Friday, July 6, 2012

Busy.

Darating talaga sa point na wala ka nang gagawin kundi maging busy. Namamalayan mo man o hindi pero nagiging hardworking ka na pala. Pwedeng dahil sa pressure, kailangan lang sa ngayon o sadyang inborn ka na. Ang problema lang kapag ikaw yung tipong once in a blue moon lang sipagin.

Kaya pag bigla mong narealize na nagiging busy ka na, ituloy-tuloy mo lang. Aasenso ka niyan. Basta positive yang pinagkakabusyhan mo ah

Wednesday, July 4, 2012

Move-on ka na dapat.



EX-GIRLFRIEND: Pinilit kong kalimutan ka. Maghanap ng katulad mo. Pero wala. Wala talaga akong nahanap. Ikaw pa rin talaga.
BOY: (speechless)

Kasi naman dapat matagal mo nang kinalimutan. Dapat hindi mo na iniisip. Dapat matagal mo nang baon sa limot ang lahat ng iyon.

Pero ito ka, mukhang tanga. Kaunting text lang niya, nagrereply ka. Kaunting tawag lang, sinasagot mo na. Kaunting request lang, okay lang sa iyo. O kaya naman akala mo ayaw mo na, pero pag namimiss mo din naman pala. Yung feeling na galit ka sa ginawa niya pero hindi mo alam kung masaya ka kapag nandyan siya. Alam mo matagal nang tapos ang lahat. Pero onting ngiti niya lang, kinikilig ka na uli. Kaunting gestures mo lang, hindi mo na alam ang gagawin. “HINDI. HINDI. WAG. WAG.”, yun na lang ang pinapasok mo sa isip mo.

Hindi mo alam kung ayaw mo na sa kanya o gustong-gusto mo na siyang bumalik sa buhay mo

Wednesday, June 20, 2012

Tatay ko yan.



Ang sweet lang ng Tatay ko. Alam ko na kung kanino ako nagmana. Nyahaha.

Balik Balik din.


May mga bagay talaga na bumabalik kahit akala mo ang tagal nang nawala. Eto yung mga bagay na kahit akala mo nakalimutan mo na at kahit ilang taon na ang nakalipas, ramdam na ramdam mo pa rin.



Yung mga bagay na matagal mo nang sinuko. Matagal mo nang binaon pero noong andyan na uli, hindi mo alam yung gagawin. Naiiyak ka pa rin. O kaya naman natatawa. Yung mga bagay na akala mo nakamove-on ka na don pero hindi pa pala.



Sabi nila, things have their own way of getting back to our lives. Learn to let go, if it is meant to be, it will happen. If it is not, you're not holding on to it. At least, not anymore.

Saturday, June 16, 2012

UMAASA = AKO.


Hanggang asa na lang.

Hanggang ngayon umaasa ka pa rin. Iniisip mo may magbabago. Iniisip mo may babalik sa dati. Hanggang ngayoon ngayon, umaasa ka pa rin na magiging ganoon pa rin ang lahat. Ineexpect mo pagkatapos nito, maggigng okay na. Umaasa ka pa rin na babalik siya.

Naghihintay ka pa rin. Kasi naglaan ka ng effort eh. Nagbuhos ka ng time. Siguro kasi may promise na naiwan. At naniniwala ka pa rin sa buong puso’t isipan mo na tutuparin niya yun. At ayaw mo tanggapin yung katotohanan na baka nga wala na yun. O kaya naman ikaw ang nagkamali. Inaantay mo pa rin. Ayaw mo lang talaga masayang. Yung second chance na yun. Yung opportunity na yun. Kahit na alam mo sa sarili mo na maaraing hindi na yun maulit. Baka last na yun.

But you still wait. Benefit of the doubt lang. At malay mo may bumalik nga. Pero lagi kang may tanong eh. Yung mala-Adele na kanta, “Should I give up or should I keep on chasing pavements?”. So next time, think twice and grab oppurtunities.

Pero baka nga kasi wala na.

Lubos na umaasa, AKO.

Wednesday, May 9, 2012

KUYA.


Ang hirap maging Kuya.

  • Kailangan magparaya
  • Kailangan umintindi
  • Kailangan magpatawad
  • Kailangan magbigay
  • Kailangan tumulong
  • Kailangan magpagal
  • Kailangan magtiyaga
  • Kailangan matapang
  • Kailangan matalino
  • Kailangan magpakabait
  • Kailangan mapagmahal

Well, Ang dami lang standards. Ang hirap nga naman makasundo yung kapatid. Siguro, kasi bunso siya kaya siya yung mas iniintindi. Naiinggit lang siguro ako kasi meron siyang bago this pasukan. Minsan nga yung mga pinsan ko pa yung iniintindi ko dahil sa kaunting inggitan. Which is mali. 

So, dapat maging KUYA. Though may ups and downs kaming magkapatid, at the end of the day nawawala naman yun. At yung pagtitiis bilang kuya ko, it will pay off naman kapag lumaki siya nang maayos.

A brother will always be a brother. Kahit gaano mo man yan kinaiinisan, darating pa rin ang time na kayo lang talaga ang magkakaintindihan. Still, blood is thicker than water. :)

Di pa din makatulog.

Wala akong magawa. Kaya hanggang ngayon gising pa ako.

Nahuli na nga ako ni Mama naonline pero ayos lang. Hahaha. Nakahiram kasi ako ng laptop sa kapitbahay para makaalpas naman sa boring na buhay. Sira ang PC eh.  Ayos naman pala ang pakiramdam naman ng may laptop. Feeling ko akin e. Hahaha. Nagaadjust pa nga ako sa keyboard.

Anyway, ang sarap talagang magsenti pag madaling araw no ? Tahimik. Walang sagabal. Kaya nga siguro madami pa din gising ng madaling araw. Ang daming naalala, ang daming sumasagi sa isip, ang daming pinoproblema, ang daming namimiss. Parang yung nararamdaman mo lang ngayon. Sarap kasi ng buong araw ka lang tulog at gabi ka gising. Ramdam mo na ikaw lang talaga mag-isa. Ikaw lang at wala ng iba. 

Dami mong tanong sa sarili mo pag ganitong oras. Dami mong pagsisisi ganitong oras. Dami mong gustong gawin ng ganitong oras. Pero bukas, bagong umaga na naman. Parehas na senario. Parehas na buhay. Parang wala naman nagbabago.

Kaya mas masarap na gising ka lang ng gabi. Tila wala kasi wala ka ng pake. Sa mundo. Sa mga taong nasa paligid mo. Pero di kaya ikaw mismo ang naglalayo sa sarili mo ? Minsan kasi ganito ako.

IKAW BAKIT KA PA GISING NG GANITONG ORAS?