Showing posts with label 3am na pala.. Show all posts
Showing posts with label 3am na pala.. Show all posts
Tuesday, October 30, 2012
WALA. na naman.
Yung feeling na lagi ka na lang umaasa sa WALA.
Ang sakit lang maramdaman nang ganon. Yung kahit papaano, nageffort kang maghintay yun pala maghihintay ka lang sa WALA. Yung ikaw, nag-aaksaya ng oras sa mga bagay na sinabi niya pero siya balewala lang na tumanga ka. Yung tipong ang tibay lang ng tiwala at pananampalataya mo.
Ikaw naman kasi umasa ka. Naniwala ka naman agad. Di mo din naman kasi maiiwasan. Ganon talaga. Mahal mo eh. Concern ka e. Meron kang pakialam eh. Siya lang naman itong wala.
Ayos lang umasa. Oo. Kahit masakit. Atleast, hindi ikaw yung nakakasakit. Hanggang sa masanay ka na lang at wala ka nang maramdaman. Maghintay ka man o hindi, may dumating man o wala, parang wala na lang. Nakakamanhid din pala. Pero minsan, bawas-bawasan naman para hindi ka laging naghihinakit.
Kung marunong ka nga naman magexpect, matuto kang madisappoint.
Saturday, June 16, 2012
UMAASA = AKO.
Hanggang asa na lang.
Hanggang ngayon umaasa ka pa rin. Iniisip mo may magbabago. Iniisip mo may babalik sa dati. Hanggang ngayoon ngayon, umaasa ka pa rin na magiging ganoon pa rin ang lahat. Ineexpect mo pagkatapos nito, maggigng okay na. Umaasa ka pa rin na babalik siya.
Naghihintay ka pa rin. Kasi naglaan ka ng effort eh. Nagbuhos ka ng time. Siguro kasi may promise na naiwan. At naniniwala ka pa rin sa buong puso’t isipan mo na tutuparin niya yun. At ayaw mo tanggapin yung katotohanan na baka nga wala na yun. O kaya naman ikaw ang nagkamali. Inaantay mo pa rin. Ayaw mo lang talaga masayang. Yung second chance na yun. Yung opportunity na yun. Kahit na alam mo sa sarili mo na maaraing hindi na yun maulit. Baka last na yun.
But you still wait. Benefit of the doubt lang. At malay mo may bumalik nga. Pero lagi kang may tanong eh. Yung mala-Adele na kanta, “Should I give up or should I keep on chasing pavements?”. So next time, think twice and grab oppurtunities.
Pero baka nga kasi wala na.
Lubos na umaasa, AKO.
Thursday, April 26, 2012
Tampuhan.
Para sa akin, hindi kumpleto ang isang relasyon kapag walang tampuhan.
Yung tipong di kayo magpapansinan for days. Kapag may lakad ang barkada, kayo akng dalawa ang di nag-uusap. Hindi mo alam kung kanino ka sasama kapag kausap niya ang halos lahat ng tao sa grupo. Hindi mo alam kung paano dadaan nang hindi mo siya nakikita. Hindi mo siya itetext. Walang kibuan. At tatawirin mo ang mga kabundukan at karagatan maiwasan lang siya. Lahat ng paraan ay gagawin maparamdam mo lang na galit ka.
Pero alam mo yun, at the end of the day, mamimiss mo rin siya. Mamimiss mo kung paano kayo tumawa ng malakas. Mamimiss mo yung mga bagay na ginagawa niyo ng sabay. Mamimiss mo yung mga bagay na nagpapasaya sa iyo. Yung mga bagay na madalas niyo dating ginagawa.
Siguro minsan, mahirap magpatawad. Pero pag mahal mo talaga yung isang tao, nawawala lahat yun pag nagkaayos na kayo e. Mas masarap ang feeling ng walang dinadalang mabigat. May choice naman lahat e. Kung gusto natin ng mas magaan at masayang pakiramdam, forgive.
Di nga kumpleto yung isang relasyon, pagkakaibigan man o couple, pag walang tampuhan. Dito nasusubukan ang tatag ng pundasyon ng isang samahan. Paglipas ng araw at nagkaayos kayo, parang wala lang uli nangyari. Magsweet-sweetan kayo kung couple o balik sa asaran na wala ng pikunan kapag pagkakaibigan.
Kasi sa tampuhan na ito, we learn so many lessons. At sabi nila, ang tampuhan daw ay para sa mga espesyal na tao lang. :)
Friday, January 13, 2012
SAVE & SHUTDOWN.
Well ako na lang lahat.
Ako daw kasi ang may internet. Eh ano naman silbi ng rental shop ? Pati grammar and editing ako na lahat. Pati ba naman magttype ako pa din ? Edi sana ako na lang gumawa, sagot ka pa. NAGSASAWA DIN AKO.
Next time, di na ako magaayos. Minsan kasi ikaw pa namromroblema sa deadline. Malapit na, wala pa din nagpapasa. May nagpasa nga, last 5 minutes. Susko, MALI PA ! Tapos ipapaulit mo, ikaw pa ang sasabihan ng tamad, madamot. madaya, unfair. ah ewan ! Bahala na. There is no I in TEAM nga eh. Pero bakit kailangan lahat sa akin ? Ang masama pa hindi naman ikaw ang leader.
Oo, natutuwa naman ako sa bilib nila sa akin. Pero iba pa rin ang inaabuso na. Bukas na pasahan. Ngayon ko pa lang inaayos. Tutulugan ko na nga lang. KAPAGOD lang talaga. Maawa ka na lang minsan kasi wala talagang nangyayari sa group eh. Magkukusang loob ka na lang.
SAVE NA SA USB. SHUTDOWN
Thursday, January 12, 2012
Puyat na naman.
Mukhang magpupuyat ako for a research paper.
Kailangan ko na magawa ito kasi magpapaputol pala kami ng internet for the next 15days. Bale, magiging useless ang computer na ito for 15 days. Grabe ! Mamimiss ko ang internet ! Lalo na ang Tumblr.
Bale, hindi na ako makakapag-update ng ilang araw. Nakakatorete naman yun. Kaya ngayon pa lang, lahat ng kailangan asikasuhin na may kinalaman sa paggamit ng internet ay ginagawa ko na. Para wala ng alalahanin sa mga susunod na araw. Dyahe kasi kung magbabayad pa ng 1000 para lang mapabilis yun. Gustuhin ko man, pero nagpapagoodshot na ako para wala ng masabi sa akin na malaki na naman ang babayaran. HAHAHA.
Mukha tuloy nilulubos lubos ko na itong blogging. Babawi ako. Isa pa, I will try my best para makapagblog pa din. Nakakatigang yun ah ! HAHAHAH. See you soon, guys.
Lesson: Ang pangit nga naman ng papalit-palit. On the other hand, TRUE LOVE WAITS ! HAHAHAHA. I mean, PATIENCE IS A VIRTUE. :D
Friday, January 6, 2012
Yun pala hindi pa.
As usual. Rants lang.
Hindi pa din kasi ako makatulog. Sumosobra na yung taong nag-iisip sa akin. Ayaw niya akong patulugin. LOL. Nag-away na kami ni Lola kasi nadatnan na niya akong gising pa. Hindi niya daw ako gigisingin mamaya for school. Akala niya kasi matutulog pa ako.
Hindi pa din kasi ako makatulog. Sumosobra na yung taong nag-iisip sa akin. Ayaw niya akong patulugin. LOL. Nag-away na kami ni Lola kasi nadatnan na niya akong gising pa. Hindi niya daw ako gigisingin mamaya for school. Akala niya kasi matutulog pa ako.
Well, naghahanap ako ng past time. 7 am pa ang pasukan and mamaya pa siguro ako magrerebyu to kill the time off. For now, nakikipagchat pa ako sa kaklase ko na hanggang ngayon ay gising pa. Patibayan lang. Tumigil na kasi ako sa Tetris, bumaba na naman kasi ang rank ko. Naadik lang.
Tried and tested na kami pagdating sa puyatan. Nawa makaalpas ako bukas ng hindi ako nakakatulog sa anumang subject. Lalo na sa major ko. Makapagexam pa nawa ako ng maayos dahilm wasak na ang neurons ko. Goodluck naman.
Timecheck: 3:31am
Wednesday, January 4, 2012
Pssh.
Wala. Hindi din ako makatulog.
Siguro kailangan ko na ng depressant bukas ng gabi para lang makatulog ako. Nakakalimutan ko lang bumili eh. Hindi ko din kasi magawa sanayin ang sarili ko matulog ng maaga. Baka lagnatin ako. HAHAHAHA.
Hayaan na, pasukan na after ilang days kaya babalik din ako sa normal. Akala ko pa naman makakatulog ako ng normal ngayong bakasyon, hindi din pala. HAHAHA. Mas lalo lang ako napuyat.
Tuloy lang sa panunuod, maya maya na matutulog.
Friday, December 23, 2011
Yung feeling na pag walang makain, gutom ka pero pag merong BUFFET, feeling busog ka naman.
HAHAHA. Ngayon yun.
At eto ako ngayon kumakain ng pancit canton. Mukhang nabitin talaga ako sa party. Or ayaw ko lang magmukhang PG. Either way, kakain pa din ako ngayon. Eh madali naman kasi ako magutom.
Ewan ko. Di naman siguro PATAY GUTOM. :)))
Christmas Party.
Ang saya ko lang.
Galing ako sa isang Christmas Party na sobrang kinatamaran kong attendan. But, GRABE. Ang dami palang naging benefits nun. Bukod sa nabusog ako at naging masaya. Ang dami kong natanggap na pagpapala.
At first nanalo ako sa pick-up. HAHAHA. Doon talaga ako mahusay eh. Di na ako nagtangka sumali sa ibang games kasi di naman ako ganoon ka-athletic. Well, nanalo naman ako sa pick-up as BOY KULOT. Ngayon ko lang natanggap na kulot ako. And hindi nga naman lahat ng kulot, salot. :))
The highlight is yung raffle. At first I was praying na kahit yung blender na lang. Kaso, hindi pinalad. Tapos yung Sony Player. The good thing, napunta siya sa tito ko. :DD After yung oven & yung raffle money kaso wala eh. Akala ko hamon na lang. Pero nung tawagin yung nanalo para sa best prize, ang WASHING MACHINE, ako pala ! Sobrang nagtatalon ako sa tuwa. :))))
May mga natanggap pa akong mini gifts. HAHAHA. Saya langs.
Salamat Lord sa sandamakmak na pagpapala mo. :D
Thursday, December 1, 2011
Bye, November. Hello December
First day na ng December.
Pagkatapos ng buwan na ito, New Year na naman. Pero bago yun, ito munang month na ito ang haharapin ko. Ewan ko lang kung paano.
Ang dami ko kasing ineexpect and ang dami kasing magbabago. Yung mga bagay na akala mo pare-parehas lang araw-araw, ay may nagagawang pagbabago pala. Parang wala, pero when you look back, may nagbabago pala.
Bumalik na ako sa Facebook. Isang malaking pagbababgo yun para sa akin. 1 month ndin ako nawala and I’m telling you hindi yun madali ah. Yan palang ang isa sa mga desisyon ko before this year ends.
Unang araw palang. Meron pang 30 days left. Ang daming pwedeng mangyari doon. Tiis tiis lang. Things change for the better. So, bago man matapos ang taon, I’ll make the most out of this moments. Who knows about what will happen tomorrow ? You’ll never know naman talaga eh. Ngayon, I’ll think positive and keep my hopes & faith up. And maybe changing for the best.
Bye November. Salamat sa experiences mo.
Hello, December na ! Please be kind. :D
Sunday, June 12, 2011
Day 2.
Day 2: A picture of your favorite movie.
Yeah. Making this move a favorite is a cliche. But this is the first movie that popped in my mind when you ask about my favorite. I won’t be giving good reviews, comments, opinions or violent reactions. But this is SOOOOO GOOOOD, just like Summer said. Yep. This movie is just EPIC. And of course, the main point is I can totally relate with this. I have so many things to say but I think it’s not enough. So AWESOME and EVERY WORD OF AWESOMENESS THAT FITS THIS MOVIEwill just be my word. <3
Subscribe to:
Posts (Atom)
