Showing posts with label anong good sa night.. Show all posts
Showing posts with label anong good sa night.. Show all posts

Tuesday, October 30, 2012

WALA. na naman.


Yung feeling na lagi ka na lang umaasa sa WALA.

Ang sakit lang maramdaman nang ganon. Yung kahit papaano, nageffort kang maghintay yun pala maghihintay ka lang sa WALA. Yung ikaw, nag-aaksaya ng oras sa mga bagay na sinabi niya pero siya balewala lang na tumanga ka. Yung tipong ang tibay lang ng tiwala at pananampalataya mo.

Ikaw naman kasi umasa ka. Naniwala ka naman agad.  Di mo din naman kasi maiiwasan. Ganon talaga. Mahal mo eh. Concern ka e. Meron kang pakialam eh. Siya lang naman itong wala.

Ayos lang umasa. Oo. Kahit masakit. Atleast, hindi ikaw yung nakakasakit. Hanggang sa masanay ka na lang at wala ka nang maramdaman. Maghintay ka man o hindi, may dumating man o wala, parang wala na lang. Nakakamanhid din pala.   Pero minsan, bawas-bawasan naman para hindi ka laging naghihinakit.

Kung marunong ka nga naman magexpect, matuto kang madisappoint.

Wednesday, July 4, 2012

Move-on ka na dapat.



EX-GIRLFRIEND: Pinilit kong kalimutan ka. Maghanap ng katulad mo. Pero wala. Wala talaga akong nahanap. Ikaw pa rin talaga.
BOY: (speechless)

Kasi naman dapat matagal mo nang kinalimutan. Dapat hindi mo na iniisip. Dapat matagal mo nang baon sa limot ang lahat ng iyon.

Pero ito ka, mukhang tanga. Kaunting text lang niya, nagrereply ka. Kaunting tawag lang, sinasagot mo na. Kaunting request lang, okay lang sa iyo. O kaya naman akala mo ayaw mo na, pero pag namimiss mo din naman pala. Yung feeling na galit ka sa ginawa niya pero hindi mo alam kung masaya ka kapag nandyan siya. Alam mo matagal nang tapos ang lahat. Pero onting ngiti niya lang, kinikilig ka na uli. Kaunting gestures mo lang, hindi mo na alam ang gagawin. “HINDI. HINDI. WAG. WAG.”, yun na lang ang pinapasok mo sa isip mo.

Hindi mo alam kung ayaw mo na sa kanya o gustong-gusto mo na siyang bumalik sa buhay mo

Wednesday, March 21, 2012

PROCASTINAAAAAAAAAAATION.

Wala na talaga akong nareview.

Ang hirap pala pag kaharap mo ang computer o kadikit na ng buhay mo ang Tumblr. Yung mga oras na imbis na nakakapag-aral ka, yung mga oras na imbis na nakakapagmemorize ka, yung mga oras na imbis may dapat na tinatandaan ka at yung mga oras na imbis na may natutuntunan ka na ay napupunta lang sa kakainternet mo.

Ewan. Bakit nga ba mas nakakaenganyo magcomputer kapag Exam Week no ? Siguro naghahanap ang utak ng isang paraan para mawala yung stress na nararamdaman mo. Pero gayunpaman, hindi pa rin maganda yung result. Nasasanay ka kasi sa PROCASTINATION.

Imbis na nagiging productive ka sa ilang bagay ay naaksaya mo yung oras mo. Wala   kang time management. Yung mga bagay na dapat nagawa mo na ngayon ay ipagpapabukas mo na lang kaya yung gawain mo kahapon, ngayon at bukas ay magtatambak ng magtatambak.

Sa dulo, ikaw din ang lugi. Ikaw din ang mahihirapan.

BOTTOMLINE. WALA NA TALAGA AKONG NAREVIEW

Friday, January 13, 2012

SAVE & SHUTDOWN.


Well ako na lang lahat.
Ako daw kasi ang may internet. Eh ano naman silbi ng rental shop ? Pati grammar and editing ako na lahat. Pati ba naman magttype ako pa din ? Edi sana ako na lang gumawa, sagot ka pa. NAGSASAWA DIN AKO.
Next time, di na ako magaayos. Minsan kasi ikaw pa namromroblema sa deadline. Malapit na, wala pa din nagpapasa. May nagpasa nga, last 5 minutes. Susko, MALI PA ! Tapos ipapaulit mo, ikaw pa ang sasabihan ng tamad, madamot. madaya, unfair. ah ewan ! Bahala na. There is no I in TEAM nga eh. Pero bakit kailangan lahat sa akin ? Ang masama pa hindi naman ikaw ang leader.
Oo, natutuwa naman ako sa bilib nila sa akin. Pero iba pa rin ang inaabuso na. Bukas na pasahan. Ngayon ko pa lang inaayos. Tutulugan ko na nga lang. KAPAGOD lang talaga. Maawa ka na lang minsan kasi wala talagang nangyayari sa group eh. Magkukusang loob ka na lang.
SAVE NA SA USB. SHUTDOWN

Thursday, December 1, 2011

Kung sakaling nababasa mo ito ..










CONGRATULATIONS ! 


Iniinvade mo na kasi ang privacy ko. Salamat. ;)

Wednesday, October 19, 2011

Wala na.

Eh kasi wala na akong maramdaman.
Siguro ito yung time kung bakit tumitigil ang isang tao. Kasi wala na siyang maramdaman. Kasi wala na siyang makitang dahilan. 
O kaya naman nagsasawa na. Paulit-ulit na lang. Yun at yun din naman. O hindi mo na kasi nagugustuhan. 
Nakakapagod lang. Kasi ang dami na din naapektuhan. Yung mga pagkakataon na wala ka ng choice kung hindi itigil na lang. Kasi kapag hindi lalala lang. 
Masakit. Mahirap. Pero alam mo yun yung tama. Ang problema lang hindi mo alam kung kaya mong magawa. 
Nakaklungkot lang.