Showing posts with label pasukan na naman.. Show all posts
Showing posts with label pasukan na naman.. Show all posts

Friday, January 27, 2012

Papasok ka na naman.

Gustuhin man natin na bakasyon araw-araw, kailangan pa rin natin pumasok. Kailangan pa rin natin matututo ng mga bagay at kailangan pa rin natin makapagtapos. Kailangan pa rin na meron tayong naging achievement sa buhay natin.
At gustuhin man natin na araw-araw bakasyon, aminin mo na sa sarili mo na nakakamiss din pumasok. Nakakamiss yung mga kaklase mong kung tumawa ay walang bukas, nakakamiss ang magbitbit ng bag na kunwari’y may laman, nakakamiss ang bumiyahe kahit trapik ka na at late at higit sa lahat, nakakamiss ang humawak ng allowance. Most awaited yan kapag papasok na,makalimutan mo na ang assignment mo, wag lang ang baon mo.
Kaya papasok na ako bukas pagkatapos ng 1 buwan na walang pasok. Nakakamiss din naman ang kalog mong professor at ang boring mong klasroom. Kailangan ko na mag-cope up ng mabilis sa mga namiss kong lessons. Nakakamiss pumasok pero ibang usapan na kapag may assignments, research, projects at quizzes ng kasama.

Friday, January 13, 2012

Last day.


Last night na ito ng bakasyon.
Oo, bakasyon pa lang kami. Eh ganon talaga dahil nakasalalay ang pasok namin sa duty namin. Since, walang duty, walang pasok. Isa pa, two days lang ang lecture namin. Ewan ko din kung matutuloy ang balak na pagpapa-upgrade ng internet. Heto na naman tayo, aasa.
Ngayon, matutulog ako maya-maya, ang dami ko pa kasing iniisip at inaasikaso. Ninanamnam ko pa din yung sarap ng bakasyon ko. Tumaba nga daw ako eh, Feeling ko holiday weight gain lang. Pagtangkad ang gusto ko !
Hahaha. For now, magsasaya muna ako. PARTY, PARTY !

Friday, January 6, 2012

Parang Goodnight Na.


Pasukan na bukas.
7am pasok ko. At heto ako, babad sa computer. Parang wala naman pinagbago. Ewan ko ba. Di ko na iinom yun depressant ko kasi baka di na ako magising ng maaga bukas. Kakatapos ko lang magresearch at gumawa ng sandamakmak na assignment at heto, di pa din ako tulog. Nakagawa na nga ako ng isang pribadong bagay, di pa din ako inaantok.
May quiz pa pala bukas. Feeling ko, sunod-sunod yun kasi di pa kami naglolong quiz for the Prelims. Sabi kasi namin, next year na. And ngayong week yun. HAHAHAH. Ewan. Magpapaantok na lang ako siguro pagka-off ko dito. 
Kunwari, excited ako sa pumasok bukas. Kunwari, I’m looking forward to it. Kahit na alam kong sira na ang body clock ko at mahihirapan ako ayusin uli ito. Kunwair cinecelebrate ko na ang Back to School’s Eve. Dahil ito na ang huling araw ng freedom. Typical days na uli bukas. Back to normal na.
BATHALA NA BUKAS.

Tuesday, January 3, 2012

Pasukan na daw.


Wala pa kasing Pasok. Ayun. Amboring lang.
Late nadn kasi ako nagising dahil as usual, late na din ako natulog. Galing kasing Star City at madaling araw na rin kami nakauwi. Kaya anong oras na nagisng, 3pm. Tapos eto, kung ano lang magawa. :|
Since wala kaming duty, wala akong pasok. Isa pa, Friday naman ang lecture days namin kaya wala talaga akong pasok. Wala lang. Kung yung ibha, nagpapakahirap na magsipasok, ako, easy easy lang. Ineenjoiy ko na yung last days ng bakasyon ko. Pagkatapos nito, pahirapan na naman. HAHAHAHA.
Ayoko kasing ..
  • gumigising ng maaga
  • gumagawa ng sandamakmak na nursing care plan
  • magresearch ng magresearch
  • gumigising ng maaga
  • gumigising ng maaga
  • gumigising ng maaga
AYOKO lang. Kaya minsan, di na ako umaattend ng first subject. Masyado kasing maaga. 7am ! Biruin niyo yun. LOL. Pero, 1st day sa friday. Nabalitaan kong sasalubungin kami ng puro long quiz. 
Goodluck sa stock knowledge ko !