Showing posts with label OKAY NA AKO.. Show all posts
Showing posts with label OKAY NA AKO.. Show all posts

Thursday, February 7, 2013

Months in Bullets


Ang dami nang nagdaan bago uli ako nakapagpost dito.

Here I am, graduating na this April. Mantakin mo yun, yung akala mong loloko-loko, makakagraduate din pala. October pa yung huling blog ko dito. So, gonna tell stories for every month in bullets. Kahit ang hirap nang pigain niyan mula sa utak ko. Hihihi.

November

  • Halloween
  • Mag-isa sa bahay.
  • Di ako nakapunta ng Arayat, si Lola nasa Iloilo.
  • Happy Birthday, Daniel (cousin ko)!
  • Happy Birthday Tita Nhel!
  • Matino na ang OLFU. Finally
  • Enrolled. Section 1. With my friends.
  • Head Nurse ako for the 1st duty.
  • 2nd duty, Geria Ward. Balik ng Emmaus. Mas naappreciate ko sila kaysa nun una.
  • Happy Birthday Emman!
  • Nagsisimula na ang maliliit na alitan sa magkakaibigan
  • Original Dabarkads Complete Picture

December
  • Prelims
  • Nakakabangag na CA Review.
  • Tondo Med - OR Nurse
  • Alitan rises at its  peak - 4C
  • SMP small alitan. Naayos din naman.
  • Christmas Parties left and right
  • Children Mitnistry's Musical Presentation
  • Jemai and Mads in the house yo!
  • SMP Splurge!
  • Gastador porket maraming ipon
  • The year ended so right

January
  • Hello 2013. Kayganda ng Fireworks mo.
  • The year started just right
  • Posttests and Open Book Exams
  • Diosdado Memorial Med - ER Head Nurses
  • Enchanted Kingdom - a dream come true
  • KKB New Administration and issues. Hihihi
  • Welcome to the Guidance Office\
  • Damang-dama ang lamig. Literally & Figuratively. :))

So yan na yun. February na no. Wala pa naman masyadong nangyayari. Pasimula pa naman ang February. May laptop na ako na mejo hindi ako sanay kaya sinasanay ko na ang sarili ko. Hihihi. Dumating na pala si Papa. So far, so good. Hanggang dito na lang muna. May date pa ako mamaya. LOL

Thursday, April 26, 2012

Tampuhan.

Para sa akin, hindi kumpleto ang isang relasyon kapag walang tampuhan.

Yung tipong di kayo magpapansinan for days. Kapag may lakad ang barkada, kayo akng dalawa ang di nag-uusap. Hindi mo alam kung kanino ka sasama kapag kausap niya ang halos lahat ng tao sa grupo. Hindi mo alam kung paano dadaan nang hindi mo siya nakikita. Hindi mo siya itetext. Walang kibuan. At tatawirin mo ang mga kabundukan at karagatan maiwasan lang siya. Lahat ng paraan ay gagawin maparamdam mo lang na galit ka.

Pero alam mo yun, at the end of the day, mamimiss mo rin siya. Mamimiss mo kung paano kayo tumawa ng malakas. Mamimiss mo yung mga bagay na ginagawa niyo ng sabay. Mamimiss mo yung mga bagay na nagpapasaya sa iyo. Yung mga bagay na madalas niyo dating ginagawa.

Siguro minsan, mahirap magpatawad. Pero pag mahal mo talaga yung isang tao, nawawala lahat yun pag nagkaayos na kayo e. Mas masarap ang feeling ng walang dinadalang mabigat. May choice naman lahat e. Kung gusto natin ng mas magaan at masayang pakiramdam, forgive.

Di nga kumpleto yung isang relasyon, pagkakaibigan man o couple, pag walang tampuhan. Dito nasusubukan ang tatag ng pundasyon ng isang samahan. Paglipas ng araw at nagkaayos kayo, parang wala lang uli nangyari. Magsweet-sweetan kayo kung couple o balik sa asaran na wala ng pikunan kapag pagkakaibigan.

Kasi sa tampuhan na ito, we learn so many lessons. At sabi nila, ang tampuhan daw ay para sa mga espesyal na tao lang. :)

Monday, April 23, 2012

Magkatampuhan lang.



Nagkaayos nadin kami ng kaibigan ko.

Bestfriend actually. Medyo mapride din kasi kami. HAHAHA. Nung mga nakaraan araw kasi ay lagi siyang tamang hinala sa akin. Nung una, okay okay pa eh. Pero dumating sa point na yung mga sinasabi niya sa akin, di na totoo. At di niya man lang ako pinakinggan or hinayaan magexplain man lang. Pero umalis ako nang parang wala lang kahit hindi na ako nagpaalam sa kanila bago ako umalis.

Tinext ko siya kasama pa ng isa naming kaibigan about that. Na hindi na ako natutuwa sa mga nangyari. Sabi niya, there’s nothing to explain and I need to rest. Sagot ko, wala naman ako balak magexplain. From then, di ko na siya pinapansin. Cold nadin ako sa isa.

Nagpalipas lang ako ng galit for a week. And kanina lang, okay na kami. Siguro, di man totally kasi mas ginusto ko ang umuwi agad na kadalasa’y bonding muna dapat pero babalik din yun kalaunan. The point is okay na kami. And I believe, we both learned our lesson din.

Sunday, January 22, 2012

My Dengue Story.


Bago ako madengue..
image
Okay pa talaga ako. Wala naman akong nararamdaman na kahit ano. Medyo masigla pa ako, Nakakapag-facebook, nakakapagtwitter pa. Nakakapagtumblr pa. In short, okay pa ako. This was the night before.
Hanggang sa ..
image
kinabukasan, as I was preparing for school, sumakit na yung ulo ko na halos hindi ako makabangon. High-grade fever na rin at walang gana kumain. Nagtagal pa ng 2 days na ganon yung pakiramdam ko. Umookey, humihindi. Hanggang sa napilit lang ako magpacheck-up. Yun pala mababa na ang platelet ko. So I was confined for 5 days.
At eto na ako ngayon recovering. 
image
Kuha ko yan nun last day. At feeling ko pumayat ako. Babawiin ko lahat ng binawing taba sa akin ! Hahahahaha. Kaya ngayon, good boy muna, Tulog ng maaga, kain sa tamang oras, bawal ang bawal, etc.
Hayy. Hirap ng buhay. Kaya PREVENTION IS BETTER THAN CURE na talaga.