Showing posts with label random.. Show all posts
Showing posts with label random.. Show all posts

Monday, July 4, 2011

Hirap maging Panganay.


Kasi nga panganay ako.
Ayun. Kasalukuyan kong nirereview ang aking kapatid sa kanyang nalalapit na mga exam. Ayoko naman na ako lang ang matataas ang grades nun Elementary kaya siya pilit ko siyang inaaral. Isa lang yan sa mga dahilan kung bakit mahirap maging panganay. Pero ito para sa akin ang iba:
  1. Role Model - ito yung tipong ikaw ang tintingala ng mga kapatid mo. Dapat ganito ka dapat ganoon. Kasi nga naman, gagayahin ka nila. Sa iyo sila tumitingin. Ano man ang ginagawa ng matanda nay tama sa mata ng bata. Kaya, dapat maging good example ka sa kanila. Ikaw na ang dapat may GMRC. At hindi ka man maging good example, gagamitin ka naman ng nanay mo as a bad example.
  2. Bread Winner -sa ayaw mo man at sa gusto, ikaw pa rin ang future bread winner. Nakadepende sila sa iyo. Kapag di na kaya ni nanay o ni tatay, it is your time to shine. Ikaw naman ang magtrabaho, ikaw naman ang magpaaral, ikaw naman ang kumita ng pera, ikaw naman ang mamroblema. Talagang darating ang time na magmamature ka na kasi iisipin mo na nakakasalalay na sa iyong mga kamay ay future ng pamilya mo. Na may mga bibig na na umaasa sa iyo. Chance to repay your parents. The reality is you are now Growing up. 
  3. Eldest - yung simpleng panganay lang. Ikaw, kung ano ka man, kung sino ka man. Inaasahan ng pamilya mo, bukod sa dalawang nauna, ay ang pagiging kuya o ate mo. Yung kaya mo i-offer sa kanila. Yung the best mo. Kasi ikaw ang panganay. Ikaw na ! The best ka ! All you have to do is love. Kasi naman, ang tunay na pagmamahal may salita at gawa.
 Ganon talaga pag panganay na. Andami mong iintindihin. Magdedecide ka na din para sa family at mararamdaman mo na rin na kasapi ka sa pamilya kasi ikaw yung higit na aasahan kaysa sa kahit kanino. So be a role model. Invest so you can be a bread winner. & just be you. 

 Sabi nga, you cannot give what you don’t have. So ang pagiging panganay ang importante. Ang pagiging kuya or ate ay isa sa pinakamahalagang role sa pamilya. Mahalaga, mula sa salitang ‘mahal’ , ibig sabihin PUSO ang pinapairal. 

Sunday, July 3, 2011

Late Night Adventure.

I want someone to call me up and say, “I’m outside. Let’s go do something!” I want to go out late at night in my pj’s and my hair is a mess. Maybe drive around. Go to a park and just swing on the swings. Maybe sit in the grass and watch the stars or maybe go to a 24 hour food place and pig out. I just want a late night adventure with people I like to be around. No drama. Nothing but good vibes and good company.

Wednesday, June 22, 2011

RF: Hindi ako sanay gumamit ng laptop.


 Promise. O, ako na taga-bundok.
 Pero, gusto ko magkalaptop. Kasi ang liit liit ng laptop na nahihirapan ako magtype. Di din kasi ako sanay sa mga lugar ng ibang button don. Sabi nila, clumsy din daw ako kaya kung anu-ano napipindot ko. Hindi daw din kasi ako dahan-dahan at parang nagmamadali. Nadadamay pa yung mouse pad minsan. Di ko lang kasi gaanong gamay na hindi ko maintindihan sa kamay kong ito. LOL
 Bilhan niyo ako ng laptop masasanay din ako. Sanay lang kasi dahil buong buhay na akong nakakeyboard. Ano naman kung di ako marunong gumamit ngayon ? Lahat naman ng bagay nakakasanayan e.

Monday, June 20, 2011

Ang hirap magreview ng kapatid.

 Ay. ang tamad.
 5 pages lang yung babasahin. Ang tamad pa. Kalahating araw na kaming nag-aaral puro pa rin mali yung sagot niya. HEKASI ang lesson namin. Ang topic ay about sa mga ninuno. May exam kasi siya bukas at naaawa naman ako na baka bumagsak siya. Seryosong, nakakawala ng patience. ARGGGG.
 Napapasigaw na ako, napapalo ko pa. Kasi hindi naman niya talaga pinapasok sa utak niya e. Nakakawalang gana. May Science pa mamaya kasi may graded recitation siya bukas. Kaya sana walang pasok bukas. Di lang siya ang nagbenefit, kundi ako din !
 So Lord, help me. Ay, yung kapatid ko na din na tamad na hindi ko alam kung para saan niya ginagamit ang kanyang utak. Ang mean ko ba ? Nakakaasar lang talaga kasi talaga. PROMISE.