Saturday, June 25, 2011

Malamig o Cold ?


 Magkaiba pala ang sentences na ito:
#1: Wala ka na naman sa tabi ko. Ang lamig.
#2: Wala ka na naman sa tabi ko. Ang cold.
Di nga ? Magkaiba ? Napagtanto ko lang.
 ANG LAMIG. Kumbaga, outer coldness. Yung nararamdaman mo yung lamig ng hangin, lamig ng ulan, lamig ng tubig, lamig ng yelo, lamig ng aircon, lamig ng paligid mo. External environment. At ito yung lamig na magkumot ka lang mawawala na. Yung lamig na pwede mong inuman ng kape. O yung lamig na pwede mong patayin yung electric fan mo o aircon mo. Alamin mo lang yung pinanggalingan ng lamig kasi nalalaman mo naman agad dahilsa sensory neurons mo. Eliminate mo, Okay na. Yung lamig na napakadaling solusyunan. Na after nun, okay na uli ang body system mo.
 ANG COLD. Yung tipong alam mong may ibig sabihin. Yung sentence na alam mong may pinaghuhugutan. Yung sentence na kapag sinabi mabigat. Cold kasi, may hindi ka ipinararamdam. Cold kasi, may hindi siya maramdaman. Kasi may ayaw ka nang iparamdam. Kasi huminto ka na. Nagsawa o napagod o nagpahinga. Ewan. Ganon ang coldness. In short, coldness ay sa isang relasyon. Yung pakiramdam na unti-unti na kayong lumalayo. Or kung anuman ang dahilan na kung bakit nawalan na kayo ng gana sa isa’t isa. Yuung coldness na hindi madadaan sa simpleng jacket. Siguro sa hugs pwede pa. Kaso di rin yun sapat. Ito yung coldness na higit pa sa spark yung kailangan marevive. Na talagang eeffortan mo, mabalik lang ang lahat sa dati. At yung coldness, na idadamay yung buong buhay mo dahil sa depresyon. Yung coldness, na mahirap solusyunan kapag kumalat na. Kaya, habang maaga, whenever you feel cold, work it out. Wag mo hayaang dumating sa Ice Age ang relasyon niyo.
 Or siguro, mahilig lang ako maglagay ng meaning sa mga sentence. Double-meaning ba. Lagi naman kasi depende sa pagtanggap ng isang tao yun e. Kung maganda ang pagtanggap, maganda ang meaning, pag pangit, edi malamang pangit. Pero be sensitive pa rin. Hindi porket wala siyang sinasabi e wala na. Learn to feel. Hindi lahat ng nararamdaman kailangan sabihin. At hindi lahat ng nararamdaman nasasabi. Sometimes, words aren’t enough to express what we really feel.
 Malamig lang kasi kaya ganito ako. Not based on true-to-life events. Seryoso. Umuulan lang kasi e. :D

No comments:

Post a Comment