Ulan. Oo, umuulan.
Yung pakiramdam na masarap matulog kapag umuulan. Yung pakiramdam na ayaw mong bumangon. Yung masarap na pakiramdam na pagkatapos ng mga araw na sobrang init may araw din pala na sobrang lamig.
Yung pakiramdam na ayaw mo nang bumangon. Kasi parang napakagaan ng pakiramdam kapag umuulan. Parang nabubura lahat ng dalahin mo sa buhay. Kasabay ng pag-agos ng tubig sa bubing ng bahay ay ang pag-ayos papalayo ng di mo madescribe na pakiramdam.
Yung iba naman, nalulungkot. Nakakadepress ba talaga ? Sa bagay. Di ko din ma-explain eh. Pero sabi sa subject namin tila parang may koneksyon tayo sa weather. I mean, may epekto din sa atin yung panahon. Kaya nga pag sobrang init, nakakairita.
Magaan lang siguro ang pakiramdam pag malamig. Ayoko na nga tumila e. Yung tipong sana bukas nalang siya tumigil.
Pero yung bottomline ko: Malamig. Namiss ko siya. Gusto ko ng pampainit. Gusto ko siyang yakapin hanggang sa makatulog ako.
No comments:
Post a Comment