Sunday, July 10, 2011

Sighs.

 I saw a teacher breath out a deep sigh yesterday.
 As if I saw her bearing all the weight of this world. Siyempre teacher siya. A teacher is the one who is also responsible for molding someone’s future. Siyempre, kung walang hiya ang teacher, wag mo asahan na maayos din ang mag-aaral.
 Pero kadalasan nakakalimutan na natin ang teachers natin. Pag pumasa, nagdidiwang tayo, pag bumagsak, sinusumpa natin sila. Di man lang ba natin naisip na nahihirapan din sila maggrade sa atin ? Or namomroblema din sila kung paano nila mapapadali ang lesson. O di kaya naman nag-iisip kung paano mababago yung mga nakagawian natin na di magandang mindset. Or pilit pinapaganda sa mata natin ang lesson na ayaw naman natin intindihin.
 Minsan isipin naman natin hindi lang tayo ang nahihirapan. Oo, may mga teachers na easy-easy lang. So, ieemphasize mo nalang ang teachers na easy-easy dahil sa teacher na yun ? O may terror na teacher ? Hindi kaya dahil gusto ka niya matututo talaga ? Experience is the best teacher. Kung wala silang pakielam sa atin, sasabihin na nila na bibigyan na nila tayo ng perfect o failing grade sa simula pa lang.
 Minsan selfish lang tayo. Nawa’y marealize natin na tao lang din ang teachers natin and they also commit mistakes. It’s better to learn than to just be educated. 
 Pag nagbuntong hininga ang isang tao lalo na’t malalim ay hindi basta basta. Kumbaga, kahit sa simpleng hangin na naibuga niya, nailabas niya lahat ng bigat o problema na dinadala niya.
 Saludo ako sa inyo ! :)

No comments:

Post a Comment