Sunday, June 12, 2011

Bakit may mga taong bitter ?

 Oo nga. Bakit ?
  1.  Di ko naman kayang sagutin yan e. Kasi depende naman yan sa tao. Kung lumaki siyang pangit ang tingin sa buhay, yung pessisimist ba, edi talagang bitter ang buhay niya. Kasi, wala na siyang nakikitang maganda sa paligid niya e. Kaya BITTER siya. Edi try looking at the brighter side. Imposibleng wala. Kahit nga gabi, may bituin at buwan e, yung pa kayang buhay mo ?
  2.  Isa pa, kasi di niya nakikitaan ng justice. Ewan ko. Kumbaga, lahat nalang UNFAIR sa kanya. Bakit si ganito ganyan samantalang si ganito ganon ? Alam  mo yung pakiramdam na lahat nalan ng bagay kinumpara niya na. Iba si ganito, iba si ganyan. Parang fingerprints lang. No pattern is alike. Kaya nga may word na UNIQUE.
  3. Meron din yung BITTER kasi insecure o inggit. Kasi sila hanggang ganon na lang o kaya naman sila ganon pa din samantalang yung iba umuunlad. Bakit di kasi sila gumawa ng way. Kung tingin nila na the best na nila yun, edi strive harder. Isa pa, bakit ka naman magpapakitang gilas ? Kung sa tao ka maglilingkod, mapapagod ka lang. Wag kang titingin sa iba. Basta alam mo ikakaasenso mo na nasa tamang paraan naman. Edi GO. Life is a survival of the fittest pero di mo kailangan mainggit. Malay mo kakastrive harder mo, best ka pa sa best.
  4. Or talagang they feel rejected. Oo. yun yung mahirap sa lahat e. Kasi naman, pwede naman isali ayaw pa. Or talagang ramdam niya na iwas yung tao. O yung lantaran siyang inaayawan. O di siya gusto. Patago man o bulgar. O sa kahit anonv paraan. Sa kahit anumang aspeto ng buhay. Basta rejected. Basta nakaramdam ng rejection. Minsan, dito talaga nag-uugat ang lahat. Kung sila nga hindi nakaranas, bakt yung iba ganito? O bakit kailangan hindi ako kasali sa ganitong bagay? O bakit nila ako inalis? O bakit ayaw nila sa akin? Ano bang problema? Ramdam naman talaga pag ayaw sa iyo o napipilitan except nalang pag magaling sa pagkukunwari yung tao. Basta ang bottomline: REJECTION.
 Mejo ramdam ko yung iba dito. Eh kasi naman. Andon ka na nga, inalis ka pa. Nanjan ka na nga, tinanggal ka pa. Okay na nga, hindi ka pa sinali. At yung bitterness sa akin na yung iba napapansin tapos ako hindi. Wala lang. Masama yung loob nila sa akin. Masama din naman loob ako.
 
Alam kong pangit ang word na BITTERNESS. Sa salita pa lang, mapait na. Pangit ng pakinggan. Pero kung ganon talaga yung tao sa iyo, wala ka naman magagawa. Ako, sinusuklian ko nalan ng mabuti para at the end, marerealize nila that they have nothing to be bitter talaga. Si Lord din naman nareject in many ways. Mula pagkanganak at pagkamatay eh. So tayo din. Maeexperience din natin yun.

 Pero bottomline: LAHAT NG BAGAY AY DEPENDE SA PAGTANNGAP. Depende yun sa perspective ng buhay mo. Stay happy. Smile. Kung di maganda ang tingin mo, edi gandahan mo pa. Para may mabuo kang mas maganda. Minsan talaga ang problema ay nasa atin. Be optimistic ika nga. Isa pa, maghanap ka ng pwede mong sandalan at yung maasahan. Pag wala. Edi lumapit ka kay Lord. :D

Mahaba na ito masyado. Nawa'y basahin niyo din. Kulang pa ito. Nagtimpi lang ako. HAHAH.
Just sayin'. Goodnight.

No comments:

Post a Comment