Showing posts with label random fact.. Show all posts
Showing posts with label random fact.. Show all posts

Sunday, January 22, 2012

RF: When I grow up, I want to be a SPY.

Eh ang cool ng job nila. Iba't ibang modus. Iba't ibang way para makuha nila nag suspect ng isang krimen. Kailangang matibay at matapang ang loob mo. Dapat well-built ka din physically at sa lahat ng asp[eto ng pagkatao mo. ASTIG lang. Isa pa, dami mo ng alam na self-defense at fighting methods. HIYAAAAAAAAA !


At yung pinakagusto kong part ? Yung DISGUISE. Magdidisguise kang ganito, kunwari ikaw si ganyan. Least lang yung astig nilang gadgets at ang pagpunta sa iba’t ibang bansa. Gusto ko yung magkukunwari kang CEO ng isang kumpanya saka ka makikipaglban kapag it’s time na for bakbakan ! HAHAHAHA.

At sa real life, akala nila nurse ako. LOL Or isang call center agent o isang tambay sa kanto. Yun pala, isa akong dakilang SPY ! Saving the world during my free time. :))) Patagong hero ba. Yung may secret identity.


May bad effects man na siguro katulad ng pagpatay at pagsisinungaling, pero siguro kasama na yun sa job. Sasabihin ko din naman yun sa kanila in the right time. Pero hindi naman yung time na tipomng in captivity kami or in danger. So, siguro, mahirap nga maging SPY. Hindi siguro, pero OO. Daming sacrifices eh.

Siguro hindi kasing dali o exciting o thrilling katulad ng sa James Bond movies, Mission Impossible, Charlie’s Angels o Salt pa man yan. Ang gusto ko lang isang maging professional spy ! Hahahaha.
Kaya ikaw na nakakabasa nito para sa isang recruitment agency for espionage, HIRE MO NA AKO ! :DD

Tuesday, January 10, 2012

RF: I am a frustrated pianist.

Ewan ko ba kung anong nangyari. Gustong-gusto ko talaga tumutugtog ng maliit na piano na tig-50pesos nun bata ako. Yun yung usong regalo kapag Pasko dati eh. Hanggang sa nawalan ako ng interes. Naging mas hilig ko ang mga libro pero undying parin talaga ang love ko sa organ. Sana pala nag-piano lessons ako dati. Malay mo, naging Mozart pa ako. :)))

Saturday, July 2, 2011

RF: I love late night talks or phone calls.


 Who doesn’t ?
 Why ? Because that’s the only time when everything is peaceful and calm. That only time when everything can be serious. And your talks from afternoon jokes, dinner stories will turn to late night serious heart-to-heart talks. 
 That time when you will be so interested on someone because you know everything that comes out comes from somewhere deeper. That late time when everything’s so cold that each other’s comfort will warm everything.
 Sa akin naman kasi. Yun nga ganon din. Anyway, akin din naman yan. HAHAH. Nagtagalog e no. Ang point lang, ang tahimik ng pakiramdam. walang iistorbo kasi tulog na lahat ng tao. Walang maingay at tanging boses lang ng kausap mo yung maririnig mo.
 Di mo din iisipin na busy ka kasi tapos na ang araw mo. And nagpapaGood Vibes ka lang kaya kayo nag-uusap. Isa pa, naeencourage niyo yung isa’t isa. Wala na kasing iintindihin pag gabi. May maalala man, mawawala na lang uli kaso mas nanaisin niyo nalang matulog.
 Late nights ang paborito ko. Dun ako nagiging seryoso. Dun ako nakakapagmuni-muni. Hindi kasi nakakastress ang time. Malamig, tahimik at kalmado. Hindi pag hapon, maingay. Pag umaga, busy. Pag tanghali, sobrang init. Sakto lang ang late night. Para kang niyayakap patungo sa sarili mong mundo.
 Sa gabi kasi, naiisip mo lahat. The brain is more active during the night.Talagang marerealize mo lahat ng nangyari hindi lang sa buong araw. And kahit umiyak ka man, sobrang sarap ng pakiramdam kasi walang makakarinig sa iyo kundi yung kausap mo lang.
 Mas madali ako magopen kapag late night talks. Try niyo minsan. HAHAHA. Minsan, kusa pa akong mag-oopen niyan. Sabi nga ng ibang nakaranas, nakakabigla. HAHAHA. Natural lang sa akin. Isa pa, narerealize ko kung sino yung taong kaya akong tagalan. Biruin niyo, nagpakapuyat pa.
 At nakikilala ko yung taong aking malalapitan. Maasahan. Yun taong makikinig lang talaga sa akin. At alam kung kailan ako papayuhan. Just trying out their patience, endurance and perseverance. A true friends stays and listens.Dba ? 
 Sabi nga, Lonely people are always up in the middle of the night. At siguro, isa ako dun. 

Wednesday, June 22, 2011

RF: Hindi ako sanay gumamit ng laptop.


 Promise. O, ako na taga-bundok.
 Pero, gusto ko magkalaptop. Kasi ang liit liit ng laptop na nahihirapan ako magtype. Di din kasi ako sanay sa mga lugar ng ibang button don. Sabi nila, clumsy din daw ako kaya kung anu-ano napipindot ko. Hindi daw din kasi ako dahan-dahan at parang nagmamadali. Nadadamay pa yung mouse pad minsan. Di ko lang kasi gaanong gamay na hindi ko maintindihan sa kamay kong ito. LOL
 Bilhan niyo ako ng laptop masasanay din ako. Sanay lang kasi dahil buong buhay na akong nakakeyboard. Ano naman kung di ako marunong gumamit ngayon ? Lahat naman ng bagay nakakasanayan e.

Monday, June 20, 2011

Selos.


 Yun pakiramdam na di mo alam kung may gusto talagang patunayan.
 Na mahal mo siya kaya nagseselos ka. Kasi ayaw mong lumalapit ang iba sa kanya. Kasi gusto mo ikaw ang gumagawa ng bagay na iyon para sa kanya. Kasi gusto mo ikaw ang bumubili nun para sa kanya. Kasi gusto mo ikaw lang ang ginagawan niya ng ganon. Kumbaga, ikaw ang the best sa buhay niya. Kumbaga, ikaw lang talaga. O hindi kaya nagiging selfish ka na ? O baka masaktan siya sa ganito. O kaya naman magkamali siya sa ganoon. Hindi kaya over-protective ka lang ? Minsan namin kasi natatakot ka na mapunta siya sa iba. Kasi baka mawala siya sa iyo. Kasi naman baka marealize niya na may mas better pa sa iyo. O hindi kaya wala ka lang trust sa kanya ? Mahal mo siya kaya ka nagseselos. O yun lang nga ba talaga ?
 Na hindi ka dapat magselos kasi nga, mahal mo siya. Bakit ka naman magtataka kung may trust ka talaga ? Bakit ka naman magseselos kung alam mong ikaw lang ? Bakit ka magagalit sa iba kung alam mong hindi ka naman niya ipagpapalit ? Bakit ka naman mas maghahanap ng atensyon kung special ka naman ?
 Natural nga lang naman daw magselos. Pero tandaan, lahat ng sobra ay masama. Ang selos, away at di pagkakaunawaan ay natural lang. Pero kung lagi ay hindi na normal yun. May problema na yung isa sa inyo. 
 Matuto magTRUST. Mag-usap din kayo. Maraming nagagawa ang pag-uusap, malinawan man lang kayo sa mga bagay na ganoon. Para sa huli, yung relasyon niyo, hindi puro sorry or bitternes. At the end, going stronger pa rin kayo ika nga. :D

RF: Hindi mo ako mapapabangon kapag umuulan.

 Good Morning.
 Yun yun e. May pasok man o wala, basta umuulan sa umaga, hindi mo ako magigising. Magising mo man ako, hindi mo naman ako mababangon. Matutulog at matutulog lang din ako. Okay lang malate, okay lang di ako makapasok, basta nakatulog ako. LOL
 Eh, ang sarap naman talaga matulog na malamig ang pakiramdam. At nakakatamad naman talaga. Kaya ako sinusulit ko na. HAHAHA. Minsan lang naman yung ganyan, biruin mo ang init init. Para kang nasa impyerno, mas mainit nga lang doon.
 Yun lang. UMUULAN ngayon. Ala-una na. At kakagising ko lang. Nakakatamad lahat. Seryoso, kahit nga magblog ay tinatamad ako. Ilang araw na nga din ako di nagbloblog. Di pa din ako nagaalmusal.
 Malaki talaga ang epekto ng ulan sa akin. Pero tuloy tuloy na uli sa blog. Heeya !