At di ko alam kung bakit.
Ewan ko ba. Naranasan niyo na ba na malungkot ka nalang bigla. Ang saya saya mo naman kanina. Parang may kulang. Parang may something missing sa buhay mo ngayong araw. Parang tigang ka sa bagay na hindi mo alam. Yung dry na dry ka inside and out.
Naalibadbaran tuloy ako. Okay naman kasi lahat kanina. Siguro, sadyang moody lang talaga. Parang feeling na I’ve been left behind na. Napag-iiwanan na ako. At ayoko ng ganon. Gusto ko ng lumevel up. Siguro, depressed din ako kasi hindi ko ma-meet ang sarili kong needs. Biruin niyo yun, sarili kong pangangalaingan, di ko matagpuan.
Hayaan mo na. Este, gagawan ko ng paraan. Gusto ko marevive & marefreshed. Yng tipong para kang umahon sa sobrang lamig na tubig at buong katawan mo buhay na buhay.
Siguro dala lang din talaga ito ng lamig at ulan. Nakakaapekto daw yun sa attitude di ba ? Siguro nga. Express lang ng express. Para hindi sasabog na parang bulkan. Kaya ko ito. Seasonal Mood Disorder lang. :))
Pero, bukas, okay na uli.
No comments:
Post a Comment