Showing posts with label Goodnight.. Show all posts
Showing posts with label Goodnight.. Show all posts

Friday, August 17, 2012

GV people.

Yung mga taong minsan mo lang makausap pero ang gaan-gaan na ng pakiramdam mo. Kahit na akala mo walang sense yung pinag-uuspan niyo, o kaya naman wala ng patutunguhan o kaya naman yung natural na kamustahan lang. Kahit na anong klaseng usapan pa yan.

Sila yung mga taong, di man kumukumpleto ng araw mo, pero pag nakausap mo sila, instant balik good vibes na uli yung araw mo. Sila yung mga taong pag kinausap mo bago ka matulog, mapapa-goodnight ka talaga.

Sarap lang sa pakiramdam. Sana dumami pa sila.

Friday, July 6, 2012

Busy.

Darating talaga sa point na wala ka nang gagawin kundi maging busy. Namamalayan mo man o hindi pero nagiging hardworking ka na pala. Pwedeng dahil sa pressure, kailangan lang sa ngayon o sadyang inborn ka na. Ang problema lang kapag ikaw yung tipong once in a blue moon lang sipagin.

Kaya pag bigla mong narealize na nagiging busy ka na, ituloy-tuloy mo lang. Aasenso ka niyan. Basta positive yang pinagkakabusyhan mo ah

Wednesday, May 9, 2012

Di pa din makatulog.

Wala akong magawa. Kaya hanggang ngayon gising pa ako.

Nahuli na nga ako ni Mama naonline pero ayos lang. Hahaha. Nakahiram kasi ako ng laptop sa kapitbahay para makaalpas naman sa boring na buhay. Sira ang PC eh.  Ayos naman pala ang pakiramdam naman ng may laptop. Feeling ko akin e. Hahaha. Nagaadjust pa nga ako sa keyboard.

Anyway, ang sarap talagang magsenti pag madaling araw no ? Tahimik. Walang sagabal. Kaya nga siguro madami pa din gising ng madaling araw. Ang daming naalala, ang daming sumasagi sa isip, ang daming pinoproblema, ang daming namimiss. Parang yung nararamdaman mo lang ngayon. Sarap kasi ng buong araw ka lang tulog at gabi ka gising. Ramdam mo na ikaw lang talaga mag-isa. Ikaw lang at wala ng iba. 

Dami mong tanong sa sarili mo pag ganitong oras. Dami mong pagsisisi ganitong oras. Dami mong gustong gawin ng ganitong oras. Pero bukas, bagong umaga na naman. Parehas na senario. Parehas na buhay. Parang wala naman nagbabago.

Kaya mas masarap na gising ka lang ng gabi. Tila wala kasi wala ka ng pake. Sa mundo. Sa mga taong nasa paligid mo. Pero di kaya ikaw mismo ang naglalayo sa sarili mo ? Minsan kasi ganito ako.

IKAW BAKIT KA PA GISING NG GANITONG ORAS?

Friday, March 23, 2012

Wag mo sanayin ang sarili mo sa mga bagay na pwede naman wala sa buhay mo.

 — PLEASE.

Wala naman na.


Wala ka naman talaga magagawa pag ayaw na niya.

Pag pinilit mo pa kasi baka lalo lang lumala. Pag pinilit mo pa kasi lalo lang gumulo. Mapapayag mo man siya, wala din naman mangyayari. Ikaw lang ang mageffort. Di naman kayo uusad. Niloloko mo lang sarili mo. Mahirap nga siguro magmove on. Pero mas mahirap naman siguro kapag hinahayaan mo na yung sarili mong mawalan ng kabuluhan sa isang taong di ka naman kayang pahalagahan. Maghanap ka na lang ng ibang ikakasaya mo. Maniwala ka. Meron pa dyan.

Huwag ka kasing matakot. Nabuhay ka ng ilang taon na wala siya. Kaya mo din mabuhay ng ilang libong taon na hindi siya kasama. Ayusin mo kung pupwede pa. Pero wag naman laging magpakatanga.


Kasi pag pinilit mo pa, sa huli ikaw din naman ang masasaktan.

Friday, January 27, 2012

Sleeping time.

Matutulog na ako. Excited man ako ngayon o gutom lang itong nararamdaman ko, matutulog na ako. Nagbagaong buhay na ako eh. LOL. Basta matutulog ako ng maaga para bukas hindi ako bangag kausap.
Isa pa, comeback ko bukas. Dapat looking wow, feeling wow. Kailangan maramdaman nila ang kagalakan at ka-amazingan ng aking pagbabalik ! :DD

Wednesday, January 25, 2012

Ikanta mo na lang yan.

May mga ganong pagkakataon talaga. Yung mga kantang kapag narinig mo, maalala mo yung ex mong niloko ka o kaya naman yung mga araw na kung kailan ang sweet sweet niyong dalawa. Mga kantang pag pinakinggan mo bigla ka na lang magiging emo. Or sasabayan mo kasi tilla sinasabi na ng kanta kung anong nararamdaman mo. Mga kantang binabalik yung mga masasakit na alaala.

May kanta din naman na napapaindak ka sa saya, mga kantang tipong nakakawala ng stress. Mga kantang good memories lang yung binabalik sa iyo kapag naririnig mo. Kung gaano kayo kasaya ng barkada mo, kung gaano mo kagusto mo magparty o kung paano mo gusto mo pasayahin ang sarili mo. Mga kantang mapapangiti ka mag-isa.
Pilipino nga naman, mahilig sa musika. Kasi siguro, MUSIC SPEAKS FOR WHAT WE CANNOT SAY. Kaya nga naimbento ang harana eh. At ito din ang dahilan kung bakit ang facebook status mo ay lyrics ng isang kanta.

Sunday, January 22, 2012

Araw Complete.


Ganon talaga. Bago matapos ang araw, may mga bagay na bigla na lang susulpot, mga taong bogla ka na lang kakausapin, may mga pagkain sa iyo’y ipapasalubong, lugar na mapupuntahan at mga something o someone special na bigla mong makikita.
At bago matapos ang araw mo, kahit na naging gaano kapangit yun, magiging masaya ka bigla. Mga simpleng na bagay na makakapagpangiti sa iyo. Mga bagay na hindi mo inaasahan na kukumpleto ng araw mo. 

Thursday, December 8, 2011

Tuesday, December 6, 2011

PAGOD.

Natapos ko din ang aking scheduled work. Bukas ko na itutuloy. Next time na ako magblog. :(

Goodnight.

Friday, December 2, 2011




^THIS.

Exactly sums up my day. Eh totoo din naman. Kaya yan.
December optimistic nalang dapat.

Goodnight. :)

Thursday, December 1, 2011

Bye, November. Hello December

First day na ng December.


Pagkatapos ng buwan na ito, New Year na naman. Pero bago yun, ito munang month na ito ang haharapin ko. Ewan ko lang kung paano.

Ang dami ko kasing ineexpect and ang dami kasing magbabago. Yung mga bagay na akala mo pare-parehas lang araw-araw, ay may nagagawang pagbabago pala. Parang wala, pero when you look back, may nagbabago pala.

Bumalik na ako sa Facebook. Isang malaking pagbababgo yun para sa akin. 1 month ndin ako nawala and I’m telling you hindi yun madali ah. Yan palang ang isa sa mga desisyon ko before this year ends. 

Unang araw palang. Meron pang 30 days left. Ang daming pwedeng mangyari doon. Tiis tiis lang. Things change for the better. So, bago man matapos ang taon, I’ll make the most out of this moments. Who knows about what will happen tomorrow ? You’ll never know naman talaga eh. Ngayon, I’ll think positive and keep my hopes & faith up. And maybe changing for the best.

Bye November. Salamat sa experiences mo.
Hello, December na ! Please be kind. :D

Monday, November 28, 2011

Goodnight na.


Matutulog na pala ako.

Pero anong kaibahan ngayon sa mga dati kong pagtulog ? Hindi dahil sa sobrang pagod ako. Hindi dahil sa sobrang aga ngayon. Hindi din dahil sa bago ang kama ko o unan ko. Wala pa din namang aircon ang kwarto ko. 

Ito ay dahil sa .. Katabi ko yung kapatid ko. :))

Ang babaw ba ? Hindi para sa akin eh. It’s been a long time since na naging magkatabi kami. & ngayon na nag-out-of-town si Lola, wala tuloy siyang katabi. Sanay na naman siya, pero wala lang. Mas okay na yung ramdam niyang kuya niya ako. Mejo may bonding pa muna siguro. Namiss ko lang yung brother moments namin. 

One week kaming ganito so I’ll make the most out of it. Goodnight na. :DD

Monday, November 14, 2011

Please be normal.

Gusto ko bumalik sa normal ang lahat.

Yung parang katulad na dati. Pero hindi naman ako nageexpect. Oo things will be never the same agaian pero siguro naman kahit kaunti meron babalik dba ? Kahit naman hindi lahat atleast meron.

Yun lang yung masakit. Mamiss mo yung mga bagay na yun. Na dapat hindi. Na dapat nagmomove on ka na. Kaso wala ka naman magawa. Mas masaya nga naman ang dati kaysa sa mga bagay na nararanasan mo noon. Minsan, iisipin mo sana bata ka na lang uli. Para walang problema. Para mas masaya. Pero ano nga naman ang thrill ng isang buhay pag walang problema. Parang isang movie na wala man lang kontrabida. yung tipong pasayaw-sayaw langs siya sa saya asabuong palabas. Ugh. Korny na, boring pa.

Anyway, things happen for a reason. It may be stormy now but it can't rain forever. Gaganda din yan. Siguro hindi nga katulad ng dati. We really have to wake up in the reality that nothing's permanent in this world but change. 


Hindi nga katulad ng dati. But why settle for less ? Malay mo, mas masaya na at mas maganda. BETTER PA PALA KAYSA SA DATI.

Monday, October 31, 2011

HURT.



Hurt is the reaction of the heart when it disagrees with what the mind tells us. The fact that we are getting hurt means we know what to do, we just can't accept it.

THE END.

Atleast we ended it with a prayer.


Mahirap nga naman mag-let go. Pero with the right reason and with the right timing for us, natanggap naman namin ng maluwag. Gusto lang muna namin magmature at lumago sa Lord. Siya muna bago ang aming mga sarili. Atleast, hindi kami selfish or possessive dba ?


And focus muna sa buhay namin. Saka na ang lovelife. Everything is beautiful in His time. Isang gabing puno ng iyakan & yakapan. May kiss pro hindi naman yung grabe. Naging dependent na kami sa bawat isa kaya hindi nadn nagiging maganda. Nagiging masikip na. So we decided to part ways. Para naman sa ikakabuti namin yun eh.


Mahirap. Kahit sino naman hindi madaling magpakawala ng taong sobrang minahal na dba ? Di lang siguro ngayon ang panahon. So we stopped it. Bago pa man lumala. Wala akong masabi. Sobrang mahal ko siya pero kung hahayaan ko na lang siyang maging down at tuluyan mawala kay Lord ? Anong klaseng pagmamahal yun dba ?


So kahit MASAKIT, kaya yan. Para kay Lord eh. Maglilingkod muna kami. Ika nga, Let His will be done. First time ko din umiyak sa isang babaeng mahal ko. HAHHA. Ako na korni. Eh, di ako iyakin eh. I try to cry kapag ako nalang mag-isa. Pero sa sobrang bigat. HIndi ko kinaya. Napaluhod na din ako. Like I'm pleading. Sabi ko nga, parehas lang sila ni Mama, pinapaiyak ako. I try to laugh & smile at times pero sobrang sakit lang. Napayakap pa ako kay Lola pauwi. Siempre, takang taka siya. Sabi ko lang wala lang, may sipon lang ako.


Yeah it hurts. But the best part about it ? Is we did what we know is right. 


Pero bago nun, jamming muna kasama si Dicky, Edwatrd, Dess & Ynnep sa bahay nila Micah. Nun pauwi na saka ko sila pinauna (kahit nun una ayaw ko kasi hindi naman ako magaling sa pagpapaliwanag). Then madaming nangyari. The bottom line ? I think we'll be doing better. I saved our last texts for this night.


M: Sumasakit ung ulo ko =( Wala lang salamat sa lahat ng bagay. At mahal na mahal kita. Last na muna to na sasabihan kita nyan .. Sa tamang panahon na ng Lord ung susunod =) Kaya lulubusin ko na muna ha ? Mahal na mahal kasi talaga kita e. Mahal na mahal na mahal. Pero dapat nga naman mas mahal natin si Lord. Kaya. Ayun. tulog na.


A: Sige sa iyo na itong last kong2. Asahan ka namin ni Lord. Hindi kasi kita mahal kung hahayaan lang kita mawala sa Kanya. Last na din ito for now. I LOVE YOU MORE THAN YOU'LL EVER KNOW. Salaamat sa lahat & Sorry. Si Lord na muna. I LOVE YOU SO MUCH. Matulog na. Goodnight. I LOVE YOU ULI> Tandaan mo yan ah. ;)


(nabura niya ito kasi naghang yung phone niya pero isesend ko na lang bukas. Yun lang yung napag-usapan namin until .. )


A: Okay po. Goodnight. For the last time: I LOVE YOU SOOOOO MUCH. I LOVE YOU.


M: Okay. Magpahinga ka na ! And for the .. ayokong sabihin na last .. OO hindi muna ngayon pero sa future. Kapag inallow ni Lord. Basta. I LOVE YOU SO MUCH. MAHAL NA MAHAL KITA. I LOVE YOU SOOO. Tandaan mo yan ah. Ikaw lang. Di ka mawawala sa akin.




Mejo possessive pa rin siya sa huli. Pero I believe sa proper timing na ni Lord. There is a time for everything sabi nga sa Bible.

Eto lang yung nangyari today. Kabilang na yung nagtithes & offering exhorter ako. Nagturo sa mga bata. And mejo nadisappoint kasama ng isang kaibigan. Pero all is well.



Salamat Lord. Praise God pa rin !