Nakauwi na din.
Mas masarap na nga naman matulog sa sarili mong bahay. Better yet, sa sarili mong kwarto. Bakit ?
- Yung pakiramdam na kapag humiga ka walang kasing lambot ang kama mo.
- Yung pakiramdam na walang kasing sarap kayakap ang unan mo.
- Yung pakiramdam na walang kasing init ang dala ng kumot mo.
- Yung pakiramdam na hindi ka conscious sa posisyon mo.
- Yung pakiramdam na hindi ka takot sa kasama mo.
- Yung pakiramdam na baka magulat/matakot/magpanic sila kung sakaling humilik ka man op magsalit o tumayo o kung anuman ang gawin mo habang tulog.
Isa pa, kama mo lang sa bahay ang may kakayahan kang tawagin ka na parang tila nanunukso na matulog ka uli. Sa ibang bahay, bawal maoverslept, nakakahiya. Except nalang kung kapamilya mo yun. Minsan nga, kahit sa kapamilya mo na , conscious ka pa. Kailangan magsipag-sipagan eh.
Yung pakiramdam na kahit anong ulan at sikat ng araw, bahay o kwarto mo lang ang makakapagparamdam sa iyo na ligtas ka. Siguro, kung tahanan talaga ang turing mo doon at masaya kang kasama ang buo mong pamilya. Na kahit anong ingay, kulit, gulo at kung anu-ano pa, masaya ka’t nasa bahay ka na.
Ika nga, THERE IS NO PLACE LIKE HOME.
No comments:
Post a Comment