Saturday, July 30, 2011

No place like home.

Nakauwi na din.
Mas masarap na nga naman matulog sa sarili mong bahay. Better yet, sa sarili mong kwarto. Bakit ?
  • Yung pakiramdam na kapag humiga ka walang kasing lambot ang kama mo.
  • Yung pakiramdam na walang kasing sarap kayakap ang unan mo.
  • Yung pakiramdam na walang kasing init ang dala ng kumot mo.
  • Yung pakiramdam na hindi ka conscious sa posisyon mo.
  • Yung pakiramdam na hindi ka takot sa kasama mo.
  • Yung pakiramdam na baka magulat/matakot/magpanic sila kung sakaling humilik ka man op magsalit o tumayo o kung anuman ang gawin mo habang tulog.
Isa pa, kama mo lang sa bahay ang may kakayahan kang tawagin ka na parang tila nanunukso na matulog ka uli. Sa ibang bahay, bawal maoverslept, nakakahiya. Except nalang kung kapamilya mo yun. Minsan nga, kahit sa kapamilya mo na , conscious ka pa. Kailangan magsipag-sipagan eh.
Yung pakiramdam na kahit anong ulan at sikat ng araw, bahay o kwarto mo lang ang makakapagparamdam sa iyo na ligtas ka. Siguro, kung tahanan talaga ang turing mo doon at masaya kang kasama ang buo mong pamilya. Na kahit anong ingay, kulit, gulo at kung anu-ano pa, masaya ka’t nasa bahay ka na.
Ika nga, THERE IS NO PLACE LIKE HOME. 

I just want to wake up next to you. Even just for a day.

:""""""""""""""""">

Kahit na ba umuulan. Basta ang kasama mong nagtatampisaw ay ang tunay mong mga kaibigan.

— Sarap ng feeling.

Bakit may mga gabi na sobrang tahimik ?

 O kaya naman may namimiss ka lang.
 Or ang layo mo sa sibilisasyon. Nasa bundok kasi ikaw ngayon. Eh, wlaang signal dun. O kaya naman sakto, naubos yung load mo e, wala naman mapaloadan dun. BUNDOK nga e. Tuloy, wala kang makontak, wala kang makausap. Ang boring ng buhay mo.
 O sadyang tahimik kasi wala kang kakulitan. Kasi wala kang kasama. Kasi wala yung nagpapaenergize ng mundo mo. Kasi wala yung tao na kapag nandyan siya ay ang saya-saya mo. Na wala kang ginawa kundi ngumiti at tumawa. Kasi nga walang nagpapasaya sa iyo.
 O sadyang malungkot ka lang. Kasi may naalala ka na ayaw mong maalala. O may nakita ka na hindi mo dapat nakita. Kasi may narinig ka hindi mo dapat nalaman. O may naramdaman ka na ang sakit sakit sa pakiramdam. Kasi may tinatago ka na hindi mo na talaga kaya. Kasi ngayong gabi, ikaw na lang mag-isa.
 O may nag-iba. May bagong dumating, naiilang ka. O may nawala, naninibago ka. Kaya tahimik ka. Siguro nag-aadjust ka pa lang. Siguro di ka pa marecover. Sa una lang yan. After niyan, masasanay ka din. Ang dati mong tahimik na buhay, maingay na naman.
 Or ang dami mong iniisip. Naiistress ka lang. Ang dami mong pinoproblema. Feeling mo hindi mo na talaga kaya. Nanahimik ka na kasi malapit ka ng sumuko. Pero, hindi. Kaya mo yan. Isip lang. Pero pag di mo na kaya, pahinga.Wag kang hihinto. Magpahinga ka lang. 
 Or may gusto kang makita. Or may boses kang gusto mong marinig. Or may katawan kang gusto mo ng yakapin. O may labi na gusto mo ng halikan. O kamay ka ng gusto mong makaholding hands. Kaso, wala kang magawa. Kaya tahimik ka nalang.
 O sadya talagang may namimiss ka lang.