O kaya naman may namimiss ka lang.
Or ang layo mo sa sibilisasyon. Nasa bundok kasi ikaw ngayon. Eh, wlaang signal dun. O kaya naman sakto, naubos yung load mo e, wala naman mapaloadan dun. BUNDOK nga e. Tuloy, wala kang makontak, wala kang makausap. Ang boring ng buhay mo.
O sadyang tahimik kasi wala kang kakulitan. Kasi wala kang kasama. Kasi wala yung nagpapaenergize ng mundo mo. Kasi wala yung tao na kapag nandyan siya ay ang saya-saya mo. Na wala kang ginawa kundi ngumiti at tumawa. Kasi nga walang nagpapasaya sa iyo.
O sadyang malungkot ka lang. Kasi may naalala ka na ayaw mong maalala. O may nakita ka na hindi mo dapat nakita. Kasi may narinig ka hindi mo dapat nalaman. O may naramdaman ka na ang sakit sakit sa pakiramdam. Kasi may tinatago ka na hindi mo na talaga kaya. Kasi ngayong gabi, ikaw na lang mag-isa.
O may nag-iba. May bagong dumating, naiilang ka. O may nawala, naninibago ka. Kaya tahimik ka. Siguro nag-aadjust ka pa lang. Siguro di ka pa marecover. Sa una lang yan. After niyan, masasanay ka din. Ang dati mong tahimik na buhay, maingay na naman.
Or ang dami mong iniisip. Naiistress ka lang. Ang dami mong pinoproblema. Feeling mo hindi mo na talaga kaya. Nanahimik ka na kasi malapit ka ng sumuko. Pero, hindi. Kaya mo yan. Isip lang. Pero pag di mo na kaya, pahinga.Wag kang hihinto. Magpahinga ka lang.
Or may gusto kang makita. Or may boses kang gusto mong marinig. Or may katawan kang gusto mo ng yakapin. O may labi na gusto mo ng halikan. O kamay ka ng gusto mong makaholding hands. Kaso, wala kang magawa. Kaya tahimik ka nalang.
O sadya talagang may namimiss ka lang.
No comments:
Post a Comment