Bigla lang akong nagsawa sa buhay ko.
Parang bigla akong tinamad sa lahat ng bagay. Ugh. Ewan. Dumating sa point na puro nalang ako reblog. Tinamad na naman ako magblog para sa sarili ko. Ewan, minsan nagsasawa din tayo sa mga bagay.
Isa pa, JULY na. First July post ko ito. HAHAH. Wala lang. Masarap lang sa pakiramdam. At least, tuloy tuloy lang. Hindi man tumblr famous, ang mahalaga naman sa akin yung mailabas ko yung nasa dibdib ko. At ang laking tulong ng blog. Kumbaga, nasasabi ko lahat. At least, wala man nakikinig, naieexpress ko parin.
Natatakot nga akong madiskubre ito ng mga taong malapit sa akin.
HAHA. Secret lang kasi itong blog na ito. Anyway, simulan natin ng maayos ang buwan. Ayoko ng pangit sa simula. Naniniwala kasi ako na pag nasimulan mo ang linggo o buwan ng pangit, nagtutuloy-tuloy. Ang random ng thoughts ko. Makapagblog lang. LOL
Bigla lang akong tumamlay. Okay lang yan. Kung ang halaman nga, pag nadidiligan bumabalik sa pagiging sagana. Siempre, ako din. Kayo, kamusta na kayo ?
No comments:
Post a Comment