday, January 12, 2012

Puyat na naman.


Mukhang magpupuyat ako for a research paper.
Kailangan ko na magawa ito kasi magpapaputol pala kami ng internet for the next 15days. Bale, magiging useless ang computer na ito for 15 days. Grabe ! Mamimiss ko ang internet ! Lalo na ang Tumblr.
Bale, hindi na ako makakapag-update ng ilang araw. Nakakatorete naman yun. Kaya ngayon pa lang, lahat ng kailangan asikasuhin na may kinalaman sa paggamit ng internet ay ginagawa ko na. Para wala ng alalahanin sa mga susunod na araw. Dyahe kasi kung magbabayad pa ng 1000 para lang mapabilis yun. Gustuhin ko man, pero nagpapagoodshot na ako para wala ng masabi sa akin na malaki na naman ang babayaran. HAHAHA.
Mukha tuloy nilulubos lubos ko na itong blogging. Babawi ako. Isa pa, I will try my best para makapagblog pa din. Nakakatigang yun ah ! HAHAHAH. See you soon, guys.
Lesson: Ang pangit nga naman ng papalit-palit. On the other hand, TRUE LOVE WAITS ! HAHAHAHA. I mean, PATIENCE IS A VIRTUE. :D

Thursday, December 8, 2011

Yung walang kasaing sarap na feeling na natapos mo ang case study mo.


Natapos ko dn itype ang aking case study and process recording.

Yung akala mo hindi na matatapos. Natapos din. Sabi na eh. Onting tiyaga lang yan. Wala na akong ittype. Bukas, iprprint ko na lang lahat at ipaparing-bind ko ng Pink (eeew, pink) na cover. Pink kasi ang napagpanalunan sa JakEnPoy. Sayang hindi blue. Para narin akong nagtratrabaho sa oras na gising ako. Taas nadin ng kuryenta, malamang.

Pero ang bottomline is. NATAPOS KO DIN. Thank you Lord.

5am na. Kailangan ko na matulog. May sasamahan pa ako sana magpuyat pero mukhang di ko na kakayanin. Manunuod pa sana ako ng glee pero hindi ko na yun maiinitidihan. Babawiin ko na lahat ng lakas ko no ! WOOOO. Mahaba-habnag pahinga. HAHAHHA.

Nag-aalarm na ang cellphone ko. Supposedly, I should be asleep. Pero matutulog pa lang ako. Kaya, Goodnight na. Wew. Sarap lang talaga ng feeling. Kahit na gutom. KAYA YAN.

Sabi na eh, tiis-tiis lang. Kaya, bring it on.

stuDYING.


Eh yung 4 days straight ng puyat ?


AKO YUN.

Puro kasi case study. Ang daming kailangan isipin. Ang daming kailangan gawin. Ang daming kailangan i-analyze. Nakakalugaw ng utak ang maging nursing student. Isa pa, nakakahiya naman kasi case study ginagawa niyo. Alangan naman na magpasa ka lang ng 5 pages dun. Ang kailangan madibdibang pag-aaral talaga. Masusing pag-aaral. Marubdob na pagaanalisa. Ano pa ?! Lahat na. 

Friday na pasahan nito. Process recording na lang naman ang kulang. Yuung tipong isusulat niyo lahat ng napag-usapan niyo ni patient. And malamang, maalala mo yun. 4 days yun at nasa kalahatian pa lang ako. UGH. Kaya yan.

Dagdag pa ang daming household chores bukas. Na kailangan na ito iprint at iring bind at kung anu-ano pa. Natotoxic ako. First time ko lang kasi magindividual. Challenging nga naman talaga. :))))

Isama ang nagchillax ng 2 araw kakaMOVIE MARATHON.
Hahaha. Pahinga at its fullest ako kasama ng butihing barkada na dito pa talaga natulog. They shall not be named for their privacy & safety. :)))))

Ngayon, back to work uli. Nasum-up ko ung week ko. Hahaha. Puro lang naman din kasi ganito. Haaaaay. Buhay estudyante nga naman talaga.



Tiis-tiis lang.

Friday, December 2, 2011




^THIS.

Exactly sums up my day. Eh totoo din naman. Kaya yan.
December optimistic nalang dapat.

Goodnight. :)