Wednesday, July 13, 2011

Di pa din ako makatulog.

Kahit parang lalagnatin ako.
 Kahit na ba ang sakit ng ulo at katawan ko. Bukod sa nirereview ko ang kaing kapatid at nagpapakahuwarang kuya ay sadyang di tanggap ng katawan ko ang matulog ng ganitong oras. Nasanay ako ng para akong graveyard shift araw-araw.
 YUnug tipong lethargic sa umaga, hyper sa gabi. Parang nocturnal. Nasanay lang siguro yung katawan ko. Parang sira na yung sleep routine ko. Yung body clock ko. Para akong call center agent.
 May singaw pa ako. Ang sakit ng bibig ko. Ugh. Lahat na masakit. Buti nalang 10am kami bukas sa school. Pero, maaga pa din ang gising ko. Psh. Naghalo-halo na lahat ng pwede kong maramdaman.
 Siguro, dahil lang sa STRESS or FATIGUE. 
 Kaunting pahinga lang ito. Nursing student naman ako e. Dapat alam ko mag-alaga ng katawan lalo na ng sarili ko. Kasi dapat kami ang mag-aalaga. Hindi kami ang inaalagaan. Superhero eh. Isa pa, pag nagkasakit kami, paano nalang ung mga maysakit na dapat namin alagaan.
 Dapat malakas kami. Nag-eendure. Pero minsan, nanghihina din kami. Nawawalan din kami ng lakas. Di naman lahat kaya namin e. Kasi yung iba grabe lang magexpect. May limitasyon din naman ang lahat.
 Lahat ng bagay ay may hangganan. Lahat ng bagay may kanya-kanyang kahinaan.

No comments:

Post a Comment