Friday, January 13, 2012

Last day.


Last night na ito ng bakasyon.
Oo, bakasyon pa lang kami. Eh ganon talaga dahil nakasalalay ang pasok namin sa duty namin. Since, walang duty, walang pasok. Isa pa, two days lang ang lecture namin. Ewan ko din kung matutuloy ang balak na pagpapa-upgrade ng internet. Heto na naman tayo, aasa.
Ngayon, matutulog ako maya-maya, ang dami ko pa kasing iniisip at inaasikaso. Ninanamnam ko pa din yung sarap ng bakasyon ko. Tumaba nga daw ako eh, Feeling ko holiday weight gain lang. Pagtangkad ang gusto ko !
Hahaha. For now, magsasaya muna ako. PARTY, PARTY !

Thursday, January 12, 2012

Puyat na naman.


Mukhang magpupuyat ako for a research paper.
Kailangan ko na magawa ito kasi magpapaputol pala kami ng internet for the next 15days. Bale, magiging useless ang computer na ito for 15 days. Grabe ! Mamimiss ko ang internet ! Lalo na ang Tumblr.
Bale, hindi na ako makakapag-update ng ilang araw. Nakakatorete naman yun. Kaya ngayon pa lang, lahat ng kailangan asikasuhin na may kinalaman sa paggamit ng internet ay ginagawa ko na. Para wala ng alalahanin sa mga susunod na araw. Dyahe kasi kung magbabayad pa ng 1000 para lang mapabilis yun. Gustuhin ko man, pero nagpapagoodshot na ako para wala ng masabi sa akin na malaki na naman ang babayaran. HAHAHA.
Mukha tuloy nilulubos lubos ko na itong blogging. Babawi ako. Isa pa, I will try my best para makapagblog pa din. Nakakatigang yun ah ! HAHAHAH. See you soon, guys.
Lesson: Ang pangit nga naman ng papalit-palit. On the other hand, TRUE LOVE WAITS ! HAHAHAHA. I mean, PATIENCE IS A VIRTUE. :D

Day 6.



Day 6: A picture of someone you would love to trade places with
1st picture: Francisco Lachowski. I would love to experience how being a model feels like. I would love to hear how my almost everybody would scream just because I walk passed them and that’s because I have a gorgeous body. Or the feeling that you can make somebody fall in love with you with no sweat !Bottomline: I just want to know what it feels like to be somebody handsome.
2nd picture: Anyone from the glee cast. Or to be a glee member myself. I would not be that ashamed that I’m a fan. I just love how happy they are when they sing their songs. I just envy their heavenly voices. And to experience how it feels like to be a part of something special.



Page 11 of 366: First Birthday of 2012.

Birthday ng pinsan ko kanina.

Since, nagpasalubong na ako ng pizza kagabi, sabi ko ayun na yung regalo ko. May dala pa akong cokefloat and 2 dvds kanina. Sapat na yun para sa kaligayahan niya. Well, ang maganda lang naman ngayong gabi ay parang nakapagreunion na kami. Masaya naman. Kompleto kasi kaming magpipinsan eh. Yun lang naman yung isa sa mga mababaw kong kaligayahan sa buhay.


Basta kumpleto ang pamilya ko sa isang occasion, SOBRANG SAYA KO NA.

Kailangan may ka-share.

Bumili ako ng 2 DVDs kanina.

Isang Death Note and yung isa Detective Conan. Ito ang bunga dahil hindi ko na nabili ang pinakamamahal kong ballpen. Maglibot ka ba naman sa buong 3 mall sa lahat ng bookstore dun, tapos wala ?! Nakakatanga lang.

Back to the topic, yun nga bumili ako pero mas pinili kong magbabad pa rin sa PC kaysa panuorin yung mga DVD na yun. Interesado naman ako dahil puros magaganda ang plot na yun, isa pa, idolo ko si Detective Conan at ang detective skills niya. Kaso nga lang, nakakatamad panuorin.


BAKIT ? Kasi amboring manuod mag-isa. Mas masarap pa din kapag may ka-share ka sa isang bagay. 

Hindi kasi dito natulog ang pinsan ko dahil maaga pa ang pasok niya bukas. Bawal din ang kapatid ko dahil ganun din. Kahit yung isa kong pinsan. Eh bwisit ! Lahat may pasok eh. Kung simulan ko man ngayon, tatamarin pa rin ako. Sa friday na nga lang. :(

Wednesday, January 11, 2012

Day 5.



Day 5 - A picture of your favorite memory.

Highschool days. The best moments of my life ever. Jan ako natuto ng halos ng lahat ng bagay na alam ko ngayon. Lahat ng kabalastugan, lahat ng kabaitan, lahat ng kalokohan, nun highschool lang. Dito ko rin naranasan ang climax ng aking kaligayahan, kalungkutan, galit, excitement, katatakutan, at pag-ibig. OHA ! Lahat nun highschool. Sabi nga nila, ito daw ang the best at pinakamemorable na buhay ng isang estudyante kasi lahat mararanasan mo. 

Well, I enjoyed my highschool a lot. Kulang ang post na ito kung iisa-isahin ko pa. Basta, ito ang favorite memory ko. Highschool life, Oh my highschool life. sadyang kay saya ! :D 

Page 10 of 366: Pizza for all.



Kahit isa lang yung nasa picture, dahil naubos na yung isa at kinuhanan ko na lang yan after ng kainan. Iniisip ko na tuloy kung paano nagkaroon na ako ng trabaho. I will try na tuwing sweldo na ko may pasalubong ako sa kanila. Wala na nga namang mas sasarap pag nakakatulong ka sa pamilya mo. And one day, magagawa ko din yun. Biglang nawala yung mga pangarap kong luho. For that one moment, puro pamilya at para sa kanila lang yung inisip ko. And that keep my hopes up.
For now, tiis tiis lang. Si Mama at si Papa muna gagastos ng lahat. Pag may work na. For sure, ang buhay namin (sana nga) ay maging kumportable naman.