Yung feeling na naiiyak ka na sa lungkot at di mo alam ang gagawin mo. Tapos may kakausap sa iyo, kunwari okay ka lang.
E ganon talaga e. Alam mo yung pakiramdam na mas madaling ngumiti, kaysa ipaliwanag kung bakit ka malungkot. Mas madaling tumawa kaysa naman sabihin kung bakit di ka makangiti. Mas madaling maging okay kaysa ipakita mo na mahina ka.
At one point parin kasi sa buhay natin kahit gaano pa tayo magpretend na tayo ay isang superhuman, we still break down and cry. Yung iba sanay na hindi umiiyak, yung ipon ipon lang. Kumbaga, “Tear-coin-bank” daw. Pero may iba naman talagang lahat idadaan sa iyak. Kung hahagulgol, hahagulgol siya.Pero ang point, hindi sign ng kahinaan ang pag-iyak, it is a sign of endurance.Sige lang, iyak mo muna, tas okay lang.
Hindi ko tuloy matuloy yung Day 13. A picture with your bestfriends. Madam kasi sila pero gusto kumpleto. I mean, wala lang. Ba’t nga ba nasali ito ? LOL.Kasi lahat naman tayo may kryptonite. There’s this one thing a kahit anong mangyari, ito lang yung bagay na nagpapahina sa atin. Mapabagay, lugar, pangyayari o tao. Yung tipong inaalala mo pa lang, wasak na yung araw mo.
Minsan, kahit gaano tayo kalakas, nanghihina din tayo. Sabi nga dba,Everyone needs help, even Spiderman. So gaano ka man kalakas, you just need someone to encourage you. At isa pa, tuloy-tuloy lang.
Keep moving forward. Ang pagmove on ay isang choice.
Heto na naman ako, nililibang ko lang yung sarili ko. Hayaan na natin, araw nga lumilipas e, yung nararamdaman pa kaya. Mawawala din yan. Kaso nga lang, oo, nagiiwan ng marka.
No comments:
Post a Comment