Showing posts with label family.. Show all posts
Showing posts with label family.. Show all posts
Tuesday, October 9, 2012
Happy Birthday Dad.
Para sa tatay kong si Rodolfo Gacho na pinagmanahan ko ng KAGWAPUHAN, KAKISIGAN AT KASIPAGAN sa lahat ng bagay, HAPPY BIRTHDAY! Wag ka mag-aalala, nag-aaral kami nang mabuti. Lalo na AKO. Ingat ka jan palagi. Mahal at miss ka namin. God bless sa iyo Pa. :D
Wednesday, June 20, 2012
Wednesday, May 9, 2012
KUYA.
Ang hirap maging Kuya.
- Kailangan magparaya
- Kailangan umintindi
- Kailangan magpatawad
- Kailangan magbigay
- Kailangan tumulong
- Kailangan magpagal
- Kailangan magtiyaga
- Kailangan matapang
- Kailangan matalino
- Kailangan magpakabait
- Kailangan mapagmahal
Well, Ang dami lang standards. Ang hirap nga naman makasundo yung kapatid. Siguro, kasi bunso siya kaya siya yung mas iniintindi. Naiinggit lang siguro ako kasi meron siyang bago this pasukan. Minsan nga yung mga pinsan ko pa yung iniintindi ko dahil sa kaunting inggitan. Which is mali.
So, dapat maging KUYA. Though may ups and downs kaming magkapatid, at the end of the day nawawala naman yun. At yung pagtitiis bilang kuya ko, it will pay off naman kapag lumaki siya nang maayos.
A brother will always be a brother. Kahit gaano mo man yan kinaiinisan, darating pa rin ang time na kayo lang talaga ang magkakaintindihan. Still, blood is thicker than water. :)
Thursday, January 26, 2012
Eksena sa ospital:
- AKO: Lola, ayoko na dito. Wala naman akong ginagawa.
- LOLA: Bakit sa bahay may ginagawa ka ?
- AKO: Oo.
- LOLA & AKO: NAGCOCOMPUTER. :)))
Thursday, January 12, 2012
Page 11 of 366: First Birthday of 2012.
Birthday ng pinsan ko kanina.
Since, nagpasalubong na ako ng pizza kagabi, sabi ko ayun na yung regalo ko. May dala pa akong cokefloat and 2 dvds kanina. Sapat na yun para sa kaligayahan niya. Well, ang maganda lang naman ngayong gabi ay parang nakapagreunion na kami. Masaya naman. Kompleto kasi kaming magpipinsan eh. Yun lang naman yung isa sa mga mababaw kong kaligayahan sa buhay.
Basta kumpleto ang pamilya ko sa isang occasion, SOBRANG SAYA KO NA.
Since, nagpasalubong na ako ng pizza kagabi, sabi ko ayun na yung regalo ko. May dala pa akong cokefloat and 2 dvds kanina. Sapat na yun para sa kaligayahan niya. Well, ang maganda lang naman ngayong gabi ay parang nakapagreunion na kami. Masaya naman. Kompleto kasi kaming magpipinsan eh. Yun lang naman yung isa sa mga mababaw kong kaligayahan sa buhay.
Basta kumpleto ang pamilya ko sa isang occasion, SOBRANG SAYA KO NA.
Wednesday, January 11, 2012
Page 10 of 366: Pizza for all.
Kahit isa lang yung nasa picture, dahil naubos na yung isa at kinuhanan ko na lang yan after ng kainan. Iniisip ko na tuloy kung paano nagkaroon na ako ng trabaho. I will try na tuwing sweldo na ko may pasalubong ako sa kanila. Wala na nga namang mas sasarap pag nakakatulong ka sa pamilya mo. And one day, magagawa ko din yun. Biglang nawala yung mga pangarap kong luho. For that one moment, puro pamilya at para sa kanila lang yung inisip ko. And that keep my hopes up.
For now, tiis tiis lang. Si Mama at si Papa muna gagastos ng lahat. Pag may work na. For sure, ang buhay namin (sana nga) ay maging kumportable naman.
Tuesday, January 10, 2012
Day 4.
Day 4: A picture of you and a family member
And it is me with my brother. Dalawa lang kaming magkapatid. HAHAHA. Ang taba niya no ? And pagbigyan niyo na ako, alam kong mas gwapo ako sa kanya. HAHAHA. Ang tanging kinaiinggitan ko lang sa kanya ay nag kanyang straight na buhok na dati’y meron din ako at ang sinasabing height niya. Mas matangkad daw kasi siya kaysa sa akin sa age niya na 9 years old. Hayaan mo na. Kasundo ko naman ito minsan, pero mas madalas kasi kami nag-aaway. Natural lang naman yun. Hindi naman tipong RamGen Revilla ang galit eh. Bilib naman ako sa batang ito. Pero dapat mas mabilib siya. Aba siyempre, kuya niya ako ! :)))
Monday, November 28, 2011
Goodnight na.
Matutulog na pala ako.
Pero anong kaibahan ngayon sa mga dati kong pagtulog ? Hindi dahil sa sobrang pagod ako. Hindi dahil sa sobrang aga ngayon. Hindi din dahil sa bago ang kama ko o unan ko. Wala pa din namang aircon ang kwarto ko.
Ito ay dahil sa .. Katabi ko yung kapatid ko. :))
Ang babaw ba ? Hindi para sa akin eh. It’s been a long time since na naging magkatabi kami. & ngayon na nag-out-of-town si Lola, wala tuloy siyang katabi. Sanay na naman siya, pero wala lang. Mas okay na yung ramdam niyang kuya niya ako. Mejo may bonding pa muna siguro. Namiss ko lang yung brother moments namin.
One week kaming ganito so I’ll make the most out of it. Goodnight na. :DD
Saturday, July 30, 2011
No place like home.
Nakauwi na din.
Mas masarap na nga naman matulog sa sarili mong bahay. Better yet, sa sarili mong kwarto. Bakit ?
- Yung pakiramdam na kapag humiga ka walang kasing lambot ang kama mo.
- Yung pakiramdam na walang kasing sarap kayakap ang unan mo.
- Yung pakiramdam na walang kasing init ang dala ng kumot mo.
- Yung pakiramdam na hindi ka conscious sa posisyon mo.
- Yung pakiramdam na hindi ka takot sa kasama mo.
- Yung pakiramdam na baka magulat/matakot/magpanic sila kung sakaling humilik ka man op magsalit o tumayo o kung anuman ang gawin mo habang tulog.
Isa pa, kama mo lang sa bahay ang may kakayahan kang tawagin ka na parang tila nanunukso na matulog ka uli. Sa ibang bahay, bawal maoverslept, nakakahiya. Except nalang kung kapamilya mo yun. Minsan nga, kahit sa kapamilya mo na , conscious ka pa. Kailangan magsipag-sipagan eh.
Yung pakiramdam na kahit anong ulan at sikat ng araw, bahay o kwarto mo lang ang makakapagparamdam sa iyo na ligtas ka. Siguro, kung tahanan talaga ang turing mo doon at masaya kang kasama ang buo mong pamilya. Na kahit anong ingay, kulit, gulo at kung anu-ano pa, masaya ka’t nasa bahay ka na.
Ika nga, THERE IS NO PLACE LIKE HOME.
Tuesday, July 5, 2011
Monday, July 4, 2011
Hirap maging Panganay.
Kasi nga panganay ako.
Ayun. Kasalukuyan kong nirereview ang aking kapatid sa kanyang nalalapit na mga exam. Ayoko naman na ako lang ang matataas ang grades nun Elementary kaya siya pilit ko siyang inaaral. Isa lang yan sa mga dahilan kung bakit mahirap maging panganay. Pero ito para sa akin ang iba:
- Role Model - ito yung tipong ikaw ang tintingala ng mga kapatid mo. Dapat ganito ka dapat ganoon. Kasi nga naman, gagayahin ka nila. Sa iyo sila tumitingin. Ano man ang ginagawa ng matanda nay tama sa mata ng bata. Kaya, dapat maging good example ka sa kanila. Ikaw na ang dapat may GMRC. At hindi ka man maging good example, gagamitin ka naman ng nanay mo as a bad example.
- Bread Winner -sa ayaw mo man at sa gusto, ikaw pa rin ang future bread winner. Nakadepende sila sa iyo. Kapag di na kaya ni nanay o ni tatay, it is your time to shine. Ikaw naman ang magtrabaho, ikaw naman ang magpaaral, ikaw naman ang kumita ng pera, ikaw naman ang mamroblema. Talagang darating ang time na magmamature ka na kasi iisipin mo na nakakasalalay na sa iyong mga kamay ay future ng pamilya mo. Na may mga bibig na na umaasa sa iyo. Chance to repay your parents. The reality is you are now Growing up.
- Eldest - yung simpleng panganay lang. Ikaw, kung ano ka man, kung sino ka man. Inaasahan ng pamilya mo, bukod sa dalawang nauna, ay ang pagiging kuya o ate mo. Yung kaya mo i-offer sa kanila. Yung the best mo. Kasi ikaw ang panganay. Ikaw na ! The best ka ! All you have to do is love. Kasi naman, ang tunay na pagmamahal may salita at gawa.
Ganon talaga pag panganay na. Andami mong iintindihin. Magdedecide ka na din para sa family at mararamdaman mo na rin na kasapi ka sa pamilya kasi ikaw yung higit na aasahan kaysa sa kahit kanino. So be a role model. Invest so you can be a bread winner. & just be you.
Sabi nga, you cannot give what you don’t have. So ang pagiging panganay ang importante. Ang pagiging kuya or ate ay isa sa pinakamahalagang role sa pamilya. Mahalaga, mula sa salitang ‘mahal’ , ibig sabihin PUSO ang pinapairal.
Sabi nga, you cannot give what you don’t have. So ang pagiging panganay ang importante. Ang pagiging kuya or ate ay isa sa pinakamahalagang role sa pamilya. Mahalaga, mula sa salitang ‘mahal’ , ibig sabihin PUSO ang pinapairal.
Subscribe to:
Posts (Atom)



