Showing posts with label umuulan. Show all posts
Showing posts with label umuulan. Show all posts

Wednesday, June 22, 2011

Nalungkot ako bigla.


 At di ko alam kung bakit.
 Ewan ko ba. Naranasan niyo na ba na malungkot ka nalang bigla. Ang saya saya mo naman kanina. Parang may kulang. Parang may something missing sa buhay mo ngayong araw. Parang tigang ka sa bagay na hindi mo alam. Yung dry na dry ka inside and out.
 Naalibadbaran tuloy ako. Okay naman kasi lahat kanina. Siguro, sadyang moody lang talaga. Parang feeling na I’ve been left behind na. Napag-iiwanan na ako. At ayoko ng ganon. Gusto ko ng lumevel up. Siguro, depressed din ako kasi hindi ko ma-meet ang sarili kong needs. Biruin niyo yun, sarili kong pangangalaingan, di ko matagpuan.
 Hayaan mo na. Este, gagawan ko ng paraan. Gusto ko marevive & marefreshed. Yng tipong para kang umahon sa sobrang lamig na tubig at buong katawan mo buhay na buhay.
 Siguro dala lang din talaga ito ng lamig at ulan. Nakakaapekto daw yun sa attitude di ba ? Siguro nga. Express lang ng express. Para hindi sasabog na parang bulkan. Kaya ko ito. Seasonal Mood Disorder lang. :))
 Pero, bukas, okay na uli.

Tuesday, June 21, 2011

Ay. Pambihira.

Yung pakiramdam na nakikigamit ka ng laptop kasi walang kwenta ang DSL mo.
 Di ko na sasabihin kung ano pero mabilis naman. Nakakaasar lang minsan. Pag umuulan kasi nawawalan ng signal. Lalo na’t nagtuloy-tuloy at lumalakas pa, ay, PAMBIHIRA ! Problema ko lang dati napuputol. Okay na yun e. Ngayon yun naman. Yun na naman. At yun na lang. UGH. At di ko maatim na mawalan ako ng internet sa kalagitnaan ng aking paglilibang.
 Nasa CLIMAX ka na, nabitin ka pa. Sakit diba ? 
 Anyway, bumalik na naman siya at tapos na ang pagdarahop ko sa laptop na yun. Balik blogging na. Neenjoy ko na siya uli. Ang hindi ko nalang uli maeenjoy ay yung katotohanan na may pasok bukas kahit may bagyo pa.
 PAG-ASA, habag naman. Please ?
 Okay na ako. Yiee. Balik desktop ko na. :D

Saturday, June 18, 2011

Goodnight.

 Inaantok din naman ako.
 Tapos na lahat. Nakapaglike and reblog na ako. Nakapagchat na. Nakapagupdate na ng status. Isang araw na naman ang lumipas.
 Masaya naman. Kasi nakadalo sa birthday ni Ate Vivian Joy na tunay na pagpapala sa buhay ko. Masaya talaga pag kasama siya. Happy Birthday muli, Ate. & Godbless you more. Nakapag-uwi pa ako ng pancit. HAHAHAH. Mga taong tunay na pagpapala kaya lalo silang pinagpapala.
 Okay na kasi nakapagusap na kami ni Sampot. Wow, made me smile kasi medyo depressed din ako. Imba talaga pag may nakausap kang close mo super and they just made you light in anyway. LIGHT talaga. Out na nga siya e. Pero napaOkay niya ako ng sobra. NAPASMILE mo akong tunay, SERYOSO. Sometimes all we need is someone to talk to.
 Birthday ni Micah. Depressed parin. Kasi walang regalo. Kasi may away kami at hirap nga naman nun. TRUST ang problema. Too complicated. So, this makes my night blue. Ugh. Anyway, I know na maayos din ito. I know. PLEASE. Tell me everything has its solution. Please.
 And I just came home from (yeah, you know) a party and a bible study. I would want to post my exhortation here. I’m really loving this blog hobby. Makes me free whenever I express something deep inside. And Whoa ! Just whoa ! Maaga pa ako mamaya kasi aattend ako ng training for leaders. Kaya yan, kapag may gusto may paraan. Kapag ayaw, baka tinatamad ka lang.
 Umuulan na naman. Nakakadepress na nakakarelax. Tipong nakikidalamhati na din ang nature. And I’m letting those raindrops wash away everything. And letting myself the coldness. Just for this time, I can feel the coldness from the outside. Not from within.
 3:30 am na. Puyat na naman ako. Nagpapatangkad pa man din ako. Pimples are now visible. Ugh. Andami ko na naman sinabi. Eh, ganito talaga ako e. Lonely people are always up in the middle of the night, ika nga ni Krauss.
OKAY na ako so FAR. Wishin’ maging okay lalo bukas. & Prayin’. Goodnight.

Thursday, June 9, 2011

Eh. Umuulan.


 Ulan. Oo, umuulan.
 Yung pakiramdam na masarap matulog kapag umuulan. Yung pakiramdam na ayaw mong bumangon. Yung masarap na pakiramdam na pagkatapos ng mga araw na sobrang init may araw din pala na sobrang lamig.
 Yung pakiramdam na ayaw mo nang bumangon. Kasi parang napakagaan ng pakiramdam kapag umuulan. Parang nabubura lahat ng dalahin mo sa buhay. Kasabay ng pag-agos ng tubig sa bubing ng bahay ay ang pag-ayos papalayo ng di mo madescribe na pakiramdam.
 Yung iba naman, nalulungkot. Nakakadepress ba talaga ? Sa bagay. Di ko din ma-explain eh. Pero sabi sa subject namin tila parang may koneksyon tayo sa weather. I mean, may epekto din sa atin yung panahon. Kaya nga pag sobrang init, nakakairita.
 Magaan lang siguro ang pakiramdam pag malamig. Ayoko na nga tumila e. Yung tipong sana bukas nalang siya tumigil. 
 Pero yung bottomline ko: Malamig. Namiss ko siya. Gusto ko ng pampainit. Gusto ko siyang yakapin hanggang sa makatulog ako.