18.
Thursday, February 2, 2012
Friday, January 27, 2012
Sleeping time.
Matutulog na ako. Excited man ako ngayon o gutom lang itong nararamdaman ko, matutulog na ako. Nagbagaong buhay na ako eh. LOL. Basta matutulog ako ng maaga para bukas hindi ako bangag kausap.
Isa pa, comeback ko bukas. Dapat looking wow, feeling wow. Kailangan maramdaman nila ang kagalakan at ka-amazingan ng aking pagbabalik ! :DD
Papasok ka na naman.
Gustuhin man natin na bakasyon araw-araw, kailangan pa rin natin pumasok. Kailangan pa rin natin matututo ng mga bagay at kailangan pa rin natin makapagtapos. Kailangan pa rin na meron tayong naging achievement sa buhay natin.
At gustuhin man natin na araw-araw bakasyon, aminin mo na sa sarili mo na nakakamiss din pumasok. Nakakamiss yung mga kaklase mong kung tumawa ay walang bukas, nakakamiss ang magbitbit ng bag na kunwari’y may laman, nakakamiss ang bumiyahe kahit trapik ka na at late at higit sa lahat, nakakamiss ang humawak ng allowance. Most awaited yan kapag papasok na,makalimutan mo na ang assignment mo, wag lang ang baon mo.
Kaya papasok na ako bukas pagkatapos ng 1 buwan na walang pasok. Nakakamiss din naman ang kalog mong professor at ang boring mong klasroom. Kailangan ko na mag-cope up ng mabilis sa mga namiss kong lessons. Nakakamiss pumasok pero ibang usapan na kapag may assignments, research, projects at quizzes ng kasama.
Thursday, January 26, 2012
Day 7.
Day 7 - A picture of your most treasured items.
Yan na lang, Complete set pa. Taken months ago. Pero bakit yang mga yan ?
- My glasses - I can live it with it pero correction glasses kasi yan. A remedy for a headache kung sakaling di na kaya ng normal kung mata ang tumingin sa paligid. Kailangan na mag-HD ! LOL Isa pa, my glasses is one heck of a disguise. Madalang lang akong makilala pag may glasses.
Plus, I look like a genius ! HAHAHA. - My ballpen - favorite ko yan. Di ako dapat nawawalan ng ballpen. Pag nawawalan ako ng ballpen, di ko alam kung paano ako makakasurvive sa isang araw. I grew up doodling and writing. So bukod sa books and notebooks, isang handy bestfriend ko ang ballpen.
- My planner - dahil hindi ako organized. Jan ko nadin iniipit ang papers, exams, quizzes, doodles, scrap notes, registration card at kung anu-ano pang uri ng papel na pwede iipit. Jan din ako tumitingin ng sched since absent-minded akong tao. Notepad ko na din yan. Lahat na, parang notebook na din at filecase. :))
Kahit yan laman ng bag ko, solve na ako. Bihira lang ako umalis ng walang bag. At yang mga yan bukod sa phone, wallet, relo at panyo ang mga bagay na hindi ko pwede makalimutan.
Eksena sa ospital:
- AKO: Lola, ayoko na dito. Wala naman akong ginagawa.
- LOLA: Bakit sa bahay may ginagawa ka ?
- AKO: Oo.
- LOLA & AKO: NAGCOCOMPUTER. :)))
Wednesday, January 25, 2012
Sa bahay.
Ayoko lang nagiistay sa bahay. Wala din naman ginagawa kundi magcomputer. O kaya kumain. O kaya matulog. Minsan mas gusto ko pa pumasok. Minsan gusto ko din magdorm sa malayong lugar. Gusto ko din itry maging independent. Gusto ko lang umuwi kapag matutulog na ako o kaya tulog na lahat ng tao tapos alis na naman kinabukasan. Hindi naman ako rebelde, siguro isa lang ito sa feeling ng pagiging teenager.
Yung mangangarap ka din mabuhay mag-isa. Problema, nag-aaral ka pa at wala ka pang sariling kita. Umaasa ka pa rin sa mga magulang mo. Masarap daw kasi maging independent. Lahat nagagawa mo. Walang sumisita sa iyo. Hindi masyadong maingay. Tahimik ang buhay kasi nga walang bawal bawal.
Pero nakakamiss din ang pamilya pag nabuhay ka mag-isa. May isang punto sa buhay mo na gugustuhin mo maging independent pero marerealize mo pa rin na mas masaya ang buhay pag kasama mo ang pamilya kahit ang ingay ingay nila.
Ikanta mo na lang yan.
May mga ganong pagkakataon talaga. Yung mga kantang kapag narinig mo, maalala mo yung ex mong niloko ka o kaya naman yung mga araw na kung kailan ang sweet sweet niyong dalawa. Mga kantang pag pinakinggan mo bigla ka na lang magiging emo. Or sasabayan mo kasi tilla sinasabi na ng kanta kung anong nararamdaman mo. Mga kantang binabalik yung mga masasakit na alaala.
May kanta din naman na napapaindak ka sa saya, mga kantang tipong nakakawala ng stress. Mga kantang good memories lang yung binabalik sa iyo kapag naririnig mo. Kung gaano kayo kasaya ng barkada mo, kung gaano mo kagusto mo magparty o kung paano mo gusto mo pasayahin ang sarili mo. Mga kantang mapapangiti ka mag-isa.
Pilipino nga naman, mahilig sa musika. Kasi siguro, MUSIC SPEAKS FOR WHAT WE CANNOT SAY. Kaya nga naimbento ang harana eh. At ito din ang dahilan kung bakit ang facebook status mo ay lyrics ng isang kanta.
Subscribe to:
Posts (Atom)