Showing posts with label nakakaasar langs.. Show all posts
Showing posts with label nakakaasar langs.. Show all posts
Tuesday, April 3, 2012
Friday, January 13, 2012
SAVE & SHUTDOWN.
Well ako na lang lahat.
Ako daw kasi ang may internet. Eh ano naman silbi ng rental shop ? Pati grammar and editing ako na lahat. Pati ba naman magttype ako pa din ? Edi sana ako na lang gumawa, sagot ka pa. NAGSASAWA DIN AKO.
Next time, di na ako magaayos. Minsan kasi ikaw pa namromroblema sa deadline. Malapit na, wala pa din nagpapasa. May nagpasa nga, last 5 minutes. Susko, MALI PA ! Tapos ipapaulit mo, ikaw pa ang sasabihan ng tamad, madamot. madaya, unfair. ah ewan ! Bahala na. There is no I in TEAM nga eh. Pero bakit kailangan lahat sa akin ? Ang masama pa hindi naman ikaw ang leader.
Oo, natutuwa naman ako sa bilib nila sa akin. Pero iba pa rin ang inaabuso na. Bukas na pasahan. Ngayon ko pa lang inaayos. Tutulugan ko na nga lang. KAPAGOD lang talaga. Maawa ka na lang minsan kasi wala talagang nangyayari sa group eh. Magkukusang loob ka na lang.
SAVE NA SA USB. SHUTDOWN
Tuesday, June 28, 2011
OA langs.
Naasar lang ako.
Patuloy na nagtataka na kung bakit may may mga tao na sobrang sensitive.Masaktan mo lang, nag-iiyak na. Masabihan mo lang, nag-iinarte na. And they’l just leave other hanging kung bakit. Yung iba obvious naman ang dahilan but why overreact ?
Yung parang nagbibiruan naman kayo. Tapos kapag nagksakitan na, wala na lahat ng pinagsamahan niyo. Edi sana sinimulan mo ng seryoso. Or mag-aasaran kayo, tapos magkakapikunan. Edi sana sinabi nalang na tumigil nun una palang. O kaya maghaharutan, kapag nasobrahan, magiiyakan. Yung tipong di mo alam kung childish ba na ewan.
Tapos hirap na hirap pa magpatawad. Pss. Ang arteng tunay. Edi sana sa umpisa pa lang pinigil mo na. Sana nagumpisa ka nalang ng seryoso. Sana hindi mo na hinintay na umabot sa ganon. Sana hindi mo na inantay mag WORSEN. Para di humahantong sa ganoon. Kasi we all swallow our pride to some serious matters pero why sometimes yung tao naman na pinagbababaan natin ang lalong tumataas. Siguro, narealize nila na they would still win. Alam mo yung di mo alam kung maPRIDE na mayabang na hindi mo alam.
Sobrang sensitive. Na kaya nilang mabuhay ng wala ka.
Napakabalat sibuyas. Na iiyakin mo na’t lahat lahat. Wala pa din. Na susukuan mo nalang. Kasi di mo alam kung maasar ko o mapapgod ka. Pero minsan, it is just plain tiring. NAKAKAPAGOD. Kung wala, di mo naman mapipilit ang ayaw. Baka gumusto. Ikaw nalang ang umalis, mag give up. Malay mo, malay mo lang ah, marealize nila ang importansya mo sa buhay nila. Pero if not, you know where to stand.
Di mo nga naman mapipilit magising ang taong nagtutulog-tulugan.
So minsan, move on. Gagalaw pa din naman ang buhay kahit wala sila. Aminadong may kulang kaso di ka naman pwede magmukmok. You smile, you walk proud. Nagsorry ka na e. You’ve done a lot of trying. Ang response nalang naman e. Pag wala, edi wala.
People come and go. Ganon ang buhay e.
Subscribe to:
Posts (Atom)