Masarap pala sa feeling yung may ineencourage ka.
Ako: Kamusta ?!Dicky: Okay lang.Ako: Miss ka na namin. Miss na ni Lord ang pagtugtog mo. Pwede naman magpaghinga e. Wag lang magsasawa, k ?Dicky: hehehe.*isang long-time-no-see na kaibigan. Nung nakachat ay inencourage ko lang.
Alam mo yun, kahit malayo ka, at least alam nilang nandyan ka para sa kanila.Yun isang advice mo naman ay makakatulong talaga e. Di naman kailangan ng maging para kang pari o pastor sa advice mo. Yung simpleng payong kaibigan lang. Yung mga salita na hindi naman kailangan talaga mahaba. Basta nauunawaan at naiintindihan.
Jamille: Napapagod din ako, okay ? Goodnight.Ako: Pero magpahinga ka lang, wag kang tumigil, ni magsawa. Goodnight. :)*isang random GM na nireplyan ko.
Yung mga salitang galing sa puso at tagos sa puso. Yung mga salitang hindi naman kailangan na pinag-iisipan kasi puso ang pinaiiral. Yung alam mong makakabuti sa kanya. Yung tipong alam mong mabubuhayan siya ng pag-asa. At alam niya na hindi siya nag-iisa. Kasi nga may kaibigan siya, may nagpapaalala sa kanya. May kasama siya at hindi siya lang. Yung mararamdaman niya yung espirito ng pagiging magkaibigan niyo.
At mararamdaman niyo nalan na ang laking tulong pala nun na ginawa niyo sa kanya. Malay mo, magpapakamatay na sana siya, kaso nasabihan niyo lang ng sweet words, tapos guminhawa na yung pakiramdam. See, all it takes are words of care and concern. Kasi minsan, yun yung kulang sa lahat ng natatanggap natin. Minsan kasi we want to feel special & yun yung hinahanap natin.
Ako: Ay, may verse ako sa iyo ! Seryoso.Dicky: Namiss ko yan. Promise.Ako: Ayaw mo kasing maniwala sa akin minsan. Tuloy-tuloy lang, okay ?! My prayers are with you.
Jamille: Thanks Llan sa magandang paalala mo nun nkaraang gabi. Tama ka. :)Ako: Eh di man kita mabigyan ng enervon, at least mapalakas kita through encouragement.Jamille: HAHA, gusto kita dun. Thanks tlaga Llan. Wala na ako ma’say. Nasabi mo na lahat.
Yan yung mga reply nila. O diba, positive outcome naman lahat e. Negative man ang response nila, may epekto pa rin. Tatanim parin nila yun at maalala nila. And that makes a difference. And that makes a big change to everything that they’re thinking and feeling.
Sabi ko nga, di man natin sila mapalakas dahil di natin sila mabigyan ng enervon, mas mapapalakas natin sila through our encouragement.
Ang meaning kasi ng encouragement sa akin (huhugutin ko lang yung sinabi ni Jamille about sa mga sinabi ko) SIMPLE pero may IMPACT. :)
No comments:
Post a Comment