Showing posts with label katamad. Show all posts
Showing posts with label katamad. Show all posts

Saturday, February 9, 2013

Whenever I feel like cleaning my room, I lie down until the feeling is gone.

Friday, January 27, 2012

Papasok ka na naman.

Gustuhin man natin na bakasyon araw-araw, kailangan pa rin natin pumasok. Kailangan pa rin natin matututo ng mga bagay at kailangan pa rin natin makapagtapos. Kailangan pa rin na meron tayong naging achievement sa buhay natin.
At gustuhin man natin na araw-araw bakasyon, aminin mo na sa sarili mo na nakakamiss din pumasok. Nakakamiss yung mga kaklase mong kung tumawa ay walang bukas, nakakamiss ang magbitbit ng bag na kunwari’y may laman, nakakamiss ang bumiyahe kahit trapik ka na at late at higit sa lahat, nakakamiss ang humawak ng allowance. Most awaited yan kapag papasok na,makalimutan mo na ang assignment mo, wag lang ang baon mo.
Kaya papasok na ako bukas pagkatapos ng 1 buwan na walang pasok. Nakakamiss din naman ang kalog mong professor at ang boring mong klasroom. Kailangan ko na mag-cope up ng mabilis sa mga namiss kong lessons. Nakakamiss pumasok pero ibang usapan na kapag may assignments, research, projects at quizzes ng kasama.

Friday, January 13, 2012

Last day.


Last night na ito ng bakasyon.
Oo, bakasyon pa lang kami. Eh ganon talaga dahil nakasalalay ang pasok namin sa duty namin. Since, walang duty, walang pasok. Isa pa, two days lang ang lecture namin. Ewan ko din kung matutuloy ang balak na pagpapa-upgrade ng internet. Heto na naman tayo, aasa.
Ngayon, matutulog ako maya-maya, ang dami ko pa kasing iniisip at inaasikaso. Ninanamnam ko pa din yung sarap ng bakasyon ko. Tumaba nga daw ako eh, Feeling ko holiday weight gain lang. Pagtangkad ang gusto ko !
Hahaha. For now, magsasaya muna ako. PARTY, PARTY !

Thursday, January 12, 2012

Kailangan may ka-share.

Bumili ako ng 2 DVDs kanina.

Isang Death Note and yung isa Detective Conan. Ito ang bunga dahil hindi ko na nabili ang pinakamamahal kong ballpen. Maglibot ka ba naman sa buong 3 mall sa lahat ng bookstore dun, tapos wala ?! Nakakatanga lang.

Back to the topic, yun nga bumili ako pero mas pinili kong magbabad pa rin sa PC kaysa panuorin yung mga DVD na yun. Interesado naman ako dahil puros magaganda ang plot na yun, isa pa, idolo ko si Detective Conan at ang detective skills niya. Kaso nga lang, nakakatamad panuorin.


BAKIT ? Kasi amboring manuod mag-isa. Mas masarap pa din kapag may ka-share ka sa isang bagay. 

Hindi kasi dito natulog ang pinsan ko dahil maaga pa ang pasok niya bukas. Bawal din ang kapatid ko dahil ganun din. Kahit yung isa kong pinsan. Eh bwisit ! Lahat may pasok eh. Kung simulan ko man ngayon, tatamarin pa rin ako. Sa friday na nga lang. :(

Tuesday, January 3, 2012

Describe yourself.




Bakit ang hirap magdescribe ng sarili pero pag sa iba napakadali lang ?
Naisip ko lang. Sinusubukan ko kasi gumawa ng facts about me pero hirap na hirap ako. Kahit naman sa About Me ng isang site, ang tagal natin pag-isipan. Minsan, quote na lang o kaya lyrics ng isang kanta. O kaya naman pag pipirma ng isang autograph. Kailangan pa bang tingnan mo ang Describe Yourself ng iba bago ka makaisip kung ano ilalagay mo. Kahit naman sa school, pag kailangan magdrawing ng isang bagay para i-symbolize ang sarili, nagkokopyahan pa. Then you end up choosing a tree. Kasi matatag. Yun lang. Bakit ba nahihirapan tayong ielaborate ang sarili natin ?
Pero pag sa ibang tao, mabilis lang. Mabilis makapuna. Mabilis makapintas. Mabilis makakita. Minsan ang reason, “Eh keen observer ako eh.”, “Nagsasabi lang naman ako ng totoo”. Siguro nga. Pero hindi ba dapat mas madalas natin tintingnan muna yung sarili natin bago yung iba ?
Lesson learned lang. We don’t always lean the lessons in hard ways. Minsan kahit simpleng ganito lang. 
Pero ang problema ko, di ko pa din nasisimulan yung 15 Fact About Me. :))))

Pasukan na daw.


Wala pa kasing Pasok. Ayun. Amboring lang.
Late nadn kasi ako nagising dahil as usual, late na din ako natulog. Galing kasing Star City at madaling araw na rin kami nakauwi. Kaya anong oras na nagisng, 3pm. Tapos eto, kung ano lang magawa. :|
Since wala kaming duty, wala akong pasok. Isa pa, Friday naman ang lecture days namin kaya wala talaga akong pasok. Wala lang. Kung yung ibha, nagpapakahirap na magsipasok, ako, easy easy lang. Ineenjoiy ko na yung last days ng bakasyon ko. Pagkatapos nito, pahirapan na naman. HAHAHAHA.
Ayoko kasing ..
  • gumigising ng maaga
  • gumagawa ng sandamakmak na nursing care plan
  • magresearch ng magresearch
  • gumigising ng maaga
  • gumigising ng maaga
  • gumigising ng maaga
AYOKO lang. Kaya minsan, di na ako umaattend ng first subject. Masyado kasing maaga. 7am ! Biruin niyo yun. LOL. Pero, 1st day sa friday. Nabalitaan kong sasalubungin kami ng puro long quiz. 
Goodluck sa stock knowledge ko !