Teens get more depressed while listening to music.
Hindi din. Depende din sa music na pinapakinggan mo. Kaya nga may iba’t ibang genre ng kanta e. Para makapili ka ng mga kantang soothing sa tenga mo. Para nafifilter mo yung mga kantang papasok sa utak mo.
- Depressing - ito yung mga kantang mapapa “Let’s not bring the past back anymore” ang drama mo, Yung tipong ang dami mong maalala. Tapos malulungkot kasi hindi mo alam kung mauulit pa yun. Tapos EMO ka na naman. O kaya maalala mo na naman ang dahilan kung bakit ka SINGLE o kung bakit kayo nag-away. O kung bakit ka heart broken. O kaya bakit malungkot ka na naman. Depressing nga e. Edi iwasan mo.
- Happy - ito yung kabaliktaran ng depressing. LOL. I mean, ito dapat yung mga kantang pinakikinggan mo. Hindi yung nagrereminisce ka. Malungkot ka na nga, nagpapalungkot ka. Dapat “I’ve got a pocket, got a pocketful of sunshine” ka. Kumbaga anuman ang mangyari, keep on smiling lang. Kaya mo yan. Kung nakakahawa ang kalungkutan, mas nakakahawa ang kasiyahan. Maging masaya ka lang.
- Rock N’ Roll - yung mga kantang mapapahead bang. O yung mapapagrowl ka o mapapasigaw ng “My heart it beats, beats for only uo, my heart is yours”. Yung tipong maky suppressed feelings na hindi mo masabi ng maayos kaya sinisgaw mo nalang. Yung pakiramdam na inlove ka na galit ka na hindi mo alam na tipong gusto maging malaya, magwala.
- Relaxing - yung tipong may kasama pang nature sounds. O kaya claasical. Yung talagang may dulcet voice. Yung mga symphony na puro nota at numbers lang. O kaya naman yung talagang slow songs na hindi ka hihingalin pag pinakikinggan.
- Inspirational - parang relaxing narin. Mga tipong “You are the Wind Beneath My Wings” o kaya “You raise me up so I can stand on mountains”. Mga ganon. Mga talagang mamomotivate ka at mabibigyan ka ng dahilan para mabuhay. Panibagong pag-asa ba.
- RNB na Outgoing - HAHAH. Mga tipong “I want my beat fast and my bass down low”. Yung tipong mapapapadyak ang paa mo at mapapsayaw ka talaga. Kahit kunwari ka pa. Talagang mapapindak ka. Di ka man marunong sumayaw, pasway sway ka nlang at mapagalaw galaw nalang ng ulo. Pwede din pasipol sipol. Talagang “The club can’t even handle me right now”.
- Oldies - mga mula 70’s to 80’s to 90’s. Di ko alam e. Basta oldies. Pwedeng pandisco or boogies, pwedeng pangharana. Siguro kasama na yung “something’s telling me it might be you” o kaya “paint my love” o kaya walang kupas na beat ng “beat it”. Na alam na alam mo kasi melody pa lang at lyrics. Pero aminin, mas maganda yung mga dati. Mas may meaning, mas may sense. “Why don’t you build me up buttercup” ei ?
- Ballroom - yung mga “sway with me” and “chachacha” songs. Yung tatayo ka nalang at magahahanap na nmg partner. Yung talagang mapapa-nganga ka nalang sa tindi ng mga sumasayaw. Karamihan senior pa !
- Occasional - pang mother’s day lang, pang father’s day lang, pang independence day lang, pang flag ceremony lang, pang program lang. Yung mga ganon. At ang pinakasikat ? Happy Birthday to You !
- Gospel - mga kantang mapapaHALLELUJAH ka ! O kaya naman “Kunin at tanggapin”. Meron na din na “Who am I” at “One Way, Jesus!”. Talagang mapapatalon ka sa saya. O mapapaiyak ka. One goal: To praise and worship the Lord. Ibang experience ito. Inspiring na refreshing na mapapWOW ka nalang !
- Expressive - last but not the least. Mga kantang gingamit mo to express your feelings. Mapacover,a coustic. Basta ito yung nararamdaman mo. Nasa loob mo. Gingamit mo to speak out kung ano ang iyong feelings. Kasali man sa choice sa itaas o hindi. Speaks about yourself and everything.
Ayan. Di naman ako magaling sa music e. Di naman ako musically inclined na tao. Sinabi ko lang kung ano yung mga tingin kong category para sa akin. Ang pakiramdam mo sa araw-araw ay depende din sa pinakikinggan mo. Kung malungkot ang songs, malamang malungkot ka din. You tend to be happy if jolly anmg tugtog mo. I mean, oo. Nakakarelate ka sa kanta, pero kung di nakakabuti sa iyo, itigil mo na. Think .. baka magkasuicidal tendency ka. Siempre, guard your mind and heart. Filter those music. If you can choose the food you eat to nourish your body, you can choose the music to nurture your soul.
The truth is, our music defines our life. Be careful little ears what you hear.
No comments:
Post a Comment