Showing posts with label 4am na pala. Show all posts
Showing posts with label 4am na pala. Show all posts

Tuesday, October 30, 2012

Hindi pa din ako makatulog at heto ako nag-aayos ng blog ko. Mas gusto ko dito kaysa sa ibang sites. Mukha na kasing diary eto eh. HAHAHAHA. Nasanay na kasi ako ng 6am ang tuloh ever since nun nag-Graveyard Shift ako. Maaga na ako nakakatulog nun eh. Ngayon, nganga ako pag maaga akong nagbabalak matulog.

Mukha na akong bampira. At pinagaglitan na ako ni Lola na ilang beses na nagising. Guess, i-aadfjust ko na naman ang sarili ko na matulog nang maaga. Pfft.

Wednesday, May 9, 2012

Di pa din makatulog.

Wala akong magawa. Kaya hanggang ngayon gising pa ako.

Nahuli na nga ako ni Mama naonline pero ayos lang. Hahaha. Nakahiram kasi ako ng laptop sa kapitbahay para makaalpas naman sa boring na buhay. Sira ang PC eh.  Ayos naman pala ang pakiramdam naman ng may laptop. Feeling ko akin e. Hahaha. Nagaadjust pa nga ako sa keyboard.

Anyway, ang sarap talagang magsenti pag madaling araw no ? Tahimik. Walang sagabal. Kaya nga siguro madami pa din gising ng madaling araw. Ang daming naalala, ang daming sumasagi sa isip, ang daming pinoproblema, ang daming namimiss. Parang yung nararamdaman mo lang ngayon. Sarap kasi ng buong araw ka lang tulog at gabi ka gising. Ramdam mo na ikaw lang talaga mag-isa. Ikaw lang at wala ng iba. 

Dami mong tanong sa sarili mo pag ganitong oras. Dami mong pagsisisi ganitong oras. Dami mong gustong gawin ng ganitong oras. Pero bukas, bagong umaga na naman. Parehas na senario. Parehas na buhay. Parang wala naman nagbabago.

Kaya mas masarap na gising ka lang ng gabi. Tila wala kasi wala ka ng pake. Sa mundo. Sa mga taong nasa paligid mo. Pero di kaya ikaw mismo ang naglalayo sa sarili mo ? Minsan kasi ganito ako.

IKAW BAKIT KA PA GISING NG GANITONG ORAS?

Friday, December 23, 2011

RANTS lang.

Anyway, naririnig ko na ang simbang gabi.

May chapel kasi na malapit dito sa amin. Di din naman kami nagagaganoon. Saka ko lang napagtanto na sobrang late na pala. Di pa rin ako tulog. EWAN KO BA. Insomnia maybe. Pero something's keeping me up. And di ko yun alam.

Last year, gising pa rin ako nun. Ganitong araw, ganitong oras, ganitong scenario. Ang cool lang. Parang deja vu. Yun nga, di ako makatulog, same reason tulad ng lat year. At nagblog na lang din kasi walang magawa. Puro lang naman rants. Pero ang tagal ko lang kasi di nagblog. Kulang lang ng motivation sa akin. Pero okay naman ako. Badtrip lang kasi itong pc na nagloloko.

4am na daw pala sabi ni Des. Parehas kami nasa twitter ngayon eh. Gusto ko lang mabuhay ng masaya. Pero mukhang nakakapimple. HAHAHAHA. Kaso wala lang. When I think about my life, nakakadepress lang. I really look like a backslider. Di ko alam kung bakit pero ewan. Saka ko na iintindihin, saka ko na aayusin. For now, magpapakasaya muna ako. PERO sana, sana lang, TOMORROW WON'T BE TOO LATE.

Pag di daw makatulog, may nag-iisip o nanaginip sa iyo.

Siguro nga. Swerte ko naman. Pero kawawa naman siya, kung sino man siya.
Well. Sabi ko sa inyo eh. Mejo masaya ako. MEDYO LANG.

Thursday, December 8, 2011

stuDYING.


Eh yung 4 days straight ng puyat ?


AKO YUN.

Puro kasi case study. Ang daming kailangan isipin. Ang daming kailangan gawin. Ang daming kailangan i-analyze. Nakakalugaw ng utak ang maging nursing student. Isa pa, nakakahiya naman kasi case study ginagawa niyo. Alangan naman na magpasa ka lang ng 5 pages dun. Ang kailangan madibdibang pag-aaral talaga. Masusing pag-aaral. Marubdob na pagaanalisa. Ano pa ?! Lahat na. 

Friday na pasahan nito. Process recording na lang naman ang kulang. Yuung tipong isusulat niyo lahat ng napag-usapan niyo ni patient. And malamang, maalala mo yun. 4 days yun at nasa kalahatian pa lang ako. UGH. Kaya yan.

Dagdag pa ang daming household chores bukas. Na kailangan na ito iprint at iring bind at kung anu-ano pa. Natotoxic ako. First time ko lang kasi magindividual. Challenging nga naman talaga. :))))

Isama ang nagchillax ng 2 araw kakaMOVIE MARATHON.
Hahaha. Pahinga at its fullest ako kasama ng butihing barkada na dito pa talaga natulog. They shall not be named for their privacy & safety. :)))))

Ngayon, back to work uli. Nasum-up ko ung week ko. Hahaha. Puro lang naman din kasi ganito. Haaaaay. Buhay estudyante nga naman talaga.



Tiis-tiis lang.

Tuesday, December 6, 2011

PAGOD.

Natapos ko din ang aking scheduled work. Bukas ko na itutuloy. Next time na ako magblog. :(

Goodnight.

Friday, December 24, 2010

Third 4am.

 Pangatlong araw ko na itong
natutulog ng 4am. may naabutan na
nga akong kapitbahay na inabutan akong
nagPPC pa.

Oo. INSOMIAC ako.

Di ako kumportbale sa TUMBLR e.
Kaya dito na lang. Dun ko lang ito
pinapaste.

Okay na yung walang nakakaalam
kaysa naman walang nakakaappreciate.
HAHAHA.

So, gutom kasi ako. kaya di ako
makatulog. ayun.

 Isa pa, buong araw akong tulog.
Kaya mejo wala na ako sa mood.
Ang taas ng antok-tolerance ko. HAHAHA.

Christmas na pala bukas.
Sana maexcite naman ako kahit onti.
Di ko ramdam e. :D

 Basta bukas.
Kahit ayon sa studies, di birthday ni Jesus sa 25.
Wala akong paki.

 The point is, He was born for US.
To save US. He was born just to die for us.
to bring us eternal life. To save us from our sins.
Let us just be thankful. That we are blessed and loved.

 Ayun. narinig ko na yung Lola ko.
Kailangan ko na nga matulog. Goodnight.

 Excited lang siguro ako sa Pasko. HAHAHAH.
Ang haba na. OKay, thanks. :D