Monday, June 20, 2011

Ang hirap magreview ng kapatid.

 Ay. ang tamad.
 5 pages lang yung babasahin. Ang tamad pa. Kalahating araw na kaming nag-aaral puro pa rin mali yung sagot niya. HEKASI ang lesson namin. Ang topic ay about sa mga ninuno. May exam kasi siya bukas at naaawa naman ako na baka bumagsak siya. Seryosong, nakakawala ng patience. ARGGGG.
 Napapasigaw na ako, napapalo ko pa. Kasi hindi naman niya talaga pinapasok sa utak niya e. Nakakawalang gana. May Science pa mamaya kasi may graded recitation siya bukas. Kaya sana walang pasok bukas. Di lang siya ang nagbenefit, kundi ako din !
 So Lord, help me. Ay, yung kapatid ko na din na tamad na hindi ko alam kung para saan niya ginagamit ang kanyang utak. Ang mean ko ba ? Nakakaasar lang talaga kasi talaga. PROMISE.

Selos.


 Yun pakiramdam na di mo alam kung may gusto talagang patunayan.
 Na mahal mo siya kaya nagseselos ka. Kasi ayaw mong lumalapit ang iba sa kanya. Kasi gusto mo ikaw ang gumagawa ng bagay na iyon para sa kanya. Kasi gusto mo ikaw ang bumubili nun para sa kanya. Kasi gusto mo ikaw lang ang ginagawan niya ng ganon. Kumbaga, ikaw ang the best sa buhay niya. Kumbaga, ikaw lang talaga. O hindi kaya nagiging selfish ka na ? O baka masaktan siya sa ganito. O kaya naman magkamali siya sa ganoon. Hindi kaya over-protective ka lang ? Minsan namin kasi natatakot ka na mapunta siya sa iba. Kasi baka mawala siya sa iyo. Kasi naman baka marealize niya na may mas better pa sa iyo. O hindi kaya wala ka lang trust sa kanya ? Mahal mo siya kaya ka nagseselos. O yun lang nga ba talaga ?
 Na hindi ka dapat magselos kasi nga, mahal mo siya. Bakit ka naman magtataka kung may trust ka talaga ? Bakit ka naman magseselos kung alam mong ikaw lang ? Bakit ka magagalit sa iba kung alam mong hindi ka naman niya ipagpapalit ? Bakit ka naman mas maghahanap ng atensyon kung special ka naman ?
 Natural nga lang naman daw magselos. Pero tandaan, lahat ng sobra ay masama. Ang selos, away at di pagkakaunawaan ay natural lang. Pero kung lagi ay hindi na normal yun. May problema na yung isa sa inyo. 
 Matuto magTRUST. Mag-usap din kayo. Maraming nagagawa ang pag-uusap, malinawan man lang kayo sa mga bagay na ganoon. Para sa huli, yung relasyon niyo, hindi puro sorry or bitternes. At the end, going stronger pa rin kayo ika nga. :D

Day 8.



Day 8 - A picture of a plant/tree/flower.


SAKURA or CHERRY BLOSSOM TREE. It started when I was still a kid. From cartoons and everything. Yeah, it’s pink but I love the way the flowers will fall whenever you’re under it’s shade. Like it’s so refreshing or cool. So natural. And plus, it’s the first thing that popped in my mind. I was thinking about choosing rose or narra tree. But it was so mainstream. Guess, Sakuras doesn’t just symbolize femininity.  

RF: Hindi mo ako mapapabangon kapag umuulan.

 Good Morning.
 Yun yun e. May pasok man o wala, basta umuulan sa umaga, hindi mo ako magigising. Magising mo man ako, hindi mo naman ako mababangon. Matutulog at matutulog lang din ako. Okay lang malate, okay lang di ako makapasok, basta nakatulog ako. LOL
 Eh, ang sarap naman talaga matulog na malamig ang pakiramdam. At nakakatamad naman talaga. Kaya ako sinusulit ko na. HAHAHA. Minsan lang naman yung ganyan, biruin mo ang init init. Para kang nasa impyerno, mas mainit nga lang doon.
 Yun lang. UMUULAN ngayon. Ala-una na. At kakagising ko lang. Nakakatamad lahat. Seryoso, kahit nga magblog ay tinatamad ako. Ilang araw na nga din ako di nagbloblog. Di pa din ako nagaalmusal.
 Malaki talaga ang epekto ng ulan sa akin. Pero tuloy tuloy na uli sa blog. Heeya !

Saturday, June 18, 2011

Goodnight.

 Inaantok din naman ako.
 Tapos na lahat. Nakapaglike and reblog na ako. Nakapagchat na. Nakapagupdate na ng status. Isang araw na naman ang lumipas.
 Masaya naman. Kasi nakadalo sa birthday ni Ate Vivian Joy na tunay na pagpapala sa buhay ko. Masaya talaga pag kasama siya. Happy Birthday muli, Ate. & Godbless you more. Nakapag-uwi pa ako ng pancit. HAHAHAH. Mga taong tunay na pagpapala kaya lalo silang pinagpapala.
 Okay na kasi nakapagusap na kami ni Sampot. Wow, made me smile kasi medyo depressed din ako. Imba talaga pag may nakausap kang close mo super and they just made you light in anyway. LIGHT talaga. Out na nga siya e. Pero napaOkay niya ako ng sobra. NAPASMILE mo akong tunay, SERYOSO. Sometimes all we need is someone to talk to.
 Birthday ni Micah. Depressed parin. Kasi walang regalo. Kasi may away kami at hirap nga naman nun. TRUST ang problema. Too complicated. So, this makes my night blue. Ugh. Anyway, I know na maayos din ito. I know. PLEASE. Tell me everything has its solution. Please.
 And I just came home from (yeah, you know) a party and a bible study. I would want to post my exhortation here. I’m really loving this blog hobby. Makes me free whenever I express something deep inside. And Whoa ! Just whoa ! Maaga pa ako mamaya kasi aattend ako ng training for leaders. Kaya yan, kapag may gusto may paraan. Kapag ayaw, baka tinatamad ka lang.
 Umuulan na naman. Nakakadepress na nakakarelax. Tipong nakikidalamhati na din ang nature. And I’m letting those raindrops wash away everything. And letting myself the coldness. Just for this time, I can feel the coldness from the outside. Not from within.
 3:30 am na. Puyat na naman ako. Nagpapatangkad pa man din ako. Pimples are now visible. Ugh. Andami ko na naman sinabi. Eh, ganito talaga ako e. Lonely people are always up in the middle of the night, ika nga ni Krauss.
OKAY na ako so FAR. Wishin’ maging okay lalo bukas. & Prayin’. Goodnight.